"Christaaaaaaa!" sigaw ko sa aking kaibigan na kasalukuyang hinihintay ako para sa aming pagpasok sa school
"Ugh! Pwede ba maaga pa para magingay Leila, bakit ang tagal mo?" iritableng singhal niya na halatang inip na inip na
"Pasensya na mah prend pinatulog ko pa si papa e"
"Did he hurt you again?" Tanong nya habang sumasakay kami sa kanilang sasakyan. Yayamanin talaga ang aking besty mala mansion ang bahay may mga kotse at perpektong pamilya. Nakikisabay lang ako sa kanila para di sayang pamasahe tsaka sabi ni Christa pwede naman akong sumabay
"Ano pa nga ba? Hayaan mo at nasanay nako hahaha" kunwaring masayang sambit ko
Wala nang sinabi pa si Christa at hinawakan nalamang ang aking kamay para ipakitang nandito lamang sya.
Matagal ko nang kaibigan si Christa napaswerte ko at ako pa ang naging kaibigan nya. Isa lamang akong mahirap na babaeng may lasinggerong ama at walang ina lumaki sa magulong bahay at sanay sa bugbog ng ama.
Nakilala ko si Christa dahil nawala sya sa aming lugar tinulungan ko sya dahil maraming basag ulo dito sa lugar namin. Sa una ay makikita mong mataray sya at nakakatakot lapitan nang una naming pagkikita ay nasungitan pa ako
Flashback
Habang pauwi ako galing sa iskwelahan ay may nakita akong babae na iika ika at parang nawawalang bata
"Miss anong meron bago ka dito ha di ko makilala ang mukha mo"
kay gandang anghel naman
"Goood! Nasaan na ba ako ano ba yan" tila naiiritang sabi niya
Nang makita nga ako ay kumunot ang noo nya
"Who are you?"
Binabawi ko na mukhang masungit
"Ako nga pala si Leila nawawala ka ba? Taga saan ka ba at tutulungan kitang makabalik"
suhestyon ko"Malay ko ba kung anong klaseng tao ka" may pag irap pang sabi nya
"Awww mukha ba kong hindi mapagkakatiwalaan"
"Oo"
Kita mo 'tong babaeng 'to
"Miss alam mo mabait akong tao ikaw na nga tinutulungan e bahala ka maraming mapanganib na tao na mukhang hayop dito" pananakot ko sa kanya habang nakangiti
Mukha naman syang natakot kaya alam kong papayag na yan
"Tara?" Tanong ko sa kanya habang nakalahad ang kamay. Tinanggap naman nya iyon at nagsimula nang maglakad
"Saan ka ba nakatira?" Pagtatanong ko sa kanya
"Sa Bueneventura villa" ako ay nagulat dahil alam kong para sa sobrang yayamang tao lang iyon bakit naman napunta ang isang ito dito
"Edi mayaman ka pala, bakit ka napunta dito?"
"Hinahabol kasi ako ng stalker natakot ako kaya kung saan saan nako tumakbo hindi ko alam anlayo na pala ng narating ko" paliwanag nya sa akin, natawa ako sa ekspresyong inis sa mukha nya
"Ahh ganda mo kasi kaya may stalker ka" banat ko pa
"I know im beautiful pero hindi nakakatuwa ang magkaroon ng isang creepy na stalker" may nakakadiring nyang sinabi
Habang naglalakad ay patingin tingin ako sa kanya
"Can you stop doing that?" Inis na bira nya
"Anong ginagawa ko? Tinitingnan kalang eh, ngayon lang ako nakakita ng kasing ganda mo" may sinseridad na sabi ko