Chapter 5 : The Trick
━━━━━
Isang madilim na gabi nanaman at isa lang ang ibig sabihin nito. Kailangan kong gampanan ang aking tungkulin. Naisipan kong daanan ang mahinang mortal na yon.
Mukha naman ng maayos ang lagay nito. Wala man lang akong naririnig na kahit na anong boses mula sa kaniyang bahay. Siguro, natutulog na siya ngayon. Nag lakad na ako palayo sa lugar na iyon at nag libot libot na ulit.
Tahimik ang bawat sulok ng paligid at masasabi kong napakapayapa ng gabing ito.
Ngunit hindi ako mapalagay dahil sa nakabibinging katahimikan. Hindi dahil tahimik ang paligid ay kailangang maging kampante ako. Minsan ang katahimikan pa ang dapat nating katakutan, dahil maaaring may mas malaking nakaabang na panganib sa iyo. At ito ang mga piligrong hindi natin matatakbuhan o maiiwasan.
Sa bawat hakbang na aking ginagawa ay ramdam ko ang mga yabag ng maliliit na paa.
Itong malakas na pakiramdam ang isa din sa aking mga katangian bilang isang Nocturnal Vampire.
Nag patuloy lang ako sa pag lalakad at patuloy din ang isang maliit na nilalang sa pag sunod sa akin. Hindi ito isang tao, ngunit hindi din isang halimaw. Alam kong isa din ito sa mga hindi karaniwang nilalang sa mundo.
Tumigil ako sa pag lalakad at nahuli ang maliit na anyo sa aking likod.
"Bakit mo ako sinusundan?" Tanong ko dito.
Hindi ito bumalik sakaniyang dating anyo at tila nag panggap pa na sakaniya ang pisikal na anyo niya ngayon. Pumunta ito sa mga puno at nanatiling kumapit dito.
"Shape Shifter.. Hindi ko alam kung anong kailangan mo, huwag mo akong sundan." Sabi ko sa kaniya at nag lakad na ulit upang mag bantayan ang paligid.
Hindi pa man ako nakakalayo ay nadinig ko ang kaniyang mga binitawang salita.
"Hilinging maibalik ang mga ala-alang ipinagkait sa sarili."
Binigyan ko ito ng isang huling sulyap.
Isang misteryosong anyo ang aking natanaw, nakasoot ito ng salamin at naka taklob ang hood ng jacket niya sa kaniyang ulo. Sumandal ito sa puno at yumuko. Tinitigan ko lang siya at saktong nag tama ang aming mga mata. Sinubukan kong bungkalin ang kaniyang mga ala-ala ngunit hindi ako nag tagumpay dahil nanlaban siya.
Hindi lang siya isang Shape Shifter, may katangian din siya na mayroon ako.
"H-huwag mo nang subukan.." Bulong nito na tila ba'y nahihirapan na.
Pero hindi ako nag paawat sa kaniyang mga salita.
Nasurpresa ako sa kaniyang ginawa na aking ikinaatras ng bahagya. Sinusubukan niyang kontrolin ako.
"Hindi pa ito ang t-tamang panahon." Hingal na sabi niya at tumakbo palayo.
Sinundan ko siya upang alamin ang lahat. Alam kong hindi niya ramdam ang aking pag sunod dahil sa siya'y nang hihina na. Hindi nito kinaya ang aking lakas dahil siyang Hybrid.
Napahinto ako sa pag sunod sakaniya dahil naramdaman kong may mga iba pang Shape Shifters sa paligid maging mga mortal.
Hindi ako natatakot na tumuloy dahil sa mga Shape Shifters, ayoko lang na magkaroon ng kaguluhan at madawit ang mga taong nasa paligid ngayon. Kung mangyari yon, paniguradong malalagay sila sa malaking piligro.
"Malalaman ko din ang lahat.." Bulong ko.
Nakita ko namang lumingon ang Hybrid na iyon at sumilay ang ngiti sa mga labi nito.
BINABASA MO ANG
SoLuna
VampireIsang ala-ala ang mag babalik, Mapupuno ang puso ng pananabik Sa pag sapit ng buwan, Manunumbalik ang kagandahan Ikaw ang nag bibigay liwanag, Sa gabing hindi maipaliwanag Mga matang mapangakit, Tila'y walang hinanakit Sa iyong pag alis, Mga al...