SceneTulala lang ako habang naka sakay sa elevator ng hospital. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maalis sa isip ko si Canyx. Matapos nyang sabihin iyong kanina ay tumalikod sya at umalis ng walang paalam. He's so weird. Ano ba talaga ang pinag lalaban nya? Hindi pa ba talaga nya maintindihan ang mga sinabi ko?
Pero kahit ganon ay hindi ko sya maalis sa isip ko. Kapag naaalala ko ang mapupungay na mata nya bago sya umalis ay nakaka ramdam ako ng konting konsensya. Sobrang rude ba ng mga sinabi ko? Pero tama lang iyon. Tama lang na sabihan ko sya ng ganon para hindi ako mag mukhang tanga
Hanggang sa huminto ang elevator ay naka tulala pa rin ako. Kung hindi lang ako nabunggo ng isang babaeng papasok ay hindi ako babalik sa ulirat. Nag mamadali tuloy akong lumabas ng elevator para hindi ako mapag sarahan
Tsk... Nagugulo nanaman ang isip ko
Pumasok ako sa loob ng kwarto ni Allyson at nadatnan ko doon yung nurse na nag bantay kay Ally. Chinecheck nya ang BP ni Allyson at ng makita nya ako ay kaagad nya akong binati
Malapit ng mag alas dose at tinapagly lang ang kinain ko nung napunta ako sa bahay, hindi naman ako nakaka ramdam ng gutom kaya walang problema
" Ang sabi po ng doctor kanina Maam, umaayos na daw po ang lagay ng kaibigan nyo. Normal na rin po ang blood pressure nya at anumang oras ay magigising na sya" sabi sa akin nung nurse. Nginitian ko naman sya
" Talaga po? Salamat po sa pag bantay sa kanya" Sabi ko. Tumango naman sya at lumabas na ng kwarto.
Naiwan nanaman akong mag isa habang naka ngiting tinitingnan si Allyson. Napa lagay na ang loob ko dahil sa sinabi ng nurse. Allyson is already fine, gigising na sya anumang sandali at hindi na ako makapag hintay na mangyari iyon. Marami akong gustong itanong sa kanya kapag nagising na sya
Naalala ko nanaman si Canyx. Ano nga kayang ginagawa nya dito kanina? Hindi ba sya pumasok? At bakit naman? Bawat araw pa naman sa kanila sa school ay mahalaga dahil multi task sila. Sa pag papa-practice at pag aaral
Napailing ako. Bakit ko ba sya inaalala? Its he's choice. Hindi naman ako ang babagsak kundi sya
Wala akong ibang ginawa sa hospital mag hapon kundi ang manood ng tv at intindihin ang sinasabi ng doctor at nurse na pumapasok sa kwarto ni Ally. Naka usap ko na ang doctor at sinabi nito na ayos na daw ang bills ng hospital. Siguro ay inayos na iyon ng Dela Fuente kaya wala na akong bayarin
Medyo naka hinga ako ng maluwag doon. Nabawasan ng isa ang problema ko at ang lagay naman daw ni Ally ay umaayos na, konti nalang ay wala na akong poproblemahin bukod sa finals at pag hahabol ko sa mga lessons noong absent ako
Maya maya lang ay dumating na sila Yassy, Vei, Sav at Ash. Magkaka sama silang dumating at halos kasunod lang nila si Sierra, pero hindi daw sya mag tatagal dahil papasok daw sya sa Cafe, gusto pa sanang nyang bumalik ng gabi pero pinigilan ko sya dahil ilang araw na rin syang walang pahinga. Kaya ko namang bantayan mag isa si Allyson eh
Hinihintay ko ang pag dating nung dalawang myembro ng aphrodite pero walang dumating. Bakit ko ba sila hinihintay? Mabuti nga iyon at matatahimik ang buhay ko mula kay Canyx. Nakaka ilang kaya yung maya maya may naka titig sayo
" Kumain ka na ba Lia?" tanong ni Ash nung maka pasok sya. Tumango ako sa kanya
" Gusto sana sumama ni Aqkill pero may practice sila eh" Sabi ni Sav habang nilalapag ang pagkain sa lamesa. Tiningnan ko naman sya at nag hihintay sa isusunod nya " Hindi pumasok si Canyx kanina. Ang lungkot tuloy ng ibang babae"
Sabi na eh. Hindi nga sya pumasok. Nag absent ba sya para mabisita kami? At bakit naman kaya? Mukhang wala naman syang importanteng sasabihin dahil umalis sya kaagad eh

YOU ARE READING
Seems Like We're Connected (On Going)
RomanceLia Monteverde is just a simple college girl living with a small dormitory.She's Living her life with no hassle, no drama and no sweats. 15 years old ng mamatay ang mama nya na mas lalong nakapag pa lakas ng loob nya na tumayo mag isa. Everything wa...