SIMULA
"Lana, pupunta muna ako sa art building. Ipapasa ko na kasi kay Sir Vee yung requirements," sabi ko rito. Pinakita ang folder kung saan nakalagay ang art works ko.
Napahinto ito sa ginagawa nya. "Gusto mo bang samahan ka na namin?" tanong nito.
Umiling ako at saka sinabing, "Hindi na. Mabilis lang naman ito."
Nag-aalangan naman silang dalawa na tumango sa akin. "Ingat ka ha baka madapa ka pa sa paglalakad," sabi ni Miho.
Natawa ako sa dalawa. "Ano ba kayong dalawa? Hindi mabigat 'tong folder. Saka dyan lang ako sa kabilang building."
"Oo na basta bilisan mo na lang. Magkukwentuhan pa tayo after namin dito sa project!" sabi ni Lana.
Alam ko namang busy silang dalawa. Makakaabala pa ako sa project na ginagawa nila kung magpapasama pa ako.
Malapit na ang deadline nito kaya kailangan ko na itong ipasa. May sasalihan kasi ako ulit na art competition.
Noong nakaraang art competition, kasali ako sa mga estudyanteng nakipag-compete sa kapwa ko kaeskwela. Ako ang napiling lumaban sa ibang school.
Tuwang-tuwa rin ang mga kaklase ko dito kaya hindi ko sila binigo dahil ako ang first place! Isa ako sa pambato ng lungsod ng Cavite. Kaya ngayon, lalaban ako para sa Provincial Division.
Naging busy rin ako sa mga nakaraang linggo dahil sa paggawa ng arts na pwede kong idagdag sa profile ko. Kailangan ko iyon para sa a-apply-an kong scholarship program.
Ayokong may masayang na kahit isang opportunity.
I believe, na ito na talaga ang para sakin. Gusto kong manalo dahil sure akong mas malaki ang chance na makakuha ako ng continues financial support from private and government. Makakadagdag rin iyon sa credentials ko at mas mapapadali sakin na makatanggap ng scholarship.
Bago makaakyat sa 2nd floor ng building, hindi nakaligtas sakin ang ilang paninitig ng mga schoolmates ko. Mapalalaki o babae.
Hindi ko na lang ulit pinansin ang mga ito. Sanay naman na ako. Hindi ko pa rin talaga sila maintindihan. Is it really bad to be an achiever?
Gusto ko lang naman makakuha ng scholarships para sa kursong kukunin ko sa college.
Hindi lang din naman ang pagkapanalo sa competition na ito ang kailangan kong gawin. Kailangan ko ring makakuha ng matataas na grades sa academics.
Masama na rin bang mag-aral ng mabuti? They are smart shaming me pero wala akong pakialam sa kanila. Dahil wala akong ginagawang masama.
Pagkarating ko sa tapat ng pinto ay kumatok agad ako.
Bumakas ang pinto at bumungad sakin ang nakangiting mukha ng teacher ko at ang ilang pares ng mga matang nakatingin sakin. Mga matang alam ko, matagal ng nag-oobserba sakin.
"Good afternoon, Sir!" masaya kong bati sa art teacher ko. "Ipapasa ko lang po yung requirements ko," dagdag ko pa.
Ngumiti rin naman ito sakin. "Very good ka talaga Diwa," sabi nito.
Hindi siguro sya makapaniwalang natapos ko na ang requirements. Simula pa lang nang pagkapanalo ko sa school, hinanda ko na ang lahat. Pati na rin ang mga gagamiting art materials at ang sarili ko. Ayokong mapahiya, lalo na sa buong school.
Hindi na lang pangalan ko ang dala-dala ko sa paglaban doon. Dala ko na rin ang pangalan ng school at ng probinsya namin.
Gagawin ko ang lahat para ma-achieve ang mga pangarap ko.
Mananalo ako sa competition na ito. Makakakuha ng scholarship. Mag-aaral ng fine arts. Pagka-graduate ay magiging sikat din akong artist sa bansang ito.
Tinanggap nito ang folder. "Thank you po!" sabi ko kay Sir.
Naglakad na ako pababa ng building. Sa pagbaba ko, nakasalubong ko ang dalawang babae. Nakita kong masama ang tingin nila sakin, mas higit iyong isa.
Hindi ko na lang sila pinag-aksayahan ng oras dahil sanay na sanay na ako. Hindi ko kailangang aksayahin ang oras ko sa mga titig nilang iyon.
Sa pagliko ko pababa ng hagdan nagulat na lang ako sa bilis ng pangyayari. Naramdaman ko na lang na nagpapagulong-gulong na ang katawan ko pababa ng hagdanan.
Sa una, nakaramdam pa ako ng sobrang sakit hanggang sa parang namanhind na lang ang katawan ko.
Naramdaman ko ang pag-init ng mga mata ko dahil sa luhang pumapatak dito. Ang daming pumasok sa isip ko. Ang sakit ng buong katawan ko, nahihilo ako at pakiramdam ko mawawalan na ako ng malay.
Mag-aalala si mama, sila Lana at Miho. Paano na ang competition.
Naidilat ko pa ang mata ko. Nakita ko ang ilang lalaking kaeskwela na nagkukumahog na tulungan ako. Nakita ko rin ang pagtakas ng dalawang babae. Napapikit ako dahil sa sakit ng katawan.
"Miss, miss!"
"Shit! Anong gagawin natin?"
"Tang ina! Paano 'to?"
"Tumawag ka ng teacher dali!"
Nakarinig ako ng mga boses at ilang yabag. Napadilat ulit ako dahil dito. Niiyak na tumingin ako sa unang taong naaninag ko.
Napakagat ako sa labi. "Tulong.... Tulong."
Pilit kong inaangat ang kamay ko sa taong naaninag ko. "Please."
Naipikit ko na ang mga mata ko. Napabuntong hininga at saka patuloy na naluha.
"Wag ka ng gumalaw, Miss. Tutulungan ka namin. Don't worry."
"Anong nangyayari dito? Dyos ko po!"
"Ma'am, may tumulak po sa kanya."
"Nakatakas nga lang po."
"Tatawag lang ako ng ambulansya."
"Hija, naririnig mo ba ako?"
"Nakatawag na po, Ma'am!"
Samot-saring boses ang naririnig ko hanggang sa unti-unti na akong nabingi sa katahimikan.
YOU ARE READING
The Artist
Short StoryYeona Diwa is an average high school student with an artistic hand. She will be known in their school by her teachers and schoolmates as she will be competing for the Poster Making in Provincial Division. She is holding the title, not for their scho...