CHAPTER NINE | The Accident

1.2K 18 4
                                    

SA BAR

NAKITA NI KEND SI GANI.

Kend: Gani?

NAPATINGIN SI RUST KAY GANI.

Ang sumunod na nangyari ay magkausap na sina Kend at Gani sa labas.

Kend: Pasensiya ka na Gani ha pero hindi na kasi kita matutulungan eh. Siguro kahit mai-kwento ko pa sa'yo ang lahat ng nakaraan mo, hindi mo parin naman maalala ang lahat eh.

Gani: Kendrick, ikaw lang ang makakatulong sa akin. Alam kong may itinatago sa akin si Mommy about my past. Ang sabi niya masamang impluwensya ka daw sa akin but I don't beleive her! Kendrick please help me. Ikaw lang ang pag asa ko.

Kend: Gani,  ikaw mismo ang dapat tumulong sa sarili mo. Hindi ako.

Gani: (Napaluha) Bakit parang may nagbago Kendrick? May sinabi ba sa'yo si Mommy? Hindi ko maintindihan eh bakit parang lahat kayo ayaw akong tulungan na maalala ang lahat?

Kend: Hindi sa ganun Gani, huwag kang mag alala, darating din ang oras na maaalala mo rin ang lahat. Maaalapa mo din ako, tayo.

NAPALUHA SI KENDRICK.

Kend: Pero habang hindi pa nangyayari 'yun, mas mabuti pa na huwag na muna tayong magkita o mag usap para hindi magalit ang Mommy mo sa'yo. Babalik na ako sa loob. Excuse me.

TUMALIKOD SI KEND AT NAGPUNAS NG MGA LUHA TSAKA PUMASOK SA LOOB NG BAR.
SINUNDAN SIYA NG TINGIN NI GANI.
MAS LALO SIYANG NAGULUHAN SA MGA HULING SINABI NI KENDRICK.
UMALIS NA SIYA AT SUMAKAY SA KANYANG KOTSE.

SA LOOB NG BAR KAUSAP NI RUST ANG MGA KAIBIGAN NIYA.

Migs: Bakit hindi mo sila sundan sa labas? Mamaya niyan umalis na pala silang dalawa.

JB: Oo nga, gwapo pa naman 'yung kasama ni Kend.

Rust: (Napangiti) Mga sira, mag bestfriend lang 'yung dalawang 'yun.

MAYA MAYA AY NAKITA NA NILA NA PABALIK NA SI KENDRICK.

-------------------
PAUWI NA SI GANI.
HABANG NAGDA-DRIVE SIYA AY HINDI NIYA MAPIGILANG ISIPIN ANG MGA SINABI NI KEND.
MAY NARARAMDAMAN SIYANG KAKAIBA KAY KEND PERO HINDI NIYA ITO MAIPALIWANAG. MAS LALO SIYANG NAGUGULUHAN KAYA MAS LALONG TUMINDI ANG KAGUSTUHAN NIYA NA BUMALIK NA ANG KANYANG MEMORYA.

•••••••••••••••••••
SA BAR

Lasing na lasing na si Rust, inaalalayan siya ni Kend at ng mga kaibigan niya pasakay ng taxi.

Kend: Salamat JB, Migs.

JB: Wala 'yun, oh mag iingat kayo ah?

Migs: Alagaan mo 'yang boyfriend mo mahal na mahal ka niyan hehehe.

Sumakay na si Kend sa Taxi.

MY ENDLESS LOVE (BOYXBOY) (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon