HPG:12

14 6 10
                                    

CHAPTER TWELVE

A-Ano?." naguguluhan kong tanong kay christian.

Napailing ito at tumingin saakin, "liligawan kita sa ayaw o sa gusto mo amielle, bakit ayaw mo?."  tumingin ito saking mata.

Wala ka naman magagawa pala kasi sa ayaw o sa gusto mo." dagdag niya.

Umalis ito at iniwan akong nakatameme sa labas ng cr.

Napapaisip padin ako habang naglalakad pabalik sa room ano daw liligawan ako ni christian?

napatampal ako nang noo ayokong paasahin si christian dahil una palang kaibigan na talaga ang tingin ko rito at sigurado ako hanggang dulo kaibigan lang talaga.

Pagpasok ko ng room ay nandun si christian nakangiti ito habang nakikipagdaldalan sa mga kaibigan niya.

Naglakad ako papuntang upuan ko at nakita na nakaupo si ysabelle busy sa pakikipagchismisan sa mga kaklase namin.

Lumulutang ang isip ko habang nakaupo, wala naman si ysabelle kaya napapatulala nalang ako.

agad din umayos ang mga kaklase ko dahil dumating na ang teacher namin.

Mabilis na naglesson si sir about sa mga projects at nalalapit na sembreak, sinabi niya kailangan maipasa namin ang project bago magsembreak at ang hirap hirap nang pinagagawa nito, dalawang linggo nalang bago magsembreak.

Gala tayo sa sembreak."pagaaya ni ysabelle bigla habang naglelesson si sir.

Umiling ako, " uuwi ako sa probinsya namin.' sagot ko rito, matagal tagal narin ng hindi ko makita sila papa at mama kaya gusto ko umuwi at mas fresh ang utak ko roon.

Wehh? sayang naman..alam ba yan ng manliligaw mo?." she asked.

Napatingin ako rito naguluhan ako saglit at mukang napansin nya yon.

Hindi alam ni axer?, grabe di mo ba sinasabi..saka bat ganyan ka makareact.." takang tanong niya.

W-wala..mamaya ko sasabihin." pagiiba ko nang topic dito.

Tumango-tango ito, "Totoo ba yung bali-balita na..." mahina niyang bulong sakin.

Kinabahan ako rito baka alam niya na agad ang tungkol kay christian.

Na...kasama ka daw sa birthday nang nanay ni axer?." tanong ni ysabelle.

Napatikhim ako don at nakaramdam ako nang ginahawa ng malaman ang tanong nito.

Oo.." maiksing sagot ko rito.

So totoo pala talaga...ang swerte mo hanggang ngayon di padin ako makapaniwala na isang Dave Axer Ferrer ang makakapansin sayo..." salaysay nito.

Pero magiingat ka ah.." pagbabanta nito saakin.

Napatingin ako rito at nakapakunot ang noo.

bakit naman." tanong ko dito.

Lumapit ito saakin lalo mukang ayaw niyang may makalaam na iba.

Sabi kasi nila freya na..may ibang gustong gusto na babae si axer." panimula nito.

Gusto na babae? wala pa naman akong nalalaman at walang sinasabi si axer tungkol dito.

kaya di sila naniniwala na ikaw ang gusto ni axer ngayon dahil ang alam ng lahat pinaglalaruan lang ni axer ang mga nakaraan niyang girlfriend at ganun din daw ang mangyayari sayo."  pagkwekwento nito.

hindi ko alam kung ano ang irereact ko dahil unang una palang deal lang ito at walang nabubuong feeling na para kay axer, alam ko kung anong klase na lalaki si axer di man sya tulad ng mga vergara na malalang lalaki talaga sa school pero alam ko may pagkaganon siya.

His Pretend GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon