2

14 2 0
                                    


President

Garnetelle's POV

Pagkatapos ng morning periods namin, dumiretso na sila Khate at Sassy sa canteen para mag lunch, meron akong dalang baon so nagpasama muna ako kay Cathy pabalik ng room para kuhanin sa locker ko yung baon ko, then sabay sabay na kaming kakain sa canteen.

Pagkapasok ko sa room ay tila nabunutan ng tinik ang kalooban ko, buti naman at wala dito yung mga lalaking yun. Kaya dumiretso na agad ako sa likod na bahagi ng room namin, kung saan nandon ang mga lockers,

"Dalian mo telle! Nagugutom na 'ko, baka di ako makapag pigil ikaw makain ko" with matching evil grin pa na sabi ni Cathy, ewwww!

"Gaga andugyot mo! Halika na nga!" sabi ko sakaniya.

Pagdating namin sa cafeteria ay hindi rin naman kami nahirapan na hanapin sina Khate at Sassy, hindi pa sila kumakain at mukhang hinintay talaga kami, awe sweet! joke baka magpapalibre lang 'yang mga 'yan!

"Why are you two so bagal ba? What took you so long? Uhhhh--anyways, let's eat na" bungad agad sa'min ni Sassy.

Habang kumakain kami ay walang nagbalak na mag-salita, siyempre kaniya-kaniya muna kami, parang pare-pareho kaming nagutom, eh puro introduce yourself kineme lang naman yung nangyari, siyempre sino ba namang hindi mapapagod kung paulit-ulit mong ipapakilala yung sarili mo diba? Duh, aksaya sa laway ha! Anyways, mag b-battle muna kami ng food ko.

After we finish eating our foods, nagsimula nang magsalita si Cathy,

"Guys alam niyo ba, yung kaninang guy na classmate natin" nagtaka naman kami kung sino yung tinutukoy niya, she rolled her eyes before speaking again "The one that i'm taking pictures of?!" sabay sabay naman kaming napa -ahhhhhh, "I found him on facebook na! His name is Mark Dela Torre, his parents are well-known in the business industry, he is also a model, and----" she paused to catch her breath. "Nakita ko rin yung accounts ng friends niya, yung nakasagutan ni Sassy kanina which is Matthew Salvador, the flirty type one is Ivan Aquino, and the one that Garnetelle is staring at is----" tila nagpantig ang tenga ko sa narinig ko.

"Hoy Cathy! Anong pinagsasabi mo jan?! Hindi ko tinignan ni minsan ang lalaking yun ah! Sure kaba?" sabi ko sakaniya, umiling naman siya kaya't siniringan ko siya, "o diba di mo sure!" 

Binigyan muna nila akong tatlo ng if-that's-what-you-say-so look,

"O...kay?? Where was I? Right! His name is Ethan James Clein"

Ethan....James...Clein...

"James!"

"James!"

"James! Dali laro na tayo ng bahay-bahayan!" tawag ko sakaniya, kanina pa kasi niya ko tinitignan, ayaw sumali! Hmp! Sungit naman ng asawa ko!~ yiiiiiii! Joke Syempre sa isip ko lang 'yan sinabi ah!

"Ts, fine" sagot naman niya sa'kin. Sungiiiittt!!!

"Telle?" may tumawag sa'kin, "Earth to Garnetelle!" sigaw ni Khate, dahilan upang matigil ako sa pag-iisip.

"What?" I asked her.

"You're spacing out girl, what are you thinking? Spill it!" si Sassy ang sumagot sa tanong ko.

Umiling na lamang ako at nginitian sila.

Posible kayang....siya 'yun? Erase! Erase! Ang dami namang James sa mundo no!

"Any...ways, back to the topic, they have chains of hotels all over the world! He is that rich--well all of them naman" imporma samin ni Cathy.

"Wow naman! Magpalibre kaya ako sakanila no? Baka pag sinabi kong bigyan nila ako ng bahay, mansion pa ibigay nil--" hindi na natapos ni Khate ang sentence niya nang makatanggap siya ng malakas na batok kay Sassy.

Nagsitawanan kaming lahat dahil sa ginawa niya.

"Are you out of your mind Khate? Diba they stole our seats nga? So why make friends with them?" sabi ni Sassy sakaniya.

After naming mag lunch ay pumunta na kami sa first afternoon subject namin, which is sa Alumni Hall, as we're heading to the AH I can see students staring at us, why?

Sino ba naman ang hindi mapapalingon kay  Sassy na parang real life barbie, famous rin siya dahil marami-rami na siyang nasalihang pageants, and let me tell you...hindi pa siya natatalo, oh diba! Perfect, maarte with titlesssssssss, yes madaming s ha! And siya rin ang editorial writer namin, since magaling naman siya sa mga opinions niyang palagi namang nag s-state ng facts.

Si Cathy naman, oo madali siyang ma attract sa mga cutie na boys, pero siya lang naman ang number one feature writer namin! Magaling rin siya sa pagsusulat ng tula, stories, name it kaya niya 'yan!.

Si Khate naman medyo kulelat sa acads, pero siya ang sports writer namin! Anything that is involved with sports kaya niyang isulat at hindi lang 'yan, athlete rin siya!

And lastly me, well ako ang nangunguna pagdating sa Acads, aside from being a news writer, I am also a student leader, kasalukuyan akong Yes-O Vice President, and tatakbo ako this year na President. Madali lang sa'kin ang mag create ng mga ideas and such at maki halubilo sa mga kasama ko that's why I got the position. Sabi nga nila dapat raw nag SSG President nalang ako, pero that's way too much work to do.

Kumbaga we are all in one group, HAHAHAHAHA!

Pagkatapos ng apat na afternoon subjects namin, papunta na kami ulit sa room for our last subject which is English. Lol eto na naman po tayo sa ating 'English Speaking Policy'. Imagine three pesos per word?! Nako mas mahirap pa pagdating sa Journalism at Advanced English class namin dahil five pesos per word! Magdasal ka na Garnetelle, this is your end! Jk! Ano hanggang Chapter 2 lang ako? Tas ang cause of death ko nose bleed? Ang cheap naman>_<!

Nang makarating na kami lahat ay nagsimula ng magsalita ang English Teacher namin which is also our adviser.

"Okay Inquirer, we are going to elect our classroom officers now, you might wonder why are we electing officers this early, Well I have an upcoming seminar to attend to and that's why I need a Class President to be the one incharge" our adviser smiled at us after she finished her sentence.

Tumalikod na si Ma'am at may sinulat sa board, nang matapos siya ay humarap uli siya sa'min, "So the nomination for our President is now open" she said.

Nakita ko naman na agad nag taas ng kamay si Khate at gaya nga ng inaasahan ko ay tinawag siya ni Ma'am, "Yes Ms.Asiri?" , tinignan muna ako at nginitian ni Khate, tila nag iintay ng isasagot ko, ginantihan ko naman ang ngiti niya at tinanguan siya, kung kaya't nag-patuloy na siya sa pagsasalita, "I would like to nominate Garnetelle for the position of the president Ma'am" sabi niya at naupo na.

Sinulat nga ng adviser namin ang pangalan ko sa board. Pagkatapos ay humarap nang muli ang aming adviser "Anyone else?" pasimple akong tumingin sa likod at nakita ko ang iba kong mga kaklase na tila nag aalangan, yung iba naman ay naiinis dahil magiging class president na naman nila ako at yung iba naman ay parang walang pake.

Magsasalita na sana ang adviser namin subalit natigil siya nang maunahan siya ng isa kong kaklase,

"I would like to nominate myself Ma'am" aba ang kapal ng peys niya nilingon ko ito at napanganga ako---siya?????!!!!!!!

----------------------------------------------------------------------

Journey to the Center of your Heart (ON-GOING) Where stories live. Discover now