Paglabas ko ng sinehan ay luminga-linga ako hoping na makita ko sa paligid si Francis. Hindi pa siya bumabalik simula noong nagpaalam siyang gagamit ng restroom. Mas nakakapagtaka pa ang mabilis niyang pagkawala sa loob kanina.
“Nasan na ‘yon?”
Minabuti kong dumeretso sa parking lot, baka iniwan na pala ‘ko no’n. Medyo malayo pa naman ‘yong pinag-parking-an namin dahil nasa tenth floor pa.
Pagbukas ng elevator ay mabilis akong nakababa dahil dalawa na lang kaming natira sa loob.
Hindi pa ‘ko nakakalayo sa elevator ay nadinig kong nagsalita ang babaeng naiwan sa loob, “Miss, you dropped this.”
Kusang natuod ang buong katawan ko nang makita ko kung anong iniaabot niya sa’kin. Parang biglang tumigil ang pagdaloy ng dugo sa loob ng katawan ko dahil kusa na lang akong natigilan.
Hawak niya ngayon ang plumang minsan nang isinoli sa’kin ni Francis.
Pero, paano? Tandang-tanda ko noong itinago ko ‘to kasama ng bibliya.
“Miss?” bumalik ako sa wisyo nang tinawag ako ulit no’ng babae. Napakurap ako ng ilang beses saka nahihiyang tumingin dito, “Pa-pasensya na.” sabi ko.
“Okay lang. Here's your hacky.”
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong panyo? Pluma angー
Kusang bumukas ang bibig ko dahil sa gulat. Ano bang nangyayari?! Kitang-kita ng dalawang mata ko na pluma ang inaabot niya sa’kin!
Nangangatog na pilit kong inabot ang panyong hawak niya. Nadinig kong nagpaalam na sa’kin ang babae. Ni hindi man lang yata ako nakapagpasalamat dahil tinitigan ko ang panyo nang mahawakan ko na. Sigurado ako, pluma ang nakita kong hawak niya kanina.
Tulala ako habang nanglalakad papunta sa pinag-parking-an namin. Itinago ko na din sa loob ng bag ko ang panyo.
Hindi ko pa din alam kung ano 'yong nangyari kanina. Kung totoo ba 'yong nangyari kanina. Simula talaga nang makilala ko 'yong si Vicente Siongco kung ano-ano ng nangyari sa buhay ko.
Nang makarating ako sa tapat ng sasakyan ni Francis ay agad kong tinignan ang plate number, malay ko ba kung eto nga 'yon, baka kamukha lang pala.
Tama naman, nandito pa din naman ang sasakyan niya pero nasaan siya? Hindi man lang tumawagー
“Shet! Wala pala kaming number ng isa’t isa!”
Hindi ko din alam kung bakit ako sama ng sama sa kanya kahit kulang kami ng information ng isa’t isa, though may alam na ko sa ibang traits niya dahil sa pagdalaw-dalaw niya sa bahay, pero 'yong ni number niya wala ako tapos ang lakas ng loob kong gumala kasama siya.
Kahit hindi ko sigurado kung online siya ngayon, nilabas ko pa din ang phone ko at nag-chat sa kaniya sa messenger.
Halos maihulog ko naman ang telepono nang biglang mag-vibrate ito dahil may tumatawag na unknown number.
Hindi ko ugaling sumagot ng mga hindi ko kilalang number, lalo ‘yong out of nowhere na tatawag kagaya nito, pero mukhang ito ang first time na tataliwas ako sa bagay na nakaugalian ko na, “Hello?”
Ilang segundo ang dumaan bago nagsalita ang nasa kabilang linya, "Ara," napakunot ang noo ko nang makilala ko ang boses nito, "Francis?"
"Yes, where are you?"
Napairap ako bago sumagot, "Ikaw ang nasaan? Hindi ka na bumalik, tapos na 'yong movie!" Hindi ko alam kung mangigigil ako o ano, ako nga dapat ang magtanong kung nasan siya dahil siya 'tong nang-iwan!
BINABASA MO ANG
Tadhana Nga Ba?
Подростковая литература𝗛 𝗜 𝗔 𝗧 𝗨 𝗦 Hindi inakala ni Ara na ang pag-uwi niya sa Santa Nordes para sa summer vacation ang gugulo at babago sa buhay niya. Dahil sa isang bibliya, pluma, at hiling mula sa puso, ang mga katotohanang nakatago sa pahina ng nakaraang h...