Pumasok ang isang guro at agad namang bumalik sa kaniya kaniyang upuan ang mga estudyante. Inilapag ng guro ang kaniyang dalang mga gamit sa lamesa.
"Ang mundo ay napupuno ng misteryo. Hindi alam kung paano at saan nag simula. May mga bagay na hindi maipaliwanag ng siyensya. Madaming mga bagay pa ang kailangang tuklasin. Ngunit pipiliin mo pa bang tuklasin kung ang kapalit nito ay isang permanenteng saya o sakit?" Isang mahabang paninimula ng guro.
Tumayo ito mula sa kinauupuan at muling nag salita.
"Ang mundo ay nahahati sa dalawang paniniwala, nakabase sa bibliya, nakabase sa siyensya. Ngunit nag babago ang ating mundo, unti unting nag babago. Ang dalawang paniniwala ay nahati nang nahati hanggang sa hindi na natin alam kung saan maniniwala."
Hindi pa man tapos ang guro sa kaniyang sinasabi ay lumakas ang mga bulong bulungan ng mga mag-aaral na para bang nagkakaroon na ng onting debate.
Dahil sa ingay ng mga mag-aaral sa loob ng silid ay napagdesisyunan ng guro na mag lakad pa punta sa mga nag bubulungang estudyante.
"Simple sana ang mundo.." Sabi nito at kaagad tumigil ang mga mag-aaral.
"Tayo ay nababalot ng liwanag sa umaga. At nababalot ng dilim sa gabi. Tanging araw at buwan ang nag sisilbing gabay sa ating buhay. Isipin mo nalang, ano kaya ang ating mundo kung wala ang kanilang mga liwanag?" Pagpapatuloy ng guro at nakipagtitigan sa kaniyang mga estudyante.
"O, papaano kaya tayo mamumuhay kung dumating ang panahon na mawalan ng ningning ang araw at buwan?" Sabi niya at tumalikod.
Nag simula na ulit siyang mag lakad pabalik sa kaniyang lamesa at tinitigan ang bawat bata sa kaniyang klase.
"Kakayanin at gugustuhin pa kaya nating mabuhay? O pipiliin nalang natin na ibalik ang mga hininga na ating hiniram?" Tanong nito at nag iwan ng malalim na buntong hininga.
"Ano sa inyong palagay ang ating pag-aaralan ngayong araw na ito?" Tanong ng guro.
Kaagad namang may nag taas ng kaniyang kamay upang sumagot.
"Yes Mr. Reyes?"
Tumayo ang mag-aaral at sinagot ang tanong ng guro.
"Tungkol po sa sun and moon?"
Tumango ang guro at umupo sa kaniyang upuan.
"Do you know the story of day and night?" Tanong muli ng guro.
Lahat ay tahimik at nakatingin lang sakaniya.
"O sige, how about Sol and Luna?" Matapos sabihin ito ng guro ay napuno ulit ng ingay ang apat na sulok ng silid.
"Omgg.."
"Ako po ma'am!"
"Ma'am!"
Sigaw ng mga mag-aaral habang nakataas ang kanilang mga kamay.
"Okay, Ms. Cruz ano ang alam mo tungkol sakanila?"
"Sol is the sun, and Luna is the moon. They love each other pero dahil magkasalungat sila kaya hindi naging maganda ang ending." Sagot nito.
Napangiti ang guro sa sagot nito.
"I like your idea, but hindi yun ang tunay na kwento nila Sol at Luna."
"Kung hindi po, eh ano pala ma'am?"
"Nagiging interesado na kayo ah, okay let me tell you the story of Sol and Luna."
BINABASA MO ANG
SoLuna
VampireIsang ala-ala ang mag babalik, Mapupuno ang puso ng pananabik Sa pag sapit ng buwan, Manunumbalik ang kagandahan Ikaw ang nag bibigay liwanag, Sa gabing hindi maipaliwanag Mga matang mapangakit, Tila'y walang hinanakit Sa iyong pag alis, Mga al...