Sol【6】

2 0 0
                                    

Chapter 6 : The Marks

━━━━━
Iniisip ko padin ang Tarsier na nakapasok sa aking bahay. Wala naman sigurong mag babalak na mag alaga ng isang tarsier, lalo na dito sa lugar na ito. Ang isa pang pinag tatakahan ko ay, napaka layo ng pwesto ng mga bahay bahay dito sa amin. Kaya imposible namang pag mamayari iyon ng isa sa aking mga kapit bahay.

Hindi ko na lamang iyon masyadong inisip at binuksan nalang ang TV upang manood ng balita.

"Isang grupo ng mga maninikil na nag iinuman ay di umano natagpuang patay sa isang eskanita."

May mga patay nanaman?

Ipinakita ang lugar ng pinagyarihan. May lamesa't upuan at mga bote ng alak na nag kalat, ang mga bangkay naman ay nakahandusay sa lapag.

"Ayon sa mga otoridad, nag tamo ang mga ito ng mga hindi matukoy na marka sa leeg."

Ipinakita din ang mga marka na sinasabi. Para itong pinagsama samang mga letra. Ngunit mahirap alamin kung anong mga letra ito.

"Ayon naman daw sa autopsy report, may halong sodium cyanide ang ininom ng mga ito."

"Ang iba sa mga miyembro nito ay dineklara ng mga kamaganak nawawala at hindi pa natatagpuan."

"Ayan lamang ang mga balita ngayong araw, siguraduhing lagi kayong nakatutok upang malaman ang mga maiinit na balita ngayong araw."

Nitong mga nakaraang araw ay madaming mga namamatay at pare pareho lang ang mga senyales na natatagpuan. Wala man lang mga testigo o kahit na anong ebidensya ang nakukuha kundi ang sodium cyanide at ang markang iniiwan nila sa leeg ng biktima.

Kaya naman sunod sunod din ang mga ambulansya na dumadaan dito sa amin, ang hula ko sa gabi nagaganap ang pag patay. Dahil sa umaga na natatagpuan ang mga bangkay.

"Tsk! Hay buhay nga naman." Nagulat ako sa pag sulpot ni Paul sa likod ng sofa na inuupuan ko at may bitbit na mga plastic bag. Mukhang kagagaling lang niya sa super market.

"Hindi mo malalaman kung kailan babawiian sayo." Dugtong pa niya at napakamot sa batok.

"Kabute ka ba?" Tanong ko sakaniya nang nakataas ang isa kong kilay.

"Hindi.." Pag iling nito. "Pero bakit?" Ngisi niya sa akin.

"Kasi bigla bigla ka nalang sumusulpot." Sagot ko sakaniya at tumayo na sa sofa.

"Aba! Dinadalaw ka na nga susungitan mo pa ako." Sigaw nito at sumunod din sakin papunta sa kusina.

"Nga pala, kamusta yung pag sasanay nila?" Pag iiba ko sa usapan. Ilang araw na din akong hindi nakakapasok dahil kailangan kong mag pahinga sabi ng Doctor noong nag pa check up ako.

"Ayos naman! Wag ka mag alala, magaling kasi ang direktor." Puri nito sa kaniyang sarili at ibinaba sa lamesa ang kaniyang mga dalang prutas at pagkain.

"Ganon? Hahaha siguraduhin mo lang, may isang daang kaltok kang matatanggap mula sa akin kung hindi maganda ang resulta." Pag babanta ko sakaniya.

"Sus baka bumilib ka sakin pag napanood mo na ang naensayo nila." Pag yayabang nito na tinawanan ko nalamang.

"Eh yung mga damit at props ba sinisimulan na?" Tanong ko sakaniya. Dahil importante na mapractice din nila ang pag gamit ng props, maging ang mga damit na gagamitin nila.

"Oo naman. Na simulan na at malapit nang matapos ang Act. 1 ano." Sagot niya.

"Oh? Act. 1? So ibig sabihin tapos niyo na ang scene 1 to 10?" Nag tatakang tanong ko.

Tumango siya bago sumagot.

"Ofcourse!"

"Edi good to know. Buti naman at mabilis niyong natapos ang sa Act. 1." Sabi ko sakaniya at pumalakpak ng mahina.

"Sabi ko naman kasi sayo, magaling ang Director nila." Sabay turo sa kaniyang sarili.

"Oo sige na, hahahaha magaling ka nang Director." Puri ko sakaniya.

"Kaya dapat matapos mo na ang second act ha." Paalala nito sa akin.

Oo nga pala, hindi ko padin na dudugtungan ang script na tinatapos ko. Malapit na din ang araw nang pag tatanghal, kailangang matapos ko na ito.

"Nawala sa isip ko ang tungkol sa script, pero tatapusin ko na iyon mamaya." Sagot ko kay Paul.

Niyaya ko nalang na kumain muna si Paul dahil siguradong hindi pa siya nag tatanghalian. Habang kumakain ay nakarinig kami ng tahol sa labas. Parang ngayon lang nagkaroon ng aso dito malapit sa aming bahay.

Sumilip ako sa bintana at natanaw ang asong tumatahol sa labas. Tinatahulan niya ba kami? At mukhang walang nag mamayari sakaniya dahil wala itong suot na dog colar, o kahit na anong palatandaan na may amo ito. Hindi ko na lang siya pinansin at bumalik na sa lamesa. Baka nakatakas lang siya at hindi namalayan ng may ari.

"Ano yun? Bakit may asong tumatahol?" Tanong ni Paul.

Nag kibit balikat nalang ako dahil hindi ko din alam kung bakit nga ba sa tapat pa ng bahay ko tumatahol ang aso na iyon.

Si Paul naman ang sumilip sa bintana, saktong pag silip nito ay tumigil ang aso sa kaniyang pag tahol at bumalik na din si Paul sa kaniyang upuan. Ipinag patuloy nalang namin ang pag kain.

Nang matapos na kaming kumain, nag paalam na si Paul na aalis at may pupuntahan pa daw siyang lugar.

"Sige ingat ka sa daan pauwi pre." Sabi ko sakaniya.

"Sige sige, ikaw din mag ingat ka dito. Wag ka na masyado mag pagod." Paalala niya.

"Alis nako, bye!" Paalam nito at lumabas na ng bahay.

Nakatayo lang ako sa tapat ng pinto at pinanood siyang umalis. Ngunit napahinto si Paul dahil sa aso. Nakaupo lang ang aso sa tapat ng gate ngunit hindi tulad kanina ay tahimik lang siya ngayon.

"Ang kulit mo talaga ano? Hindi ka pa ba aalis?" Sabi ni Paul sa aso.

Hay nako! Pati aso inaaway niya na din.

"Hoy Paul! Umuwi ka na hahaha. Wag mo nang awayin yang aso." Sigaw ko sakaniya habang tumatawa.

Lumingon naman sakin si Paul at tumawa din.

"Sige, kung mag tatahol ito wag mo nalang pansinin para tumahimik." Bilin niya sa akin.

Huh? Ang weirdo din nitong kaibigan ko, parang alam niya ang pag uugali ng aso na iyon dahil sa kaniyang mga sinabi.

"Hmm.." Tanging naitugon ko sakaniya at tumango tango nalang.

Nang makasakay na ito sa kaniyang sasakyan ay pumasok na ako sa loob. Sinilip ko ulit ang aso sa labas, dahil hindi padin siya umaalis sa kaniyang pwesto.

SoLunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon