Tell me what I have to do tonight
'Cause I'd do anything to make it right
Let's be us againDala ng pinagsamang kalasingan at kahibangan ay wala sa sariling napatitig ako sa mukha ni Andrew. Hindi ko malaman kung papaanong nangyaring pagkabukas nito ng radyo na naroon sa bedside table ay iyon kaagad ang bumungad sa pandinig namin.
Hindi ko mawari ngunit tila sakto, o sadyang mapaglaro lang ang tadhana at masyadong natutuwa na paglaruan kaming dalawa ni Andrew. O baka naman planado ito ni Drew, pero paano? Well, hindi ko rin alam.
I'm sorry for the way I lost my head
I don't know why I said the things I said
Let's be us againLet's be us again by Lonestar? Hindi maiwasan na mamutawi ang kakaibang kiliti sa puso ko, animo'y may isang kamay ang humaplos doon at napawi ang lahat ng dinaramdam ko. Lahat ng mga hinanakit at pasakit ko ay biglang naglaho.
Here I stand
With everything to lose
And all I know is I don't want to ever see the end
Baby please, I'm reaching out for you
Won't you open up your heart and let me come back in
Let's be us againSa ilang minutong nagdaan ay pareho lang kaming natahimik ni Andrew, nakalimutan na yata namin ang kaninang ginagawa at tanging paninitig na lang sa isa't-isa ang nagagawa kung kaya ay tanaw ko sa dalawang mata nito ang sinseridad.
Kung hindi ko nga lang marahil kilala kung sino ang nagmamay-ari ng kantang iyon ay baka naisip ko nang ginawa iyon ni Andrew para ialay sa akin. Bawat letra ay saktong-sakto sa kung ano ang nangyayari sa aming dalawa.
Sa bawat ibig sabihin nito ay iyon din ang pakiusap ng damdamin ko at sa oras na iyon ay totoong nagkaisa ang mga puso namin. Nagkasundo ang mithi namin at nanaig ang dating pagmamahal sa isa't-isa.
"Oh, us again," magkasabay pa naming banggit para sabayan ang kanta.
Pareho kaming napangiti, kung nakakatunaw nga lang din siguro ang paninitig ay baka kanina pa ako nalusaw. Lubog na lubog ako sa kung paano ako pagmasdan ni Andrew ngayon na tipong ako na ang pinakamagandang babae sa buong mundo.
Look at me, I'm way past pride
Isn't there some way that we can try
To be us again
Even if it takes a while
I'll wait right here until I see that smile
That says we're us againMayamaya lang nang muling dumukwang si Andrew upang ilapit ang kaniyang mukha sa akin, kapagkuwan ay walang paatubiling inangkin ang labi ko na mabilis ko namang sinuklian ng bukal sa puso.
Puno iyon ng pagdahan-dahan, tila ba natatakot ito na masaktan ako o mas magandang sabihin na ninanamnam nito ang bawat pagdaan ng segundo na kami lang ang magkasama at parehong nagkakaintindihan.
Here I stand
With everything to lose
And all I know is I don't want to ever see the end
Baby please, I'm reaching out for you
Won't you open up your heart and let me come back in
Let's be usUnti-unti ay mas niyapos ko ang mga braso sa kaniyang batok, ayoko siyang pakawalan dahil pakiramdam ko ay siya na rin ang naging hangin ko na kapag nawala ito ay literal akong hindi mabubuhay.
Ngayon ko masasabi na hindi ko kaya nang wala si Andrew. Palagi ako nakadepende sa sarili ko, pero sa pagkakataong iyon ay naramdaman kong kailangan ko rin ng kalinga at pagmamahal ni Andrew.
Gusto kong ikulong ang sarili kay Andrew, gusto kong ipagpatuloy ang buhay na kasama siya. Hindi lang ng isang taon, tatlo o lima. Gusto ko habambuhay, kung mamatay man din ako para sa kaniya— I'll go for it.
BINABASA MO ANG
Love At Second Night [Completed]
Ficção Geral(Wild Nights Series #1) Second chance at second night? Elsa Adsuara, living her life in despair to survive her leukemia and for the sake of the child in her womb- so, she decided to stay away from the man she truly loves. Ten years later, they met a...