Chapter 3 : Tempted
━━━━━
Naging maganda naman ang pagsasanay nila, ang mga pagbigkas ng bawat linya ganon na din sa pagkanta nila. Ang mga eksena ay nasunod nila ng naayon sa aking imehanasyon. Kaso kailangan padin nila ayusin dahil may mga part na sasayaw din sila habang kumakanta.
Bilang isang manunulat, sa lahat ng aming naisusulat ay mayroon kaming pinanghuhugutan ng idea at inspiration. May mga panaginip ako na walang kahit na sino man ang makakapagpaliwanag non sa akin. Kaya napapaisip padin talaga ako, alam ko sa sarili ko na may kailangan akong alalahanin.
Hindi lahat ng nakikita ay totoo, ngunit ang lahat ng nakakaligtaaan ay pinili nating ibaon sa limot dahil sa labis na sakit. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko maalala ng lubusan ang mga pangyayari.
"Bukas nalang ulit, all of you did a great job." Sabi ni Paul at dinismiss na ang company call. "Kumain kayo pag uwi. Matulog ng maaga ha, at wag na mag pagod." Paalala nito sa kaniyang mga aktor at aktres.
"Ikaw sol? Hindi ka pa ba aalis?" Tanong niya at napatingin sakaniyang orasan.
"Anong oras na oh, baka abutan ka ng gabi."
Napabuntong hininga nalang ako dahil dito.
"Huy?! Lalim yata ng iniisip mo jan." Tapik niyo sa aking balikat.
"A-ah? Ano yun?" Tanong ko sakaniya nang matauhan ako.
"Wala sabi ko umuwi ka na para makapag pahinga ka." Sabi niya at iniligpit ang kaniyang mga gamit.
Napaunat ako ng katawan at inikot ang aking ulo pa clockwise and counter-clockwise.
"Lutang na lutang nako pre." Bulong ko sakaniya at napapikit pikit.
"Alam mo pagod lang yan, masyado mo kasi pinapagod ang sarili mo this past few days."
Oo nga, netong mga nakaraan lagi akong nagigising sa gabi at di na makatulog pa. Kaya sa tuwing nangyayari iyon, itinutuloy ko ang pag susulat ng script.
Tumayo na ako at binuhat ang mga gamit ko. Nauna nang umalis si Paul dahil may dadaanan pa daw siya bago umuwi. Kaya mag isa nalang ako dito sa theater namin. Pinatay ko ang mga ilaw bago napagdesisyunang umalis at umuwi na.
Habang nag lalakad ako sa side walk ay may ilang ambulances at firetrucks ang dumaan maging mga itim na mahahabang sasakyan.
Anong meron? May sunog ba?
Isinawalang bahala ko nalang iyon at nag patuloy sa pag lalakad. Nang makauwi ako sa bahay, agad na dumiretsyo ako sa aking kwarto at inilapag sa working table ko ang aking mga gamit. Hindi sinasadyang mabalin ang aking atensyon sa bintana. Dumidilim na ang kalangitan at mukhang bubuhos ang malakas na tubig mula dito. Isinara ko ang kurtina dahil hindi ako kumportable na makita ang bugso ng ulan sa labas.
Nakapagtataka at ayaw na ayaw kong umuulan. Hindi ko alam kung anong dahilan, basta ang tanging alam ko ay may parte sakin na nag sasabing walang dulot na maganda ang ulan sa mundo.
Napapikit ako sa inis nang maalala na may mga nakasampay pala akong damit sa labas at ngayon ay nababasa na sila. Mabilis akong napatakbo sa baba at hinablot ang payong ko. Pag labas ko dali dali kong kinuha ang aking mga damit. Eto ang isa sa mga dahilan kung bakit nasabi ko na walang dulot na maganda ang ulan.
"Hay bwisit." Bulong ko sa sarili nang makapasok na ako sa loob ng bahay dala dala ang aking mga sampay.
Inayos ko muna ang mga nabasang damit bago nag tungo pabalik sa aking kwarto. Napabalikwas ako nang biglang maramdaman nanaman ang pananakit ng aking ulo.
"Kailangan ko nang mag pahinga.." Bulong ko.
Kahit na umuulan na ay hindi man lang nag bago ang temperatura ng lugar. Sobrang init, tagaktak na ang aking pawis.
Hindi ko alam kung maalinsangan lang ba o inaapoy na ako ng lagnat. Nawalan ako ng balanse at bigla nalang bumagsak sa sahig. Unti unting bumibigat ang ang mata hanggang sa hindi ko na kayang imulat ito.
Binalot ng dilim ang aking paningin kasabay nang pag labas ng isang buntong hininga sa aking bibig.
━━━
Luna's POVSumapit nanaman ang gabi, isang trabaho sa isang gabi. Ito na nga yata talaga ang aking kapalaran. Ang tanging magagawa ko nalang ay gawin ang aking makakaya upang magampanan ang tungkulin sa mundong ito.
Saktong pag labas ko ay biglang umulan. Sobrang lakas ng ulan at kidlat, hindi man lang ako nabagabag dito. Habang nag lilibot ako nabalin ang aking tingin sa bahay na lagi kong nadadaanan.
Hindi ko namalayan na dinala ako ng aking mga paa sa tapat ng bahay na iyon. Isang bahay na di kalakihan at simple lang ang disenyo nito. At mukhang isang mortal lang ang nakatira.
"Tsk, ano bang ginagawa ko dito?" Tanong ko sa sarili habang napapailing.
Wala naman kasi akong dapat gawin dito.
Nag lakad na ulit ako at di na inintindi pa ang bahay na iyon. Medyo malayo layo na din ako mula sa bahay na yun nang makarinig ako ng isang boses ng lalaki.
"Tulong.."
Alam kong nanggaling ang boses sa bahay na nadaanan ko. Sinubukan kong hindi ito pansinin, ngunit pa ulit ulit siyang humihingi ng tulong. Kaya naman naisipan kong bumalik at pinasok ang loob ng bahay.
Pag pasok ko ay walang katao tao, sobrang tahimik at tanging ulan sa labas lang ang maririnig. Masasabi kong nakakabingi ang katahimikan dito. Hindi ko na siya naririnig na nag sasalita kaya iginala ko ang aking mata.
Napukaw ng isang kwarto ang aking atensyon dahil nakabukas ito ng onti. Dahan dahan akong nag lakad papunta sa pinto upang tignan kung anong ganap sa loob. Habang dahan dahan na nag lalakad hindi ko tinatanggal ang aking paningin sa paligid, baka may kung anong halimaw na biglang bumulaga sa akin.
Nang marating ko ang kwarto bumungad sa akin ang isang lalaking nakahandusay sa lapag at mukhang wala nang malay.
Hindi naman siya mukhang inatake ng halimaw o may sugat man lang kaya nilapitan ko ito at inihiga sa kaniyang kama. Sinubukan kong pasukin ang kaniyang mga alaala upang alamin kung anong nangyari sa kaniya.
Nang matapos kong alamin ang nangyari ay agad na hinalughog ko ang kaniyang mga kagamitan upang tignan kung may mga gamot siya dito. Ngunit nabigo ako at walang nakita. Naalala kong may mga halaman sa bakuran niya kaya nag tungo ako doon upang kumuha ng ilang piraso.
Nilalagnat siya tss mga mortal nga naman. Napakahina, kahit saang aspeto mo tignan. Ngayon ay kailangan ko pa yatang mag alaga nang isang mahinang tao imbes na lumibot at makipagbakbakan sa mga halimaw.
Dinurogdurog ko ang mga halaman ay inilagay sa baso ang katas nito. May nakita akong mga lalagyanan na may nakasulat na asin at asukal. Hindi ko maalala kung alin sa dalawa ang matamis at maalat, dahil wala naman akong panlasa pag dating sa mga pagkain ng tao. Kaya parehas ko nalang itong inilagay sa baso at hinalo ng maiigi. Bumalik ako sa kwarto niya at ipinainom ito sakaniya. Nilagok niya ito nang hindi man lang iminumulat ang kaniyang mga mata.
Natawa ako ng mahina dahil napadaing siya. Siguro hindi naging maganda ang lasa dahil may asin at asukal ang katas ng halaman na galing sa bakuran niya. Pero kahit na ganon ang lasa, makakabuti padin naman sakaniya ito.
BINABASA MO ANG
SoLuna
VampireIsang ala-ala ang mag babalik, Mapupuno ang puso ng pananabik Sa pag sapit ng buwan, Manunumbalik ang kagandahan Ikaw ang nag bibigay liwanag, Sa gabing hindi maipaliwanag Mga matang mapangakit, Tila'y walang hinanakit Sa iyong pag alis, Mga al...