Naubos na lang ang milktea namin parehas pero wala paring balak ang isa samin na umalis.
"How's Sandra and Steven by the way?" I asked him dahil masyado na akong nabibingi sa katahimikan. I saw his fingers tapping his knee.
"Kaka nosebleed ka naman eh, tagalog naman." Sabay kamot nya sa batok nya.
"Kamusta na si Sandra at Steven..."
"Oh kitams! Nag tatagalog naman pala! Papahirapan mo pa akong intindihin ka!" Naiiling nyang sabi. "Ayos naman, baka tulog na yung dalawa na yon ngayon."
"Does your mom---I mean sinasaktan pa ba ng nanay mo sila Sandra?"
Huminga sya ng malalim bago ako sinagot.
"Pag nasa bahay ako hindi nila sinasaktan, ewan ko lang pag wala ako. Hindi naman kasi palasumbong ang magkapatid, pero alam ko sinasaktan sila. Kahit pagsabihan ko sila Mama pasok sa tenga labas sa kabilang tainga naman."
"Bakit ayaw nyo nalang umalis, kung ganoon?" Ilang minuto pa syang natahimik.
"Hindi naman ganoon kadali yon, unang una wala kaming pera at pangalawa san kami pupunta?"
I bit my lip, how stupid you are Ysla for asking the obvious question!
"Second year high school lang ang natapos ko, natigil dahil sa hirap ng buhay. At saka pinatapos ko muna ng high school si Sandra kaso natigil din dahil nga walang pera." Tningnan ko sya, he's smiling parang hindi nya iniinda yung ganoong problema. Ngayon palang I admired him for being strong.
"Ilang taon ka na ba?" Tanong ko, tiningnan nya naman ako.
"Nineteen, ikaw?" Nanlaki naman ang mata ko.
"Parehas tayo! Kakabirthday ko lang nung november ikaw?" Nakangiti kong tanong.
"Talaga? Wow! Mukha kang mas bata pa hahaha, malas nga eh ngayon yung birthday ko." My eyes widen again. Seriously?!
"Nineteen ka lang ngayon?" Mas matanda pa ako sakanya?!
"Oo, tapos heto bertdey na bertdey na scam hahaha. Pero sakto naman na mayroong mcdo bundle iuuwi ko sa pamilya ko." Hindi ko maiwasan maantig sa sinabi nya.
"Happy birthday Bench, sorry sa una nating pag tagpo naging masungit ako. Akala ko kasi alam mo yun playboy type."
"Sanay na ako! Guwapo eh!" Napairap naman ak sa sinabi nya. "Salamat, Ysla." Sa kabila ng mga ngiti nya ngayon ramdam kong may kalungkutan parin syang tinatago.
Umiwas ako ng tingin at tumingin ulit sa kalangitan, the thoughts are always hunting me. Sinundan ba ako ni Zarius? Ang sakit lang isipin kung hindi. Hindi ko namalayan na may tumulo na namang luha sa mga mata ko.
Papahidin ko na sana ito nang marinig ko si Bench.
"You with the sad eye, don't be discouraged Oh I realize..."
He started to sing! He was looking at me while singing the verse! Hindi ko na napunasan ang luha ko at tinitigan sya. Gosh! Bakit ang ganda ng boses nya? Buong buo! Ang lamig, ang sarap pakinggan!
"Kinakantahan ko kasi si Sandra kapag inaaway sya ni Mama, at tingin ko nakakatulong dahil tumitigil sya sa pag iyak." He reasoned out.
"Can you continue?" I request, he obliged and nodded his head. Nakatingin parin sya sakin.
"Its hard to take courage, in a world full of people.
You can loose sight of it all.
The darkness inside you can make you feel so small..."

BINABASA MO ANG
The Unchained Melody (Moonstone Series: 1)
RomanceLaraya Yslavien Villareal is an only daughter and living in her own fancy life. She's just a simple girl even though her family's own a lot of hotel and restaurants, she is also fond of kdramas and studies. She loves star gazing too, she would sneak...