Chapter 8

16.6K 320 45
                                    

Enjoy reading!

"Babalik ka sa lalaking 'yon, Anthonette? Nag-iisip ka ba?" Bulyaw sa 'kin ni papa.

Hindi ako kinausap ni mama nang pumasok kami sa loob ng bahay. Nanatili siyang walang kibo. Kaya kaming tatlo na lang nag magkakapatid ang ang-usap. Ramdam ko na galit siya sa 'kin nang makita niya ako na kasama ko si Aiden.

Pero hindi ko inaasahan ang galit ni papa ngayon. Nang dumating siya galing trabaho nang hapon na 'yon ay sinabi ni mama sa kanya ang nangyari kanina.

"Hindi ko gusto 'yang ginagawa mo, Anthonette. Nakita namin noon kung paano ka nasaktan ng dahil sa lalaking 'yon." Galit pa rin na sabi ni papa. Nanatili akong nakaupo at kaharap siya.

Nakatingin lang si mama sa 'kin. Habang ang dalawa kong kapatid ay nakayuko sa tabi ko.

"Kung hindi ka pa pumunta dito ay hindi pa namin malalaman," sabi ni mama.

"Ma, kahapon lang po kami nagsama," sagot ko.

"Kahit na. Ayoko ng makita pa si Aiden na kasama ka. Naiintindihan mo?" Galit niyang sabi.

"Layuan mo siya. Bumalik ka doon sa apartment mo. Huwag ka ng magpapakita pa sa kanya." Sabi ni papa. Ramdam ko ang galit nila kay Aiden.

Pamilya ko ang unang nakasaksi kung paano ako nasaktan noon. Sila rin ang naging sandalan ko noong mga panahon na gusto ko ng sumuko. Kaya naiintindihan ko kung bakit ganon katindi ang galit nila kay Aiden.

Nahinto lang ang pag-uusap namin nang may narinig kaming tunog ng sasakyan sa labas. Napatingin ako sa bintana.

Napatayo si papa sa upuan at ganon din si mama. Lumapit sila sa bintana at sinilip kung sino 'yon. Nakita kong lumabas ng kotse si Aiden at sumilip sa gate.

Tiningnan ako ni papa. "Huwag kang lalabas. Ako ang kakausap sa kanya."

Agad siyang lumabas ng bahay at pumunta sa gate. Tumayo ako at lumapit kay mama na nasa bintana. Nakita kong nagpupumilit si Aiden na pumasok pero hindi siya pinapayagan ni papa.

"Sabing umalis ka na dito. Bago pa kita ipahuli sa mga pulis." Galit na sabi ni papa.

Akmang lalabas ako ng pinto nang hawakan ni mama ang kamay ko.

"Ma...."

"Hindi ka pwedeng lumabas." Seryosong sabi niya. Wala akong nagawa kundi ang sumunod.

Ilang minuto pa ang pag-uusap ni papa at ni Aiden sa labas. Habang ako ay nanatiling nakasilip sa bintana. Pagkaraan ay walang nagawa si Aiden kundi ang bumalik sa loob ng kotse niya at umalis.

Pagbalik ni papa ay agad niya akong kinausap. "Bumalik ka an sa apartment mo. At huwag ka ng magpapakita pa sa lalaking 'yon,"

Siguro nga hindi na talaga kami magkakabalikan pa. Hindi talaga kami ang para sa isa't-isa.

Agad kong inayos amg sarili ko. Pagkaraan ay agad na akong bumyahe pabalik sa apartment ko.

———
Kinabukasan, umaga pa lang ay umalis na ako sa apartment ko. Gustong makipag kita ni Shiela sa 'kin.

Alam niya na rin ang nangyari sa 'kin kahapon. Pagkarating ko kasi sa apartment ko ay agad siyang tumawag sa 'kin.

Isang sakay lang ang gagawin ko at makakarating na ako sa sinasabing restaurant ni Shiela.

Pagkababa ko sa jeep ay napatingin ako sa restaurant. Sa labas pa lang ay halatang mamahalin. Bakit kasi rito pa napili ni Shiela na magkita kami? May pambayad ba kami rito sa mga pagkain?

OBSESSION SERIES 3: Aiden SarmientoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon