PROLOGUE

18 0 0
                                    

NIANA'S

"Sira na ba ang ulo mo, Nia?! Alam mo ba kung ano 'tong pinasok mo?!"

Sa totoo lang, wala na akong pakialam sa kung ano pa man ang pwedeng mangyari.

Ang alam ko lang, buhay ako. Kailangan ako ng kapatid ko.

"Nakipag-kasundo ka sa isang demonyo?! Baliw ka na ba?!"

Kinabahan ako nang lumapit si Rhian sa akin at akmang sasampalin ako. Mabigat ang kamay nito kaya naman agad akong napapikit.

Naramdaman ko nalang ang kamay nya sa ulo ko.
Sinabunutan nya ako, ang sakit pucha. Gaganti na sana ako nang hinigit nya ulit ang buhok ko palapit sa kanya.

"Aray ko Rhian! Tangina naman!" Kaya single to eh, masyadong mapanakit.

"Hindi demonyo yan! Ang pogi pogi! Gaga ka ba?! Mukhang anghel tapos sasabihin mo demonyo yan? Baliw ka na nga!"

Binitawan nya ako saka dumiretso sa ref para kumuha ng maiinom. Nakakainis talaga yang si Rhian, pasalamat sya nanghihina pa ako kaya di ko sya mapatulan.

Inayos ko ang buhok ko at itinali muli. Hindi ko alam kung ano na ang pinasok kong ito pero okay lang, nakahinga ako nang maluwag matapos nya akong tulungan.

"Oh, iabot mo tong juice sa bisita mo." Binigay sakin ni Rhian ang dalawang bote ng juice. Gusto ko sana ihampas to sa ulo nya pero may naghihintay sa akin sa sala kaya isinantabi ko muna ang galit ko, inirapan ko lang sya at naglakad na papunta sa sala.

"Pasensya ka na, natagalan." Umupo ako sa sofa, nagkaharap kami ngayon. Hindi nya kinuha ang juice na iniabot ko, tinitigan nya lang yun.

Pinagmasdan ko ang itsura nya. Nakasuot sya ng black long sleeves, itim din na pants at itim na sapatos. Nawala na din ang mantsa ng dugo sa mga kamay nya, pati na din ang galos sa mukha nya nawala na lahat.

Patunay na hindi tao ang nilalang na ito.

Napatitig ako sa mukha nya. Deep dark brown eyes, pointed nose and pinkish lips nya, ang perfect. Kung tutuusin, gwapo talaga sya. Malapad ang balikat maganda ang katawan. Pwede mag artista si kuya.

"About our contract..."

Nabaling ang tingin ko sa relo nya.

Teka, bakit parang hindi gumagana? Ano yun? Display lang? May mga kaklase din ako dati na ganyan. Nagsusuot ng relo kahit di gumagana, pag tinanong mo naman ang sagot lang nila, wala lang para mag accessory lang daw.

Ang nonsense lang. Bakit nagrelo pa kung di naman gumagana.

"Niana."

"Po?" Sagot ko. Ay putek, bakit ako nag-po? Nakita ko naman na kumunot ang noo nya.

"I was talking to you about our contract. I see that you aren't listening. Wag mo akong galitin, I can kill you right now if I want to."

Bumilis ang tibok ng puso ko. Putek naman! Patay agad?! Eh kanina lang iniligtas nya ako!

"Sorry, sorry, sorry." Taranta kong sabi "So, you were saying?"

"You humans are really funny. I don't get it. Why do you always say that word? As if it would save your life."

"Sorry." Napayuko ako.

"Say that again and I'll break your neck."

"Hala sor-" tanginaaaa muntik ko na naman masabi!

Nagulat ako nang ibagsak nya ang palad nya sa mesa, agad din syang tumayo at naglakad na papunta sa pintuan.

"Come at my place tomorrow, 6 pm. We will seal our deal." Hindi na nya ako nilingon pa at saka naglakad paalis.

Napatingin ako sa papel na iniwan nya.

May nakasulat dun na address.

So I guess, my soul isn't mine anymore starting tomorrow.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Chat with The DemonWhere stories live. Discover now