Kabanata 39
Family
Inilagay ko sa shopping cart ang mga damit na napili ko. Dumako naman ako sa stand kung nasaan mga milk bottles.
"I want these toys." Ipinakita ni Eli sa akin ang dalawang maliit na stuffed toy.
Tulak-tulak niya ang cart habang ako ang namimili ng mga gamit para sa babies namin. Napangiti naman ako nang ma-realize na ang ku-cute ng mga napili niya. Namili pa kami ng mga blankets at small pillows. Last week, bumili na kami ng crib.
May nakita naman akong upuan kaya umupo muna ako. Malaki na rin ang tiyan ko. Galing kami sa OB ko kanina at maayos naman ang lahat. Ilang araw na lang.
Umuwi din naman kami agad sa bahay at nagpahinga.
"Pakiabot naman yung honey, please!"
Agad na tumayo si Elijah at inabot ang isang jar ng honey. Last week ay naaadik talaga ako sa honey dahil sa lasa nito. I know that this is sweet, kaya may limitations ako. Two tablespoons a day.
After our wedding 7 months ago, we went to Europe for our honeymoon. Wala akong ibang ginawa kundi ang utusan lang si Elijah. Hinanap lang naman niya ang mga pagkain na gusto ko at binili. I've been so moody for the past months until today and it's not easy. Inaaway ko siya tuwing naiirita ako. He walked out once, but he came back after two minutes.
"Anything else?" He managed to smile at me kahit alam kong napapagod siya. Puyat siya dahil sa akin. I was having back cramps yesterday night and he spent his sleeping hours with massaging my back.
Umiling ako at ngumiti na sa kanya. Maya-maya ay pinatabi ko siya sa gilid ko havang nanonood kami ng isang fantasy movie.
"Konti na lang, hon." I traced his jawline using the back of my hand.
We're having twins. One boy and one girl. I already have names for them, but I wasn't sure with Eli's opinion. Nang matapos ang movie ay tinulungan ako ni Eli magbanyo. I've been peeing a lot these days. Pabalik na sana kami sa kwarto nang biglang sakupin ng sakit ang sistema ko. I can feel something flowing between my thighs and it hurts! I cried softly, trying to fight the pain.
"Baby, what's wrong?"
"My water just broke!"
"Just push, Ashley! Push!" Sabi ng doktor. Huminga ako nang malalim at sumigaw habang iniipon ang natitirang lakas para i-push pa. Fuck!
"AGHHH!"
"Konti pa, Ash." Pinisil ni Eli ang kamay ko at hinalikan ako sa noo.
Then I heard cries that literally made me cry more because of happiness.
Ilang oras ang lumipas at inilipat na ako sa private room dito sa ospital. Dumating si mama kasama sina Tita Nanet, Marlon at Arjon.
"They're so adorable!" Sabi ni mama nang makita pa lang ang mga baby.
Nasa gilid ko ang dalawa at gising sila. They're a little bit pinkish, lalo na ang pisngi nila. Nakailang kuha na rin ng pictures si Eli. Binuhat naman ni Eli ang anak naming lalaki. My heart is overwhelmed with joy and gratitude. I smiled as I touched my daughter's tiny hand.
"Anong pangalan ng mga apo ko?" Tanong ni mama na halos maluha-luha.
*
"Ninong ka, tungek." Sabi ko kay Val at naiiling na tumawa.
"Ninang na, please! Hindi ko tataguan ang mga 'yan! Limang libo every Christmas!" Nakangiting sabi ni Val habang pinanggigigilan ang dalawang bata. Karga niya ngayon si Ezra at sa akin naman si Andy.

BINABASA MO ANG
Elijah (Vonriego Series 2)
Romance[COMPLETED] Elijah, the coolest in Vonriego family, known for his antics. Ashley, is not your typical girl, she's the valedictorian-slash-dancer of Stevenson DC. He's rich, she's not. He loves to party, she's always in her apartment. Pero nang dahil...