Chapter 21

1.4K 72 2
                                    

Alessandra's POV

"Ma"

Lumingon sakin si mama habang naghahanda ng mga niluluto niya para sa karinderya.
"Oh anak? Ang aga mo naman masiyadong gumising ngayon?"

"Magpapaalam lang sana ako dahil may activity kami ngayon sa Quezon"

"Ganun ba? Sino ang mga kasama mo?"

"Mga presidents ng lahat courses at mga prof namin. Kasama na din yung ibang schools dito sa Laguna. Uuwi din agad ako sa hapon para matulungan kita sa karinderya"

"Naku wag mo kong intindihin anak. Mag-enjoy ka dun at mag-iingat ka"

Ngumiti ako sakaniya.
"Sige ma"

"Oh nakahanda na ba ang lahat ng dadalhin mo?"

Tumango ako.
"Mm. Kagabi ko pa hinanda"

"Sige.. ipaghahanda kita ng kare-kare"

"Thank you ma"
humalik ako sa pisngi niya at umakyat na sa kwarto ko para maligo at magbihis.

Inayos ko na din ang iba ko pang kakailanganin at nilagay sa sling bag ko.

Paglabas ko ng kwarto ko, sumilip muna ako sa kwarto ng kapatid ko at nakita kong tulog pa siya.

"Gabriella"
pagtawag ko sakaniya.

"Hmm?"
nakapikit na sabi niya.

"Gising ka na ba? May activity kasi kami sa-------"

O_O

"YAAAAAAAA! Humanda ka sakin!"

Nagulat ako nang bigla niyang tinaas ang kamay niya na akala mo may hahampasin habang nakapikit pa din.

"Dudurugin kita! HAAAAA!!"
sinabi niya yun habang kumikilos na akala mo nakikipag-away.

"Tch"
napailing nalang ako habang nakatingin sakaniya.

Nananaginip nanaman to. Paano ko ba to naging kapatid?

"YAAAAAAAAAAA!!! Hindi ako magpapatalo sayo Maxspaun!"

Kumunot ang noo ko nang banggitin niya ang apo ng mga Moon.

Tsk. Pati ba naman sa panaginip niya, nag-aaway pa din sila.

"Tangina mo Moon! Hinding-hindi ka---------ARAAYYYYY! A-ate?! Ano ba?! Bakit mo ko sinipa?!"

"Binabangunot ka kasi. Mukhang lumalala na kaya sinipa na agad kita para magising ka"

"Bangungot?! Eh ang ganda-ganda kaya ng panaginip ko!"

Tumaas ang kilay ko.
"Ano namang napanaginipan mo?"

"Hmmm. Wala naman. May hinulog lang ako sa bangin"
aniya at humalakhak.

Napailing nalang ako sa mga pinagsasabi niya.

"Ano ba't nanggigising ka?! Anong oras na ba?" tumingin siya sa orasan niya at pinanliitan ang mata. "4:30?! Bakit napakaaga mo naman?!"

"Tch. May School Volunteer and Service Program kami sa Alabat Island sa Quezon. Mamayang hapon pa kami uuwi"

"Ge. Bye. Ingat. Wag ka nang bumalik"
aniya at nagtalukbong na ng kumot.

Sinamaan ko siya ng tingin.
"Tsk. Buhosan ka sana ng semento mamaya para manigas ka nalang habang-buhay"

Never mess with an Enrile-MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon