Chapter 2 : Life in night
━━━━━
Hindi ako isang mortal, hindi rin halimaw. Wala ako sa dalawang ito, ako ay nasa pagitan ng mortal at halimaw. Kung nag tataka kayo kung sino at ano ako, ako si Luna. Isang Nocturnal Vampire. Sa gabi lang ako pwedeng lumibot, dahil kung sa umaga ko ito gagawin paniguradong mabubura ako sa mundo. Naatasan ako ng mahal na ama sa pag babalanse ng buhay at kamatayan. Ang lahi ko ay naging makasalanan, kaya heto ako ngayon.. Nag durusa sa parusa ng kataas taasan.
Nag suot ako ng itim na jacket at nag bulsa ng baril at panaksak na minana ko pa mula sa aking mga magulang. Dali dali akong nag lakad palabas ng bahay, kailangan kong mag madali. Baka pag dating ko huli nanaman ang lahat.
Madilim na ang paligid, isang napakadelikadong oras para sa mga mortal. Nakakalungkot isipin na ang mga taong ito ay hindi man lang kayang protektahan ang kanilang mga sarili. Ngunit, ito din siguro ang kanilang naging parusa dahil sa mga walang kapatawarang kasalanan na ginawa ng kanilang mga ninuno.
"Ilang minuto nalang.." May narinig ako.
Isang tao?
Nakakarinig din ako ng iniisip ng mga mortal. Ito ang isa sa mga kakayahang mayroon ako bilang isang bampira. Nag lakad lang ako ng dahan dahan na para bang hindi ko alam na may taong nag mamasid sa akin. Inilibot ko ang aking mga mata at saktong tumama ito sa isang bahay, may isang lalaking nakasilip sa akin mula sa bintana.
Siya siguro ang narinig ko. Ako ba ang inaabangan niya?
Nakipagtitigan lang ako sakaniya, wala niisa sa amin ang kumurap. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang mga bagay na hindi dapat mula sa kaniyang isip.
Hindi ko namalayan na basa na ang aking mga mata. Teka, ano ba iyon? Anong kalokohan ang aking nakikita? B-bakit..
Napahawak ako sa aking dibdib. Ngayon ko lang ito naramdaman. Kung hindi ako nag kakamali ganito ang mga nakikita ko sa isang palabas kapag ang bida ay umiiyak. At umiiyak lang naman ang mga tao kapag– teka? I-ito ba ang tinatawag nilang s-sakit?
"B-bakit.. ko ito nararamdaman?" Bulong ko sa sarili.
Ilang minuto ko din iyon nasaksihan. Himala naman at nakatakas din ako sa kaniyang mga titig. Napansin kong bumagsak siya na tila ba'y nawalan ng malay. Napahawak ako sa aking ulo at hindi nalang ito pinansin. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad ng mabilis.
Muli kong hinawakan ang aking dibdib. Ngayon ay mas naging kalmado na ito, pinunasan ko ang aking mga mata.
Ano ba yung nakita ko? Ano iyon? Bakit ako?
"TULONGGG!!" Sigaw ng isang batang lalaki.
Alam kong medyo malayo pa ako sa kinarorooan ng bata. Dahil hindi ko narinig ang sigaw nito kung saan lang kaya naman tumakbo na ako, baka hindi ko na maabutang buhay ang batang iyon.
Habang ako'y patuloy lang sa pagtakbo, naainang na ng aking matalas na mga mata ang bata mula sa di kalayuan habang sinasakal ng isang halimaw kung tawagin ay Inducing Monsters o Inducers. Sila ang isa sa mga halimaw na aking sinusubukang ubusin noon pa man. Habang tumatakbo papalapit sakanila agad kong hinugot ang patalim sa aking bulsa at kasunod nito ang pag hila ko sa ulo nito na naging sanhi upang mabitawan niya ang kaawa awang bata. Ginilitan ko siya sa leeg at tinadyakan ito mula sa kaniyang likod na siya namang ikinatumba nito. Inilabas ko ang aking baril at atubiling pinaputukan ito sa ulo.
Ito ang isang magandang bagay sakanila, madali lang silang patumbahin. Isang saksak sa leeg at bala sa ulo. Hindi kailangang puntiryahin ang dibdib dahil di katulad ng tao, ang kanilang puso ay hindi na tumitibok. Tanging kanilang utak nalang at ang pakiramdam na pagkauhaw sa dugo ang mayroon sila.
Pinunas ko ang patalim sa damit ng Inducer na aking pinatumba dahil ito ay hustong nabahiran na ng dugo niya. Matapos kong linis ang aking patalim ay ibinulsa ko na ito pati na din ang aking baril. Nilingon ko ang batang kanina pa nakayuko humahagulgol. Nilapitan ko ito at lumuhod sa harapan niya upang pumantay ako sakaniya.
"Tumingin ka sa akin." Bulong ko sakaniya at iginaya ang kaniya maliit na ulo pataas upang siya ay aking matitigan.
"Tumahan ka na bata. Isang panaginip lang ito, bukas gigising ka ng parang walang nangyari at makakalimutan mo ang lahat." Utos ko at agad na pumasok sa kaniyang isipan. Isa isa kong binura ang nakakatakot niyang karanasan kanina.
Isa lang siyang batang pulubi na kung saan saan na napadpad. Mga katulad niya ang dahilan kung bakit patuloy ako sa pag paslang sa mga halimaw na iyon.
Napahinto ako sa isang bahagi ng kaniya ala-ala.
"Maawa po kayo.." Hagulgol ng bata.
"Maawa? Di na uso ang awa dito boy. Akin na yang nalimos mo!" Sigaw ng isang di kalakihan na lalaki. At kinuha ang pera.
"Pambili po yan ng gamot ng kapatid ko parang awa niyo na po." Iyak ng bata at iniwan na siya ng lalaki.
"Sana mawala na ang mga taong katulad niya.." Bulong ng bata habang nakatingin sa langit.
Binura ko lahat ng masasakit na ala-ala ng bata. Inalam ko din kung nasaan na ang kapatid nitong may sakit.
"Naiintindihan mo ba?" Tanong ko dito.
"Opo masusunod." Sagot nito at nawalan nahimatay.
Masyado siyang mahina, ang mga taong binuburan ko ng masasakit na ala-ala ay nawawalan ng malay. At dahil na din siguro sa siya ay bata pa at hindi kinaya ang presensya ko sakaniyang isip.
Tumayo ako at inilabas ang aking telepono.
"Hello, magandang gabi." Bati ng nasa kabilang linya.
"Magandang gabi, isang trabaho para sa isang gabi. Isesend ko nalang ang ditalye. Gusto kong makausap ang ama." Sagot ko at nag intay ng ilang segundo.
"Gusto daw po kayong makausap." Bulong niya ngunit masyadong malakas para sa aking pandinig. Napangisi ako dahil dito.
"May magandang balita ka ba?" Tanong nito.
"Isang bata po." Sagot ko.
"Isang bata ba kamo? Sige ano ang iyong hangad sa batang yan?"
"Magandang pamumuhay." Maikling tugon ko sakaniyang tanong.
"Salamat ama." Dugtong ko at ibinaba na ang telepono.

BINABASA MO ANG
SoLuna
VampireIsang ala-ala ang mag babalik, Mapupuno ang puso ng pananabik Sa pag sapit ng buwan, Manunumbalik ang kagandahan Ikaw ang nag bibigay liwanag, Sa gabing hindi maipaliwanag Mga matang mapangakit, Tila'y walang hinanakit Sa iyong pag alis, Mga al...