Chapter 21

92 6 0
                                    

The next day feels the same, masaya naman dahil wala paring palya ang pag tetext at call sakin, simula ng nasa apartment nya kami.

"Hindi naman maikli! Ang tagal tagal ng ganito yung uniform ko ngayon mo lang napansin!" I said angrily. We had face time this morning before we go to school. Gosh!

He's now wearing his slacks but still shirtless, his hair's wet. At kitang kita ko sa screen ng phone ko ang pag kakunot ng mga noo nito. Nakasandal kasi ang phone ko sa bedside table, but dont get me wrong! Nagbihis ako sa closet ko not in his front! Bumalik lang ako nang tapos there he is! Arguing with my damn uniform!

"Still! You should buy a new uniform that below your knee! Goodness Ysla, that's too close to your----fuck!" Nahihirapan nyang inihilamos ang kamay sa mukha.

"Magbihis ka na nga!" I just said tapo umupo sa dulo ng kama ko para masuot na ang shoes ko.

Habang nagsusuot ako ay tumingin ako sakanya, hindi parin sya kumikilos at pinagmamasdan lang ako. Kahit nasa screen sya ay kitang kita ko kung gaano kadilim ang tingin nya sa legs ko. Huminga ako ng malalim nang matapos na ako at tumayo.

Kinuha ko ang phone at itinapat na lang sa mukha ko.

"Kilos na, Sir Walterson."

"Tsk! Wag na kaya tayong pumasok!" My eyes widen. Seriously? Ilang araw na nga syang absent!

"Tumigil ka Zarius! Wear your uniform na!" Pinanlakihan ko sya ng mata, saglit pa syang umirap at mabuti naman ma sinunod nya na ang sinabi ko. Pinatong nya muna ang phone nya sa kama kaya kitang kita ko ang puti nyang kisame.

Nakakatawa lang kasi, magkapitbahay naman kami. At nakakapagtaka din na hindi ko nakikita ang pamilya nya, bukod sa sinabi nyang madalas out of town ang mga magulang nya. Kung nakatira nga talaga si Nahla sakanila bakit hindi ko manlang sya nakikita? O hindi lang talaga ako taong labas kaya ganon?

Ang mayordoma lang nila ang tangi kong nakikita, si Nana Celia. Wait! Oo tama! Alam ni Nana Celia at kilala nya si Nahla, maybe I should ask Manang about Nahla, baka alam nya rin.

"What are you smirking for?" Zarius ask coldly nang kuhanin nya na ang phone, he's now wearing his uniform. Nakabukas ang dalawang butones sa taas. And God his messy hair!

"W-wala..." I just said at umiwas ng tingin.

"Tsk." Sagot nya.

Maya maya ay naisipan na naming iend ang face time, dadaanan nya ako dito sa bahay para sabay na kaming pumasok. At wala na rin naman sila mommy.

Kinuha ko ang bag ko at dali dali ng bumaba para hanapin si Manang.

Pagkababa ko ay nakita ko si kuya Maru sa sala na umiinom ng kape. Binaba nya ang tasa nya nang makita ako.

"Maam!" Tapos ay tumayo sya.

"Kuya asan ho si manang?"

"Nasa kusina ho maam, ihahatid ko po ba kayo?" Tanong nya.

"Ah hindi na kuya..."

"Pero bilin ho ng Daddy nyo kung hindi ko kayo ihahatid ay papasundan nalang ang sasakyan niyo." Natahimik naman ako, wala ng ibang nagawa kundi ang tumango.

Pumunta na ako sa kusina, nakita kong naghuhugas ng pinggan si manang.

"Manang!" Sigaw ko mula sa pintuan ng kitchen.

"Jusmiyo ka Ysla!" I saw her jumped dahil sa gulat at nilingon ako. Hinugasan nya muna ang kamay nya sa suot nyang apron.

Nakahawak na sya ngayon sa dibdib nya.

The Unchained Melody (Moonstone Series: 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon