Chapter 7 : Consiquences
━━━━━
Nag handa na ako para mag libot ulit at pumunta sa PIH Palace. Lagi kong dinadala ang mga kagamitan na makakatulong sakin para puksain ang mga halimaw na nag kalat.
Pumasok sa aking isip ang lalaking mortal na lagi kong nadadaanan sa tuwing lumalabas ako.
Kamusta na kaya ang kaniyang lagay?
Ilang gabi ko na din itong hindi nakikita, siguro nag papahinga lang siya lagi dahil sa kaniyang kalagayan. Buti nalang pala at hindi ako isang mortal, ang mga kagaya ko ay hindi nakakaranas ng kahit na anong sakit.
Hindi kami dinadapuan ng mga kung ano anong mikrobyo na nagiging sanhi kung bakit madami ang mga nagiging karamdaman ng isang mortal.
Sa ibang salita, sobrang lakas ng aming resistensya. Hindi lang yon, dahil doble o masasabi kong triple ang lakas namin kesa sa mga tao.
Habang nag lalakad patungo sa syudad ay nakakarinig na ako ng mga taong sunod sunod ang hingi ng tulong. Ngunit alam kong hindi sila dapat tulungan. Ang mga taong humihingi ng tulong ngayong gabi ay ang mga masasamang taong pinupuksa ng PIH Officers.
Ang Phenomenon Institute of Hope Officers, sila ang responsable sa aming mga hiling kapag kami ay may natatapos na trabaho. Katulad na lamang ng aking hiling noon.
Ang aking hiling din ang dahilan kung bakit sabay sabay na namatay ang mga maninikil na mayroong masamang hangarin. Isa din ito sa dahilan kung bakit kailangan kong mag tungo sa PIH, para sa mas madaming impormasyon. Nasa kamay nila ang ibang maninikil na naging rason sa kahirapan ng batang aking iniligtas.
Tungkol naman sa bata, nasa magandang estado na siya. Nagkaroon sila ng mga mayayaman na magulang, natupad na ang ilan sa aking hiniling.
Kaya naman dali dali akong nag tungo sa PIH Palace upang matupad na din ang isa pa sa aking mga hiling.
Nang malapit na ako ay nakita kong lumabas ng gate ang Hybrid na aking nakasalamuha nung nakaraang gabi. Anong ginagawa niya dito?
Mabilis na umalis ito ng maramdaman niya ang aking presensya. Hindi na ako nag aksaya ng oras upang habulin ito, dahil alam kong wala sakaniya ang kasagutan sa aking mga tanong. Kundi nandito sa aking harapan.
Sigurado akong na sa PIH ang mga kasagutan.
Pumasok na ako sa loob at nag lakad ng mabilis patungo sa palasyo. Hindi na ako hinarang ng mga bantay dahil kilala na nila ako, sa loob ay nakasalubong ko ang sekretarya ng Ama.
"Oh? Magandang gabi Ms. Luna." Pag bati niya sa akin.
"Magandang gabi din." Bati ko sakaniya pa balik.
"Halika na at ihahatid kita sa Investigation Room." Sabi niya at naunang mag lakad.
Sinundan ko naman siya.
"Luna?" Rinig kong patanong na bulong ng isang katulad kong bampira sa kaniyang isip.
Lumingon ako sa likod at may nakita akong isang lalaki na matangkad at nakasalamin. Napakunot ang aking noo dahil sakaniya.
"Ms. Luna, wag mong hayaang may ibang pumukaw sa iyong atensyon." Napalingon ako sa sekretarya.
Lilingunin ko pa sana ang lalaking nakita ko ngunit alam kong umalis na siya dahil hindi ko na maramdaman ang kaniyang presensya. Kaya nag pa tuloy nalang kami na mag lakad pa tungo sa Investigation Room.
Nang marating namin ang silid ay bumungad sa akin ang dilim dahil nakapatay ang ilaw dito. Ngunit may malaking salamin na humahati sa lawak ng buong kwarto. Sa kabilang parte noon nangagaling ang liwanag, nakita kong nakagapos ang mga ito habang nakaupo sa mga silya.
Sa tingin ko ay hindi nila kami nakikita dahil reflective glass ang klase ng salamin na ginamit dito. Kaya kami lang ang nakakakita sakanila.
"Officer, ano na po ang mga nakalap niyo?" Tanong ng sekretarya.
"Hindi daw nila kilala ang mga bata." Sagot niya.
Hindi ko mapigilan ang inis na aking naramdaman kaya naman pumasok ako sa kabilang silid na kanila namang ikinagulat.
"Sigurado ba kayong hindi niyo kilala ang batang ito?" Tanong ko at ipinakita sakanila ang aking alaala.
Ipinakita ko ang mga dinanas ng kaawa awang bata sa kamay ng mga mapang lamang na ito. Ipinakita ko din sakanila ang kanilang ginawa sa mag kapatid.
Matapos kong maipakita sakanila ay bakas sa mga mukha nito ang takot. Na aking ikinangisi ng ilang segundo. Eto ang inaabangan ko sa lahat, dahil sa mga ginawa nila.. Kailangan nilang harapin ang hustisya.
Nilingon ko ang sekretarya at ang officer. Sinensayan ko sila na nakuha na namin ang tamang sagot. Dali dali namang pumasok sa loob ang iba pang bantay upang dalhin sila sa laboratoryo.
"Saan niyo kami dadalhin?" Tanong ng isa sa kanila.
Pumipiglas pa ang mga ito.
Tulad ng sa akin, ang lahi ko ay nakagawa ng napaka laking kasalanan sa mundo. Kaya naman heto ako ngayon at pasan padin ang parusa. Upang maging balanse, pati ang mga mortal ay kailangang harapin ang resulta ng kanilang maling ginawa. Na papasanin naman ng kanilang mga anak at apo. Walang sino man ang malalagpasan, bagkus ang parusa ay diretsyo sa kanilang dugo.
At tulad ko, ang kanilang buhay ay hindi na nila hawak. Kundi hawak na ng buong mundo at wala silang karapatan upang tumanggi. Ang mga makasalanang na sawi naman ay matatawag na swerte dahil kamatayan ang kanilang naging parusa. At ang parusa na iyon ay hindi na aabutin pa ng kanilang mga apo sa talampakan.
Sumunod ako sakanila hanggang marating namin ang laboratoryo. Nakita ko ang bawat tarak ng syringe sa kanilang mga balat.
Hindi ko mapigilang mapangiti dahil alam kong mararanasan na din nila ang hirap na aking nararanasan. Kung mangahas man silang tumanggi, susunod sila sa kanilang mga kasamahan na pumanaw.
Ganito umikot ang mundo. Na hindi natin kailan man mababago.
BINABASA MO ANG
SoLuna
VampireIsang ala-ala ang mag babalik, Mapupuno ang puso ng pananabik Sa pag sapit ng buwan, Manunumbalik ang kagandahan Ikaw ang nag bibigay liwanag, Sa gabing hindi maipaliwanag Mga matang mapangakit, Tila'y walang hinanakit Sa iyong pag alis, Mga al...