Kathang Isip

2 0 0
                                    

Ako si Shan, Mass Com student , 3rd year College at ito ang kwento ng buhay pag ibig ko.

Siguro nga sa dinami dami ng lalaki sa mundo, may isang taong nakalaan para sa atin? Pero bakit yung taong gusto ko, parang nabuo lamang sa kathang isip kong ito.

Tinanggal ko ang suot kong earphones. Huminga ako ng malalim.

Hayyyyy...

Ilang beses na at paulit ulit ko nang pinapakinggan ang kanta ng Ben and Ben na Kathang isip. Bagay na bagay sakin. Andami dami na naman nabubuo sa isipan ko. Andami daming bagay na gumugulo sakin.

"Oh ayos ka lang?" May lumitaw na mineral bottle sa harap ko.

Tiningala ko kung sino ang nag abot.

"Drei?"

Naupo sya sa tabi ko at kinuha ang librong hawak ko.

"Tapos na practice nyo?"

Tumango siya.

Si Drei. Kaibigan ko mula first year High School. Matagal na din pala kaming magkaibigan.

Pero tulad ng sabi ng karamihan, ang babae at lalaki ay hindi pwedeng maging magkaibigan lamang.

Mali sila.

Ang totoo ay pwede. Nasa akin lang ang mali. Nasa akin ang problema dahil ginawan ko ng sariling mundo ang mga kathang isip na ginawa ko para sa aming dalawa.

Pero hindi ko masasabing lahat yon kasalanan ko. Dahil simula pa lang bago kami magkakilala gusto ko na sya. Gusto ko na siya bago pa kami maging magkaibigan.

Nakikita ko lang syang nag lalaro ng basketball dati. Hindi ko nga rin alam bakit siya lumapit saakin nung araw na yon.

"Tulungan na kita" Lumapit siya saakin at kinuha ang dala kong mga libro galing sa silid-aklatan

Hindi ko inaasahang gagawin niya yon noong una niya akong nilapitan.

Simula noon, lagi na niya akong kinakausap. Masyado siyang madaldal para sa tulad kong isang tahimik na estudyante lang sa sulok.

Lagi kaming nagkokopyahan ng assignment. Minsan pa nga nahuli kami ng teacher namin sa Math noong Grade 9 na nag kopyahan sa quiz kaya nung uwian pinaglinis kami ng buong Gym.

Sobrang pagod kami nun pero alam nyo ba'ng ginawa namin pagkatapos?

Dinala nya ako sa isang Amusement Park malapit sa school namin. Pagod na pagod ako noong panahong yon pero nawala lahat nung nilibre nya ako at sumakay kami sa mga rides.

Isa yon sa mga hinding hindi ko makakalimutang ginawa naming dalawa.

Nung Grade 10, Birthday ko. Siya lang ang nagpunta sa bahay at may dala siyang regalo sakin. Hindi ko iyon inaasahan.

Binigyan nya ako ng aso. Isang Pomeranian. Napaka cute non at hanggang ngayon kasama ko pa rin sa bahay.

Naiinis din ako sa kanya non kasi sa tuwing magsusuot ako ng magagandang damit na pang babae inaaaway niya ako. Tulad noong nagkaroon kami ng Foundation week. Naisipan kong magsuot ng dress pero inaway nya ako dahil daw hindi ko bagay at sana daw nagpantalon na lang ako.

Ang suot niyang Jacket non ibinalot nya sa bewang ko saka ako binulungan na andami daw nakatingin sa legs ko.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

Ang mga gamit ko ay gamit na rin niya. Binigyan nya pa nga ako ng Jersey nya. Apat na yata iyon. Parang wala lang sa kanya. Kada Intrams kasi palaging nananalo ang team niya sa Basketball.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kathang IsipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon