Chapter 42

6.9K 269 51
                                    

Gabino's POV

Araw-araw nasa Villa siya para bisitahin ang mag-iina niya simula nang sampalin siya ni Sabrina. Nasaktan siya sa ginawa nito pero hindi naman siya nagalit. Alam niyang ayaw nitong kumakampi siya sa iba pero... hindi naman niya matiis si Maria. Maria is a good friend, ito ang nag-recommend sa kanya kay Don Damian. Bukod pa doon mabait naman at maasahan si Maria, madalas nga lang itong mapaaway dahil sa ugali nito. Iba kasi ang ipinapakita nitong ugali sa ibang tao kaysa sa tunay na ito. Hirap lang talaga itong makibagay sa mga tao lalo na at mababa ang self-esteem nito. At ang mga sinabi dito ni Sabrina ay mas lalo lang magpapababa nang tingin nito sa sarili kaya naman hindi na niya napigilang awatin si Sabrina.

Ang kaso siya naman ang na-bad shot kay Sabrina. Ayaw siya nitong kausapin, kahit harapin. Kahit na nga nakikiusap siya sa labas ng pintuan nito ayaw siya nitong pagbuksan. Ngayon niya pinagsisisihan kung bakit pumayag pa siya sa Lolo nito na dumito na muna sa Villa ang mag-iina niya.

Mas madali niya siguro itong mapapaamo kung may access siya dito, ang kaso hindi niya naman mapuwersang pumasok sa kuwarto nito.

Napabuntong-hininga siya at nagpaalam sa mga anak na aakyatin ang ina ng mga ito.

"Wala po si Nanay sa taas, Tay," ani ni Gabriel.

Napakunot naman ang noo niya.

"Asan si Nanay?"

"Na sa likod po may kausap na bisita," si Gavin ang sumagot at medyo pa-ismid.

"Pogi, Tay," ani ng bunso niya at parang kinikilig pa.

Pinaningkitan niya naman ito ng mata at pinameywangan.

"Mas pogi pa kay Tatay?" tanong niya dito. Napasimangot siya ng sunod-sunod na tumango ito. Nagtawanan naman sina Gavin at Gabriel.

Lumapit sa kanya si Leticia at naglalambing na niyakap ang hita niya.

"Tay, gusto ko siyang boyflend," anito na nagpalaki ng mga mata niya. May pinagmanahan ang anak niya.

Mabilis na kinarga niya ito at seryosong kinausap.

"Hindi ka puwedeng mag-boyfriend, anak, magma-madre ka," aniya dito.

Kumiling ang ulo nito at tila nagtaka.

"Ano yun, Tay?" inosenteng tanong nito.

"Yung naglilingkod kay Papa Jesus," sagot ni Gabriel.

"Inday? Ayaw ko maging Inday!" palahaw nito ng iyak na ikinatawa niya. Inday kasi ang tawag nito sa mga katulong. Ang akala siguro ng munti niyang anak pangangatulong ang paglilingkod

"Shhh... Hindi na kung hindi, basta diyan ka muna," aniya saka mabilis na ipinasa ito kay Gabriel kailangan niyang puntahan si Sabrina dahil kinakabahan siya sa kung sinong Pogi na kausap daw nito.

Mabilis siyang naglakad papunta sa lanai. At ganoon na lang ang galit na umahon sa kanya nang makita ang isang lalaking nakatalikod sa direksyon niya at yakap-yakap si Sabrina. Nag-angat ng mukha si Sabrina at nagkatinginan sila. Nakita niyang nagulat ito pero hindi man lang bumitaw sa lalaking nakayakap dito.

Parang tinutusok-tusok ng maliliit na karayom ang puso niya. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya. Parang bigla nawalan siya ng lakas ng loob na lumapit sa mga ito lalo na ng lumingon ang lalaki sa kanya nang mapansin nitong natigilan si Sabrina.

Manolo...

Mabilis siyang tumalikod, gaya rin nang pagtalikod niya ten years ago nang makita niyang magkayakap ang mga ito sa loob ng room. Bumalik siya noon dahil hindi niya kayang tiisin magkagalit sila ni Sabrina. Pero pagdating niya sa labas ng room, nakita niyang magkayap ito at si Manolo.

The Crazy Tease (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon