Palalim na ng palalim ang gabi, lumingon lingon ako sa paligid pero puro mga hindi ko kilalang mga tao ang nakikita ko.
Walang bakas nya.
"Nasan na kaya yun?" Tumingin ako sa relos ko 8:40 luminga linga ulit ako para hanapin sya, habang yakap yakap ng mahigpit ang lantern naming dalawa.
10 minutes na wala pa din sya
Luminga linga ulit ako kasi baka di ko lang sya napansin. Na baka bibiglain nanaman ako ng mokong na yun!
Seconds becomes minutes until it became hour pero hawak ko pa din ang lantern namin.
Pero wala sya.
"5!-4!-3!-2!-1!!!" Hiyaw ng mga masasayang tao sa paligid ko.
Nagpapalipad na ang mga taong nasa paligid ko na punong puno ng kislap at tuwang tuwa ang mga mata habang pinapakawalan ang mga lantern nila.
Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha sa aking mga mata habang nakatulalang tinitignan ang mga lantern na nagliliwanag sa kalangitan.
Pero nang dahil na rin siguro sa lungkot nawalan bigla ng kulay ang mundo, natahimik ang buong kapaligiran.
Ang tanging alam ko lang tumutulo ang aking luha habang titig na titig sa madilim na kalangitan.
Walang kahit na ano, ako lang at ang walang kulay na kalangitan.
Sa gitna ng pagluha ko ay tumunog ang cellphone ko, mabilis kong sinagot ng makita ko ang pangalan nya.
"Hel-"
"Im sorry chez" tatlong salita na nagpagunaw ng mundo ko.
Parang tumigil ang lahat, sa paghinga at pagtibok ang puso ko. Bigla akong nagmanhid.
Nabitawan ko ang lantern namin, at wala sa sariling naglakad pabalik sa kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.
Walang buhay, walang kulay.
"My-my?" Tawag sakin ni Zikaina, habang hinihila ang dulo ng damit na suot suot ko.
"Yes baby?" Tanong ko pabalik, lumuhod ako para magpantay ang muka naming dalawa.
Her eyes glowing like the stars in the night. With her ponytail both sides of her head. Her glowing green eyes and cute red lips, her pinkish chubby cheeks and her cute pointed nose resembles him more.
"When we will make it fly mommy?" Nakanguso nyang tanong habang hawak hawak sa maliliit nyang kamay ang sky lantern na sisindihan na namin mamaya maya.
Napatawa ako ng bahagya, kuhang kuha nya pati facial expression.
Wearing a cute red dress and white boots she looks like a doll.
"Baby, later pa natin sya ipapa fly sabay sabay tayo with these people" turo ko sa mga taong nagkukumpulan na naka light na ang mga lanterns.
Lilinga linga naman syang tumitingala sa mga taong nakapaligid samin.
"But mommy! I wanna see it fly na mommy!" Lalong tumutulis ang pag nguso nya sabay pag cross ng arms nya sa harap ko na parang maiiyak na.
BINABASA MO ANG
Night Lies
RomanceLeft by the loneliness of the Night , crowded by lies. "Eyes don't lie"