PAHIMAKAS

19 1 0
                                    

(Jake)

Madilim na ang kalangitan at lumalamig na din ang simoy ng hangin. Nang tignan ko ang kalangitan naaninag ko ang kapayapaan na taliwas sa aking nararamdaman.

Tulad ng mga nababasa ko sa mga libro oh mga napapanuod ko sa mga pelikula na kapag ang bida ay may dinadamdam ay bubuhos ang ulan na para bang itoy nakiki dalamhati. Hiniling ko na sana mangyari din ito ngayon.

Habang binabaybay ko ang daan kung saan hindi ko alam kung anong magiging pwedeng mangyari hindi ko maiwasan ang pag sikip na naman ng aking dibdib.

Sa dami ng tumatakbo sa isip ko hindi ko namalayan na umaagos na pala ang aking mga luha. Tila ba nagtaka pa ako ng saglit kung bakit, pero agad ko itong pinunasan ng aking mga kamay.

Bawat hakbang pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko. Pero sa bawat pag sulong ko naalala ko lahat ng masasayang alaala ng nakalipas. Isa lang ang hiling ko ngayong gabi.

Nasa tapat na ako ng pintuan ng kaniyang bahay. Na dati ko din naging tahanan. Alam kong andito na siya. Alam na alam ko yun.

Isa

Dalawa

Tatlo

inulit ko uli ang pag katok na ginawa ko...

Isa

Dalawa

At bigla itong bumukas. Batid sa mukha niya ang pagka gulat. Pero blanko lang ang ekspresyon ng aking mukha. Tinititigan ko lang siya at alam kong ilang minuto ay tatalunin na din ako ng emosyon ko.

"Hi"

Ang tangi ko lang naisatinig sa kaniya. Alam kong mas lalo siyang naguluhan dito.

"Anong ginagawa mo dito?" nag aalangan na tanong niya sa akin.

"Uhm gusto lang kita makausap?" nag mamakaawa kong tugon sa kaniya.

Alam kong hindi niya ito gusto dahil ilang beses niya ba tinanggihan ang simpleng alok kong ito pero huling baraha ko na ito at dapat ngayong gabi magawa ko ito.

"Si...sige pasok ka?" nagaalangan niyang alok sa akin.

Dahil dito nakahinga ako ng maluwag. Sana maging maayos itong paguusap namin.

"Kape?" mahina niyang alok sa akin ng makaupo ako sa sofa.

Alam niya naman ang ang paborito kong inumin eh at alam na alam niyang pag inalok niya ito ay hindi ako makakatanggi....

"Uhm hindi na okay lang ako" mahina kong tugon.

....pero hindi ngayon. hindi na.

"Ano nga palang atin?" tanong niya na kasalukuyang kaharap ko ng upuan.

"May sasabihin lang sana ako Rey"

Nakikinig lang siya. Siguro kahit papaano alam niya na ang pinunta ko.

Hindi niya siguro inaasahan ang sunod kong ginawa.

PAHIMAKAS (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon