"The Yee Peng festival or sometimes also written as Yi Peng, is a stand alone festival celebrated on the full moon of 12 month of the Thai Lunar Calendar, this is well known for its sky lantern"
"Wow" bulong ko sa sarili ko habang nakapa nga lumbabang naka titig sa presentation sa harap ng klase.
Ang ganda lang kasi nilang tingnan ng mga sky lanterns na sabay sabay nilang pinapalipad sa langit at nagmumukang bituin.
"Ma! Ma! " excited kong tawag sa mama ko papalabas ng mumunting kubong tinitirhan namin.
Bitbit ko sa kabilang kamay ko ang drawing ko na may markang VERY GOOD ni teacher!
Paglaki ko gusto kong maging artist, magdodraw lang ako ng mag dadraw hihihihi.
Nakita ko si mama sa may gitna ng malawak na kabukiran na may hawak na papel na may apoy sa loob at nakalutang.
"Wow" bulalas ko ng makita itong lalo itong kumikinang.
"Mama!!!" sigaw ko na nagpabaling sakin ng atensyon ni mama.
Sa mura kong edad alam kong si mama na ang pinaka maganda sa lahat.
Para syang isang dyosa, mahaba at manipas ang itim na buhok ni mama hindi katulad ko na kulot at kakulay ng lupa ang akong buhok, morena si mama , ako naman ay kasing puti raw ng snow na tinatawag nila. Matangkad at sexy ang mama ko, matangos ang ilong at mapupungay ang mga mata.
Nilingon nya ko at nginitian, lalo syang gumanda dahil humalo ang liwanag na nag mumula sa lantern na hawak nya na tumatama sa magandang at maamong muka ng mama ko.
Tumakbo ako ako at tatalon talon sa sobrang excitement ko na mapakita kay mama ang winawagayway kong drawing ko sa school.
Abot sa langit ang ngiti ko ng mga panahong yun
"Mama!mama! very go-aray!" Natapilok ako ng isang maliit na batong nadaanan ko.
"Chezzy!" Nabitawan ni mama ang lantern at bumagsak ito sa lupa at nakita ko ang unti unting paglamon ng papel sa apoy.
Tumakbo si mama papalapit sakin, lumuhod sya at kitang kita ko ang pag aalalal ni mama.
"Okay ka lang ba? Anong masakit?" Sunod sunod na tanong ni mama sakin habang chinecheck ang buong katawan ko.
Pero ako naiwan lang ang paningin sa nasunog na papel.
"Sayang ang ganda pa naman nun mama" malungkot kong sabi habang nakatingin sa papel na nasunog na.
Napahinto si mama ng bahagya at nilingon ang tinitingnan ko, napabuntong hininga sya.
"Chezzy" nakaluhod sya sa harap ko at pinakatitigan ako "okay lang yan,marami ka pa namang makikitang ganyan chezzy" nakangiting sabi nya sakin.
Napalitan ng excitement ang mga mata ko at nilibot ang paningin sa buong kabukiran kahit gabi na ay kitang kita ang ganda nito, kasama ang mga kulisap na sumasayaw kasama ang mga palay.
"Nasan mama! Gusto ko ding magpalipad nun!mama!" Excited kong sabi.
Natawa ng bahagya si mama.
"Chezzy" tawag sakin ni mama , tumingin ako sa kanya at sinundan ang itinuturo ng daliri nya sa langit.
"Marami sila dun"
Inaangat ko ang aking paningin.
At ng mga oras na yun nakita ko ang pinaka magandang tanawin at liwanag na nakita ko sa buong buhay ko.
BINABASA MO ANG
Night Lies
RomanceLeft by the loneliness of the Night , crowded by lies. "Eyes don't lie"