04.

73 24 23
                                    

I woke up feeling so tired, akala mo ay may hinahabol akong kabayo sa panaginip ko. The bright sun flares made me awake.

Marahan 'kong binuksan ang mata ko, inilibot ko ang paningin ko sa kabuohan nang kwarto ko. Until my eyes landed on the dress that I was wearing.

A hospital's clothes, I laughed at myself. Magulo ang buhok ko at hindi rin ako komportable sa suot ko ngayon. Agad rin namang napawi ang mga nasa isip ko nang may maramdaman akong presensya ng tao mula sa tabi ko. He was sleeping, nakatungo ang ulo nito sa kaniyang mga braso at mahimbing na natutulog.

At laking gulat ko naman nang makilala kung sino iyon, anong ginagawa niya rito?!

Muli 'kong naalala ang nakita kagabi, nakita niya bang naghihirap ako nang gano'n? Baka naman guni-guni ko lang. Mabilis 'kong tinanggal sa isip ko ang pangyayaring iyon.

Nang maramdaman niya sigurong gising na ako ay agad siyang napabalikwas ng upo habang ginugusot ang mga mata gamit ang kaniyang mga palad.

"Gising ka na pala, you should've woke me up." Sambit nito, nguni't tanging kunot lamang ng noo ko ang sinagot ko na parang nagtatanong.

"Oh, about that... Ate Lilac asked me to look on you. Okay ka na ba?" Agad akong nag-iwas ng tingin sa tanong nito. Alam 'kong alam ng sarili 'kong hindi ako okay. At kahit kailan hinding-hindi magiging okay. I told myself that time would help me, but it seem like it won't.

Nagagawa ko pang magsinungaling na ayos lang ako, e ano pa nga bang magagawa ko hindi ba? Kung 'di ang magsinungaling na ayos lang ako, na okay lang ako, na matapang ako, na kaya ko pa. I need to be strong, for myself.

"Ayos lang ako, you could've just refused Ate Lilac to look on me. Mas kailangan ka ni Naive, I'm sure he's looking for you right now." Ani ko at umiwas ng tingin.

"Well, Naive told me to come over." Agad na napabalik ang atemsyon ko sa kaniya.

"Si Naive, ang nagpilit sa 'yo?" Wika ko at umupo ng maayos sa kama at kumuha ng isang pirasong mansanas sa lamesang nasa tabi ng kama ko.

I took a bite and left out a loud sighed, I was thanking God for letting me live for another day. Minsan, sa tuwing natutulog ko ay lagi 'kong iniisip na baka kinabukasan ay hindi na ako magising. Nakatakot 'yong gano'n, yung hindi ka man lang makapagpaalam at humingi ng tawad sa mga taong nagawan mo ng masama o 'di kaya ay makahingi ng salamat sa mga kabutihang ginawa nila sa iyo.

I am afraid of dying without thanking those people who means a lot to me. I'm afraid of dying without having my mom and dad's forgiveness for what I've did. I'm afraid to die without telling Samantha that I love her and for being the best sister that I ever had.

"Yeah, and he told me to bring you some chocolates. Para raw lumakas ka." Aniya at itinuro ang tsokolateng nakapatong sa case ng gitara ko.

"Too bad, i don't eat sweets. Are you here, last night?" Tanong ko rito, pero umiling lamang ito.

"Nope, I was out of the hospital that night. Matapos 'kong gawin ang favor mo, umuwi na ako. Why?" Tanong niya.

"Wala, paki-sabi na lang kay Naive salamat sa tsokolate." Sabi ko. Nakakapagtaka lang dahil wala raw siya noong gabing inatake ako ng sakit ko, so, what I saw last night was just part of an illusions? Hallucinations? Yung pigyura ng lalaking nakaitim sa tapat ng pintuan ko ay parte lamang ng imahinasyon ko?

A Life Without You [Completed, Published Under Ukiyoto Publishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon