Today was his 1st year death anniversary.
Maaga pa lang ay nakabihis na ako nakasuot ako ng itim na shirt na pinatungan ko ng dungaree dress at penaresan ko ng white shoes. Habang nasa byahe ako memories flowing in my mind, na anumang oras ay iiyak na ako dito kung di lang talaga nakakahiya kaya pinipigilan ko. Bago pa ako ngumawa sa jeep ay agad akong nakarating sa aking destinasyon.
Isang malungkot na ngiti ang binati ko sa harap ng puntod ni CJ, agad akong naupo at inilapag ang dala kung basket. Inilabas ko mula rito ang puting kandila at inilapag ko sa kanyang puntod, habang nililinis ito. Wala pang nabisita sakanya ngayong araw dahil di pa natatanggal ang mga natuyong bulaklak ng sunflower, wala pa ring nakalagay na bagong bulaklak. Si tita ang kadalasang nagdadala ng sunflower dito siguro ay mamaya pa siya makakarating. Wala akong dalang bulaklak para sakanya hindi dahil wala akong pera kundi dahil allergic siya sa bulaklak. Ayaw ko naman na pati sa kabilang buhay ay atakihin siya ng allergy niya. Ilang segundo akong napapatitig sakanyang puntod.
CHRISTOPHER JHON L. DOMINGO
APRIL 23, 1995 - JUNE 11, 2019
Agad kung nilabas sa loob ng dala kung basket ang mga pagkain at ilang alaala na naiwan niya saakin.
" Hey, Love dala ko nga pala itong paborito mong cupcake binili ko pa ito kagabi para hindi na ako mahirapan sa pagbyahe, well hindi mo naman ito makakain kaya ako na lang ang kakain in behalf of yours. Masarap parin siya, minsan na lang din ako pumunta sa coffeeshop na yun, kasi naman naaalala kita lagi ayaw ko naman magpaka tanga no. Nagmomove-on na nga ako. Dala ko rin itong favorite kong Smart-C calamansi na hate na hate mo hahahaha. Technically sabi mo saakin hindi mo naman hate yung Smart-C ang hate mo talaga ay yung calamansi, naalala ko pa kung bakit ayaw mo sa calamansi, well hindi ko na ibubulgar baka marinig pa noong ibang patay lokohin ka pa dyan sa langit, ayaw ko naman na mabully ka no. Ako lang pwedeng mambully sayo.
Love maliban sa food I also bring the gift you bought for me, baka kasi sabihan mo nanaman ako ng matakaw, pero okay lang naman basta love mo parin ako, kahit wala kana, kahit magkalayo na tayo kasi Love, mahal na mahal pa rin kita," agad na dumulas sa pisngi ko ang luha na kanina ko pa tinatago-tago, sa totoo lang ayaw ko talagang umiyak, ayaw kong makita niya na nasasaktan ako, kasi alam ko na nasasaktan din siya para saakin. I want him to see me na okay na ako, dahil ito ang gusto niya ang maging okay ako, pero ang hirap kasi, ang hirap-hirap ipakita lalo na hindi naman talaga okay, wala naman talagang okay sa lahat ng nangyayari.
Umubo-ubo muna ako para maayos na muli akong makapagsalita." Love sorry para doon, ikaw naman kasi bakit kasi ang bilis mong nawala, ang bilis mo akong iniwan, ang daya daya mo naman kasi. Hindi mo ba alam na ang dami daming naiwan dito na nagmamahal saiyo, bakit kasi ikaw pa, bakit minsan ang daya rin ng Diyos kasi kung sino pang mabubuti sila pa yung unang kinukuha," isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko muling inilabas ang mga bagay na binigay niya saakin noong nabubuhay pa siya.
" Love, remembered this sticky note, ewan ko ba saiyo simula nang makilala kita you always giving me this, minsan ang nakasulat ang takaw ko, minsan ang cute ko, pero I was so thankful kasi every may exam or may research, may panel discussion na mangangain binibigyan mo ko ng mga advice, inspiring quotes, kahit na galing naman yun kay pareng Google thankful parin ako saiyo. But when you died wala nang nagbibigay saakin, tulad noong graduation ko, kapag nangangalay na ako sa trabaho, kapag gusto ko ng sumuko, wala ng mga ito para pagaanin yung loob ko, hindi ko na nababasa yung mga salita na gusto mong ipaunawa saakin, kasi wala ka na eh. But love I already read this sticky note million times, wala ka na kasi kaya para pagaanin ang nararamdaman ko paulit-ulit ko itong binabasa kasi alam ko na ganitong mga salita rin naman ang sasabihin mo saakin. Ito na rin siguro Love yung way ko para damhin na nandito ka pa rin. Sa pamamagitan ng mga sticky note na ito nafefeel ko na you always with me. Naalala mo pa itong teddy bear na pinangalanan natin ng Kimchi kasi pareho natin iyong favorite food, binigay mo yan saakin noong 1st monthsary natin na nag-upgrade noong nag 1st anniversary na tayo kasi human sized na siya. Wait lang ha, iinom lang ako nakakapagod pa lang magspeech."
YOU ARE READING
My Girl In Loose Shirt
Teen FictionThis is typical story were the boy fell in love into the girl. But the difference is - Whose the girl he fell in love? Is he can make the girl fall on his charm?