Chapter 3: Georgianne

22 5 0
                                    

 
(Sucy’s POV)


"Oh andito ka na pala anak nung hampaslupang lalaki."Ayan nanaman siya sa mga, masasakit na salita niya, sanay naman na ako pero nakakapagod rin kasi paulit-ulit nalang. Masakit pero tanggap ko naman. 


Tuwimg umaga ang ganda ng pakikitungo niya hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa gabi. Parang nalilimutan niya lahat ng masasakit na ginawa at sinabi niya. Kinakausap niya ako na parang walang nangyari.


"Ano pang tinutunganga mo diyan lumayas ka sa harapan ko putangina ikaw ang sumira ng buhay ko" sabi ni mama.


"Ma tama napo napapagod na ako" sabi ko habang umiiyak.


"Anong iniiyak mo diyan nag-iinarte ka pa, bwisit ka lumayas ka nga sa harapan ko, naaalala ko sayo yung muka nung hayop na lalaki na yon." Hindi ko na kinaya at umakyat nalang ako sa kwarto ko upang matulog. Habang umiiyak naaalala ko nanaman yung mga masasakit na salita,sampal,suntok at pagmumura niya sakin. Mahal na mahal ko si mama kaya hindi ko kayang iwan siya kahit sobrang sakit na.


Nakagayak na ako at tinitigang mabuti ang sarili sa salamin. Namumuo nanaman ang luha ko kaya mabilis ko itong pinunasan bago pa pumatak. Nakakainis ang babaw ng luha ko nakita pa akong umiiyak nung lalaki kahapon. 


Bumaba na ako at lalabas na sa front door nung bigla akong tinawag ni mama, "anak sucy halika muna mag-agahan dito"  sabi ni mama.


Pero tumanggi ako, "ah  ma hindi na po baka malate na ako mahirap napo kasi sumakay sa labas eh" sabi ko kay mama. Parang biglang umiba ang timpla ng muka niya, narealize niya na siguro.


"Anak may ginawa nanaman ba kagabi ang mama?"  Tanong niya.


Tumango naman ako tumitig sa mga mata niya.


"Pagpasensiyahan mo na ako anak ha hindi ko sinasadya,patawarin mo ang mama"  sabi niya sabay takap sakin.


"Sige po ma pasok na po ako" sabi ko. Sige mag- ingat ka sucy anak sabi niya. Hindi ko alam kung anong nangyayari kay mama, kumg bakit siya galit sakin tuwing gabi at sobrang bait naman pagdating ng umaga. Naguguluhan rin ako pero hindi ko naman matanong kay mama kung ano ba talaga yung kondisyon niya.


Tuloy- tuloy na akong naglakad papunta sa classroom naming hindi ko nalang pinansin nila, wala ba silang kapaguran kasi araw-araw nalang ganon mga tingin nila.


Nagulat ako nang biglang may yumakap sakin at nagtitili. "Omygosh stephanie babes namiss kita" sabi ni gianne habang sobrang lakas ng boses itong babae talaga na to kahit kailan, tila mo laging nasa palengke sa sobrang lakas ng boses.


"Ah hi gianne, ano palang ginagawa mo dito  tanong ko sakanya" tanong ko sakanya.


"Babes ano ba yan talaga ibubungad mo sakin ano ka ba naman, ano pa nga pa edi dinadalaw ang maganda kong bestfriend, nakakainis hindi mo na kasi ako maputahan kahit nasa iisang university lang naman tayo" pagrereklamo niya.


Yinakap ko nalang siya para matahimik  na yung bunganga niya "namiss kita giannget  sabi ko sakanya" na ikinasimangot naman niya.


"Ano ba babes ang ganda ganda ng pangalan ko pinapapangit mo, pero namiss rin kita sabay tayo magluch mamaya marami ako ikukwento sayo at magkwento ka rin sakin, bye babes mauna na ako haa" sabi niya bago maglakad papunta sa building nila.


Tuwing magkikita nalang kami lagi siyang ganon parang laging nakalunok ng mikropono sa lakas ng boses.


Siya nga pala si gianne, Georgianne Marquez to be exact nag-iisang bestfriend ko na naging totoo sakin. Sobrang opposite naming dalawa ewan ba at nagtagal kami bilang magkaibigan. 


Pumasok nalang ako sa classroom at umupo sa upuan ko. Tumulala nalang ako sa labas ng bintana para kasing uulan na eh. Nawala ang tahimik kong pagtulala nang bigla nalang may nagbato sakin ng papel sabay sabing "hoy babae pakopya naman ng assignment pag hindi mo ginawa yun ipagsisigawan ko ang mga nalalaman kong impormasyong tungkol sa pamilya mo"  sa takot ko naman ay ibinigay ko  nalang sakanya yung notebook ko. Pagka-abot ko sakanya kumindat pa ang gago. 


Nakakainis ayaw ko man pakopyahin siya wala naman ako magawa natatakot kasi ako sa pwede niyang gawin kung hindi ko siya pahiramin. Ayoko sana na ginaganon nila ako pero anong magagawa ko, wala rin naman kasi maniniwala sakin kung magsumbong baka nga pagtawanan lang ako nung mga professor ko eh.


Pagkatapos ng klase, tinext ko na si gianne at tinanong kung saan kami magkikita. Ihahanda ko na ang tenga ko at tiyak napakarami nanaman nung kwento niyang walang katapusan.


Tinext niya na  magkita kami sa likod ng gym sa mga bench don magdadala nalang daw siya ng lunch namin. Nakakamiss yung babae na yon kahit sobrang ingay siya lang yung nag-iisang tao na nakakaintindi sa akin. 


"Hoy babes anuba nakatulala ka na diyan, si tita Suzanne nanaman ba?" Nagulat naman ako sa biglang pagsalita niya napatango nalang sa tanong niya. 


"Oh uminom ka nga muna" sabay haggis niya sakin nung coke  in can na dala niya.


"Gaga ka talaga bakit andami naman niyang dala mo, buti nabitbit mo yan" sabi ko sakanya. Ang dami naman niya kasing dala isang bucket ng chicken, pizza, ice cream at may isang paper bag pa. 


"Hayaan mo nay an naisip ko lang baka hindi ka na kumakain eh"  sabi niya sabay irap at inom sa coke niya.


"Tado ka bakit naman ako hindi kakain, hibang kaba?" sabi ko sakanya, umirap nalang siya sa naging tanong ko.


"Babes inlove na ata ako, may nakita akong lalaki kanina na sobrang gwapo. Hayop na yon ninakaw na ata tong puso ko" kwento niya habang ngumunguya.  


"Wala nang bago diyan tuwing magkikita naman tayo puro lovr ang kinukwento mo, sagabal lang yan sa pag-aaral mo yan eh" sabi ko naman sakanya.


"Babes promise iba na to seryoso na talaga mahal ko na nga ata siya eh" sabi niya naman.


"Gaga anong mahal ka diyan, huwag kang lalapit sakin na iiyak iyak diyan dahil sasapakin talaga kita"  sabi ko naman sakanya.


"Gianne ubusin mo na yan hindi ko na talaga kaya puputok na tiyan ko andami mo kasi dinala" sabi ko sakanya habang hawak ko yung tiyan ko na puputok na ata.


"Aye, aye babes go na go ako basta foods" sabi niya napakatakaw talaga. Ewan ko ba kahit ang takaw takaw niya hindi pa rin siya tumatawa sana all diba hahaha...



Okay yan na yon I know walang kwentang update lang yan pagpasensyahan niyo na hehe

-hera

Fucking AccidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon