Chapter 1

3 1 0
                                    


Tiningnan ko ang paligid. Nasa park pala ko. Pero hindi familiar ang lugar...
But somehow, ang gaan sa pakiramdam, napangiti ako.

"It's nice to see you smile. Let's go for a walk?" he said. I nodded as a way of saying yes. 

We walk around the park, I looked at him and smile, genuinely. It feels good to have someone.
"You want ice cream?" he suddenly offer and sino ba naman ang tumatanggi sa ice cream?
"Yep, chocolate flavor please." I said with a smile at tumakbo na siya papunta kay kuyang nagbebenta ng sorbetes. 

Umupo ako sa bench at hinintay siyang bumalik ng may biglang sumabog. Tiningnan ko agad siya at unti - unti na siyang nawawala sa dilim.

Bigla akong naising.

Panaginip na naman pala ulit. At siya na naman ang parehong lalaking laman ng panaginip ko. Siya palagi. Ang weird, kasi never ko pa siyang nakita, tanging sa panaginip ko lang.
Tuwing kasama ko siya sa panaginip ko, ang gaan sa pakiramdam. Ang saya.
Relate na relate ako sa lyrics ng kanta ni Jolina na Panginip
      'kung ikaw ay isang panaginip, ayoko nang magising'

Kasi sa totoo lang, wala ata sa bokabularyo ko ung salitang saya? Pati na rin pala pamilya... Kaibigan? Dalawa lang sila, oo dalawa. Marami ako dating kaibigan pero dalawa lang silang natira sa tabi ko, 'di ko naman sila masisisi.

Nakakatawa. Ba't kasi ang miserable ng buhay ko? May masama ba kung nagawa nung past life ko? May naagrabyado ba ko? Sa pagkakaalam ko naman wala...

Kaya siguro napapanaginipan ko ung lalaking yun, kasi yun lang ang oras na may 'say' ako sa buhay ko - oras kung kailan pwede akong maging masaya. Hays

Nagdadrama na naman ako. May pasok pa pala ko sa trabaho.

Nag ayos na ko at tiningnan ko ang kabuohan ng apartment na inuupahan ko. Ang kalat. 'Di bale, ako lang naman ang nakatira. Maliit lang ang apartment ko, as in! Pero hindi ko alam kung ba't di ko makuhang ayusin. Pagpasok mo sa apartment ko, makikita mo sa kanan ang kama, cabinet, at tv ko. Sa kaliwang parte, nandoon naman ang lababo, ref, maliit na mesa, at ang CR. Ang tagal ko nang mag isa, 3 years na siguro? Well, ika nga nila, sanayan lang yan.

Isa akong call center agent pero pangarap kong maging professional writer. Ang dami kong sinusimulan na kwento, nobela, tula pero di ko alam kung paano tatapusin. Laging hanggang simula lang. Gusto ko na sanang mag-resign kaso saan namang lupalop ako kukuha ng pera? Ni hindi naman ako tapos sa kolehiyo. Gusto kong makatapos pero di pa ngayon ang tamang oras, siguro pag nakaipon na ako.

Naligo na ko at nagbihis. Binuksan ko ang ref ko at tanging softdrinks lang ang nandoon pati na rin ang sandwich na 'di ko nakain kagabi. Kinuha ko ang tirang sandwich at umalis na. Dadaan na lang ako sa coffee shop para bumili ng kape. Habang naglalakad biglang nag - alarm ang cellphone ko...

Worst day ever for this year is about to come!!!

Feb. 13, 2016

Nako nasambit ko sa sarili ko.Bukas na pala ang pinakasinusumpa kong araw. 

Ang birthday ko. 

Naiisip ko pa lang na birthday ko na bukas, kinakain na ko ng lungkot at pangamba.

"Hindi Dana, ano pa bang kinakatakot mo?" sabi ko sa sarili ko. 

"Nawala naman na sa'yo ang lahat... " 

Pumasok ako sa coffee shop na malapit sa office,

"One caramel macchiato, please."

"Okay Ma'am, right away. Any special requests?" tanong ng cashier habang nakangiti. 

"Ah no, that's it." 

Nagbayad na ko at umupo sa isa sa mga upuan at hinintay ang order ko. Busy akong pinapanood ang mga tao sa labas ng coffee shop ng bigla akong nakareceived ng text galing kay Meryl.


Meryl:   Girl, wer u?
Me:   Dito sa coffee shop near sa office.
Meryl:   ah okay, malapit ako dyan. I'll go there
Me:   okay, I'll wait. Bilisan mo malapit na shift ko.
Meryl:   yeah, be there in a minute!

Isa sa mga ayaw ko sa trabaho ko o sa pagtatrabaho sa BPO ay ang pagiging conyo haha pati na rin pala ang paiba - ibang sched.

"Ma'am, your caramel macchiato." sabi ng waitress habang nakangiti.

"Ah thanks."

"Ma'am, is there anything else?"

"ah yeah, can you give me another one iced caffè latte, please?" tanong ko sa waitress

"Yes Ma'am, any special requests?"

"Ah no, that's it" at nginitian ko siya. 

Binayaran ko na ang order at ilang saglit lang hinaatid na ulit ng waitress ang isa ko pang orderPaborito ni Meryl ang iced caffè latte dito sa coffee shop na 'to eh, pero nauna pang dumating yung order niya kesa sa kanya. Nako talaga yung babaeng yun. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Maybe, we metTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon