02

0 0 0
                                    

Nakarating kami sa school at bumaba na sa sasakyan. Nagpaalam ako kay kuya Peter na driver nila Christa at tumuloy na. Hinabol ko pa si besty dahil nauna nang maglakad

Bastos talaga ito at hindi manlang nagpaalam

Same class kami ni Christa dahil mabait ang destiny. Pag pasok palang namin ay nakatingin na sila sa akin.

Nakakaloka naman ito hindi parin sila sanay na may hampaslupang nakapasok sa school nila at kasalukuyang kaklase nila. Ang sakit ng likod ko sa tulis ng tingin nila ha.

Tinitigan ko nalamang si Christa habang hindi pa nagsisimula ang klase. Nakahiligan ko na ito dahil sa ganda nya para tuloy akong lalaking inlove sa kanya hihi

"Stop staring" masungit nanamang sabi nito

"Ayaw" makulit na sabi ko at tinarayan nya lang ako haha

Nag ingay bigla ang klase na parang may dumaang napaka poging model- ay pogi naman pala talaga

Ano pa nga ba e pumasok na si Aries ang perpektong lalaking sobra ang kapogian at bigla kong sinulyapan ang nasa tabi ko

Ang mahal kong prinsesa na pilit na huwag tumingin sa crush nyang si Aries

"Hayys kinikilig nanaman" bulong ko sa tenga nya na syang pagbatok nya

"Aray sakit non ha"

"Shut up" kunwaring sungit nya pero kinikilig yan yieeee

Aries Vargaz richkid na pogi na crush ng bayan mapalabas man o loob ng school. Isa sa palihim na nagkakagusto sa kanya ang aking prinsesa

Mas pogi pako dyan

Di nagtagal at nagumpisa na ang klase

Ang boring

Nagsulat ako sa papel ko at pinasa ko ito kay Christa

Ang boring

Walang ekspresyong nagsulat sya dito at ibinalik sa akin

What do you want?

Natawa naman ako doon

I want you hihi jk gutom ako ih

Disgusting, listen in class we're eating later patay gutom

Ouch nasabihan pako patay gutom ha

Yes kakain kami mukhang masarap nanaman lunch ko wala pa naman akong pera nabili nanaman ng alak ni papa tss

I saw Aries at may nangungulit na babaeng mukhang color book ang mukha but ang ang mas lalong napansin ko parang nakatitig sya kay besty

hihi mukhang nainlove ito sa ganda ni Christa

Gwapo talaga si Aries perpekto lang ang hugis ng panga magandang labi mukha namang mabait at maraming nabibingwit sa ngiti nya. Alam ko kaibigan sya ng pinsan ni Christa na si Angelo.

Nakita ko na ng isang beses si Angelo nang minsang dumalaw ako sa mansion nila Christa mukhang masungit kaya di ko na nilapitan. Malaki talaga ang pamilya nila besty kaya marami syang pinsan

Alam ko nasa ibang bansa nag aaral si Angelo kaya di ko na maalala kung kailan kami ulit nagkita

Lunch na at excited akong naglalakad habang nakakapit sa braso ni Christa papunta kaming cafeteria at alam kong masarap ang food na bibilhin nya libre yon pre haha

"Wait me here" sabi nya at umalis para bumili ng aming pagkain

Habang naghihintay bigla akong nagulat ang may umupo na pogi dito sa harap ko

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 16, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Only YouWhere stories live. Discover now