Chapter 1

6 2 0
                                    

Zalix Diego

Looks like I'll be leaving Manila for good. Well, di mo talaga alam ang mga susunod na mangyayari sa buhay mo kahit gaano pa ito kaplanado.

Mom and Dad just filed a divorce. At heto kami ngayon ni mom, getting ourselves together para makabalik na sa province na pinagmulan niya.

I love my mom so much. Kaya siya ang pinili ko na samahan. Hindi ko kayang ipagpalit ang Mom ko sa pera o pamana ng Dad ko. While my ate is staying here. Hindi dahil mas pinili niya ang pera kundi sa kadahilanang gusto niyang mabago ang desisyon ni Dad at magkabalikan si Dad at si Mom.

Tumanggi kami noong una dahil alam naman namin na hindi mababago ang desisyon ni Dad. But ate Zalia insisted. Wala naman akong ibang magagawa kundi pumayag na lang. Hindi naman nagpapapigil 'yon. Isa pa, she's old enough. Alam niya na ang ginagawa niya.

"Zalix..." tawag sa' kin ni ate mula sa pintuan ng kwarto ko. "This will be a little cringe to say. But I will miss you. Hehe. Ate loves the both of you. Kailangan ko lang talaga maiwan to make sure that Dad is doing fine here. Sana maintindihan mo, na gusto kong magkabalikan si Mom and Dad."

Ngumiti ako kay ate.

"you don't need to worry ate. Naiintindihan kita." nakangiting sagot ko.

"Oh. And by the way, Zalix. Don't get too close to any Alfaro. They're dangerous."

"Ate naman!" angil ko. "Pati ba naman ikaw naniniwala sa chismis na 'yon? Ate naman... Bampira? 2020 na andami na nating napanood na mga vampire movies. Tas iaapply mo sa real--"

"Walang masama kung maniniwala ka... At mag-iingat... Iyon lang ang kaya nating gawin. Ang lumayo sa mga Alfaro..." napapahiyang sabi niya pero halatang sincere.

"Edi layuan mo rin ang mga Bernardo. Hindi ba pinag uusapan din ang Diego at Bernardo na may lahing werewolf ang mga Diego at matitrigger iyon sa muling pagkikita ng babaeng Diego at lalaking Bernar--"

"For pete's sake Zalix! Wala pa akong nakikilalang Bernardo sa tanang buhay ko."

"O edi hindi nga totoo. May nakilala ka na bang Alfaro?" ako

"wala pa. Hehe." siya

"Ako may kilalang Bernardo." ngising sagot ko. Namutla naman bigla si ate. "Kathryn Bernardo."

"Siraulo. Hahaha. Tara na nga." natatawang sabi naman ni ate.

Binitbit ko na ang ilang mga gamit ko at lumabas na ng kwarto ko. Bago ako makababa ay madadaanan ko ang opisina ni Dad. Lumunok muna ako saka nag umpisa ng maglakad. Habang papalapit ng papalapit sa opisina ni Dad ay kinakabahan ako.

Hanggang sa madaanan ko ito at mapalingon. Sakto naman na nagtama ang mga mata namin ni Dad. Napakunot ang noo ko at agad na umiwas ng tingin saka mahinahon na naglakad palayo. Ngunit nang nasa tapat na ako ng hagdanan ay bigla akong tinawag ni Dad mula sa likod ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sinful BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon