Chapter 8 : Hidden Scene
━━━━━
Hybrid's POV"Kailangan mo nang mag ingat ngayon. Tandaan mo, maulit pa ang iyong pagkakamali ay tiyak na sira ang plano natin." Pag papaalala niya sa akin.
Hindi ko nalang siya kinibo at agad na iniwan siya.
Ngayon ay nag dadalawang isip na ako sa aming plano. Isang malaging gulo ito para sa lahat kung nanaisin naming ituloy ang napagusapan. Kung si Luna ang unang makaalala, hindi magiging maganda ang resulta.
Nag ibang anyo na ulit ako at para hindi maging kahinahinala ay aso naman ang aking napili para sa araw na ito.
Pumunta ako sa tanghalan kung saan madalas kong makita si Sol. Ngunit nabigo ako dahil wala siya doon.
"Oo, dadalaw ako ngayon.." Rinig kong sabi ng isang lalaki habang nakatayo ito malapit sa kaniyang kotse.
"May mga kailangan ka pa ba Sol?" Tanong niya sa kaniyang kausap.
Sol? Kakilala niya si Sol?
"Oo kakilala ko si Sol. Ano naman sayo?" Sagot nito at lumingon sakin.
Kaya nga nag tataka ako pft. Isang bampira? Kaibigan ng isang mortal?
"Oh ano namang mali kung may kaibigan akong mortal?" Inis na tanong nito.
"Paul? May kausap ka ba jan? Hahaha." Pag singit naman ng kaniynag kausap sa kabilang linya.
"A-ah wala! Sige na, dadaanan kita mamaya." Paalam nito sa kausap niya at agad na binaba ang telepono.
Ngayon ay pinangalanan pa pala siya ng kaniyang mortal na kaibigan.
"Hindi ka ba titigil ha?! Gusto mong maging siopao asado?!" Sigaw na sabi nito.
Natawa nalang ako dahil ngayon ay pinagtitinginan na siya ng mga taong dumadaan sa gilid. Siguro iniisip ng mga mortal na ito na may isang baliw dito at nakikipag away sa isang aso.
"Mag tigil ka na nga, baka gawin talaga kitang siopao." Pakikipagusap niya sa akin gamit ang kaniyang isip habang pinang didilatan ako ng mata.
Sumakay na siya sa kaniyang kotse at iniwan ako. Ngayon lang ako nakasalamuha ng isang bampira na katulad niya. Masyadong maingay at hindi kayang kontrolin ang sarili. Masasabi kong ibang iba siya sa mga karaniwang bampira na nakilala ko.
Sinundan ko naman ito dahil alam niya kung nasaan ngayon si Sol.
Kailangan kong bantayan ang mortal na iyon, upang malaman ko kung kailangan na naming mag handa sa mga mangyayari. Dapat ay si Sol ang unang makatanda ng mga naganap dahil siya lang ang may kayang pigilan si Luna.
Nang marating ko ang bahay ni Sol ay agad na nag tago ako sa mga puno.
Nakita ko namang bumaba na ang bampira sa kaniyang kotse at pumasok sa loob ng bahay. Nag hintay pa ako ng ilang minuto at nang mainip na ako ay naisipan kong mag tatahol dito sa labas.
Delikadong mag isa ang isang mortal lalo na kung hindi nito alam na may kasama siyang bampira.
Sa pag iingay na aking ginawa mukhang nakuha ko ang kanilang atensyon.
Sumilip si Sol sa bintana at ganon din ang bampira na nakausap ko kanina. Pag tapos nilang sumilip at tumahol ulit ako. Ngayon ay tumatahol ako hindi para malaman kung anong kalagayan sa loob, kundi para inisin ulit ang bampirang iyon.
Ilang segundo ay lumabas na ito ng bahay.
Agad akong tumahimik at umupo lang sa tapat ng gate. Tinitigan ko lang si Sol at hindi na pinagaksayahan ng oras na titigan ang bampirang ito.
BINABASA MO ANG
SoLuna
VampiroIsang ala-ala ang mag babalik, Mapupuno ang puso ng pananabik Sa pag sapit ng buwan, Manunumbalik ang kagandahan Ikaw ang nag bibigay liwanag, Sa gabing hindi maipaliwanag Mga matang mapangakit, Tila'y walang hinanakit Sa iyong pag alis, Mga al...