Sol【4】

4 0 0
                                    

Chapter 4 : Shape Shifter

━━━━━

Nagising ako dahil sa sinag nang araw na tumatama sa aking mga mata. Napaupo ako sa aking higaan at nag inunat ang mga braso. Mas maayos na ang pakiramdam ko ngayon kaysa kagabi. Tinignan ko ang bintana, naalala kong sinarado ko ang kurtina at..

Kung hindi ako nagkakamali bumagsak ako sa sahig ah? Paano akong napunta sa kama? At panong bukas ang kurtina?

Lumabas ako sa kwarto at pumunta sa kusina, doon ay nakita kong may mga halaman sa lamesa at maging asukal at asin nandoon din. Wala namang ibang tao na dumating kagabi, at dahil na din sa sobrang lakas ng ulan. O baka si Paul?

Iniligpit ko ang mga ito at bumalik sa kwarto. Napasin ko ang isang baso sa mini side table malapit sa kama. May kulay berde na likidong laman ang baso, agad ko itong inamoy.

"Amoy dahon.." Sambit ko sa sarili at tinikman ang lasa nito.

Naibalik ko ito sa baso dahil hindi masarap, hindi ko matukoy ang lasa nito. Napaubo pa ako dahil sa pagkasamid din. Naalala ko ang mga nadatnan ko sa kusina, dahon, asukal at asin. Sinong gumawa nito?

"Kadiri ang lasa." Bulong ko. Kadiri ang lasa nito pero familiar sakin.

Bigla namang tumunog ang aking cellphone, tumatawag si Paul. Agad kong sinagot ang kaniyang tawag at isang napakalakas na sigaw ang bungad nito sa akin. Nailayo ko nang kaunti sa aking tainga ang aking telepono.

"HOY MR. SOL EGEIRO! SAAN KA NA?!" Sigaw nito.

"Nasa bahay, teka nga! 'Bat mo ba ako sinisigawan ha?" Tanong ko sakaniya.

"At bakit naman nanjan ka pa? Anong oras na pre, wala kang balak pumasok?" Tanong niya.

Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa pader ng aking kwarto. Late na pala ako, ngayon ko lang napagtanto. Naihilamos ko ang aking kaliwang kamay sa mukha ko.

"Eh hehe sorry pre, ang sama kasi ng pakiramdam ko ngayon." Sagot ko at umubo ubo kunwari para makatotohanan.

"Ah ganon ba? Hays, sayang naman ang isang araw nito kung di ka makakapunta. Anyways mag pahinga ka pre, dadaanan nalang kita mamaya pag uwi ko." Sabi niya.

"Sige ingat." At ibinaba ko na ang tawag.

Hindi pala si Paul ang pumunta dito kagabi, pero kung hindi siya sino?

Nag ayos nalang muna ako ng mga kalat sa kusina habang inaantay ang pag dating ni Paul. Lumabas ako at nag tungo sa aming bakuran.

Isang payapang umaga, tanging mga huni ng ibon ang maririnig mo. May nakapukaw ng aking atensyon, mga bakas ng sapatos sa lupa. Sinundan ko lang ang bawat bakas hanggang sa dalhin ako nito sa mga halamang nakatanim dito sa likod ng bahay.

Pinagmasdan ko ito ng mabuti, pamilyar ang itsura nito. Parang yung mga halaman na nasa kusina kanina.

Dito pala galing ang halaman na yun.

Kung sino man ang taong iyon, sigurado akong matagal na siyang nag mamasid o kaya naman napapadaan dito. Walang sinuman ang makakapansin ng mga halamang gamot dahil nasa likod ito ng bahay.

Kahit ako, hindi ko alam na may ganito palang halaman sa likod ng bahay ko.

Nakakapagtaka talaga, hindi man lang siya nag iwan ng kahit na anong sulat. Isang napaka misteryosong tao panigurado hindi ko din siya kilala. Pero bakit naman naisipan niyang pumasok dito?

Binuksan ko ang gripo sa na konektado sa hose at diniligan ang mga halaman.

Kailangan ko na sigurong alagaan ang mga halamang ito. Magiging malaki din naman ang tulong nito sakin, lalo na kung wala akong mabilhan ng mga gamot.

"Akala ko ba masama pakiramdam mo?" Nagulat ako nang biglang may bumulong sa akin kaya naitutok ko ang hose sakaniya.

"Ganto ba talaga pag masama ang pakiramdam?! Nagiging magugulatin?" Inis na tanong nito.

Agad ko naman inilihis sa ibang direskyon ang hose.

"Nako pasensya na, bakit naman kasi bigla bigla kang sumusulpot jan?" Tanong ko pabalik kay Paul.

"Atsaka akala ko ba mamaya ka pa dadating?" Dagdag na tanong nito.

"Dumating kasi yung wardrobe and technical team kasama yung ibang directors. Kaya naisipan kong puntahan ka agad." Sagot nito. "Dala ko din pala yung proposals nila about sa mga damit at props na gagamitin." Pahabol na sabi niya.

Niyaya ko si Paul na pumasok sa loob ng bahay at inabutan siya ng pamunas.

"Pwede mong gamitin ang dryer sa cr."

"Sige sige, nilapag ko pala sa lamesa yung gamot pati yung mga proposals. Tignan mo nalang." Sabi niya at pumasok na sa cr.

Agad akong umupo at tinignan ang mga papel.

Naglalaman ito ng mga sketches ng damit na babagay sa mga characters ng musical play namin. Kasama din ang mga hairstyle at postures ng mga tauhan.

"Pre? Kailan ka pa nag aalaga ng tarsier dito?" Sabi ni Paul habang nakasilip sa pintuan.

Isang nag tatakang expresyon ng mukha ang isinagot ko dito. Tarsier? Hindi naman ako nag aalaga ng Tarsier.

Inilapag ko ang mga papel sa lamesa at tinignan ang sinasabing Tarsier ni Paul. Pag pasok ko sa cr ay nakita kong nakabukas ang bintana at nakapasok ang isang sanga ng puno habang nakakapit dito ang tarsier.

"Paanong??" Tanging lumabas sa aking bibig.

Nagulat ako nang biglang lumabas ito sa bintana at nawala ng parang bula. Inilabas ko din ang sanga na nakapasok sa bintana ng cr at bumalik na din sa ginagawa ko kanina.

Bakit may tarsier sa puno na iyon?

SoLunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon