PanauhinMalayong malayo sa aming tahanan ang aming baryo ngunit tanaw ko mula rito sa aking silid ang mga taong bumibili sa pamilihan. Simple lamang ang lugar na ito kung saan ako pinanganak at nagkamalay --- Hindi magulo tahimik lang maganda Ang simoy ng hangin at pinaghalo ang halimuyak ng mga rosas sa aming batisan dito sa mansyon bagay na aking nagustuhan.
Di kami mayaman ngunit di rin kami dukha sadyang may kaya Lang kami sapat na para sa aming pang-araw araw.
'Hija.... Halika bumaba ka sandali dito dahil may mga panauhin tayo.'rinig ko mula sa aking balkonahe ang tinig ni lola.
'Sige po La... ' sino naman kaya ang panauhin namin?baka Isa nanaman to sa mga reporter na nagpupunta rito para tanungin kami Kung totoo ba ang balitang kumakalat. Mukhang nagsisimula na akong magkadisgusto sa lugar na ito.
Habang pababa ako sa hagdanan may naririnig akong pagtatalo. Anong karapatang nilang pumasok sa aming tahanan para lamang manggulo? Tsk. Di ako pinalaki para maging bastos ngunit kung ganitong Tao lang din ang makakasalamuha ko mukhang kalilimutan kong may galang ako.
Susugod na Sana ako nang tumigil na ang kaguluhan sa aming sala. Nakakapagtaka lang .
'Apo... Nandyan ka na pala halika't ipakikilala kita sa ating mga panauhin.' natulos Naman ako sa kinatatayuan ko ng Makita ko Ang mga nilalang sa aming sala. Kay gandang mga nilalang ubod ng kagwapuhan at kagandahan. May mga Tao palang ganito?
'ehem!' napunta Naman sa lalaking tumikhim ang mga mata ko. Napalunok ako sa aking nakita .kakaiba Ang kanyang kakisigan at kagwapuhan .diyos ko! Nag uumapaw Naman ang kanyang kagwapuhan talagang maglalaway kang titigan Ang taong ito.
'mukhang nabigla namin ang iyong Apo Amanda..'sambit ng isang Lalaking may Edad na ngunit nag uumapaw parin Ang kagwapuhan.
'Hija ayos ka lang ba?'nabalik Naman ako sa wisyo nang magsalita Si Lola.
'O-oho, La sino po sila? ' Sa wakas may lumabas din sa aking bibig.akala ko mapipipi na ako rito sa kinatatayuan ko.
' Sila ang ating Panauhin Apo... Angkan ng mga Archangel .'
BINABASA MO ANG
MATED TO A VAMPIRE
VampirosKung ihahalintulad ko ang lahat ng nangyayari sakin ngayon siguro lahat ng taong makakasalamuha ko ay masasabi nilang Wala na ako sa katinuan , na sintu-sinto -- na isa akong baliw. Sino ba Naman Kasi Ang maniniwala saken Kung sasabihin Kong totoong...