Kabanata 18

14 1 0
                                    


His Obsession

Naka upo lang ako sa canteen habang nasa harap ko ang tatlo. Wala si Ash dahil pinatawag ulit sya para sa practice. Ang daming nag sosorry sa akin dahil sa nangyari pero wala akong ibang ginawa kundi ang tanguan at ngitian sila

Ang dami daming tanong sa akin nang apat na kaibigan ko pero hindi ako ganong maka sagot ng maayos dahil inaalala ko pa rin ang nangyari kanina. Matapos mailabas si Liezel ng Avr ay mabilis na lumabas din si Earl para sundan ito. Naiwan akong naka tayo sa harap hanggang sa hatakin na ako ni Vei

" Hey can we sit here?" Nag angat ako ng tingin sa nag tanong. It was Aqkill. Kasama nya si Canyx ngayon na nasa cellphone ulit ang atensyon. Nasa likod din sila Skyler, Klex at Liam

Bakit dito pa sila uupo? Wala na bang bakante?  Napupunta nanaman tuloy ulit sa amin ang atensyon nila tsk. Tapos na eh

" Uhh sure? " nag dadalawang isip na sagot ni Sav. Tumango naman si Aqkill at naupo na sila sa harap namin. Malaking table naman ang napuntahan namin kaya nag kasya kami

Umupo sa harap ko si Canyx pero hindi nya ako tinatapunan ng tingin. Nag pipipindot lang sya sa cellphone nya habang seryoso ang mukha

"Kailan mo pa nalaman ang tungkol doon Lia? " Tanong ni Aqkill sa akin pagka upo nila

Uminom ako sa juice na nasa harap ko bago ko sya tanungin " Tungkol saan? " tanong ko din sa kanya.

Napa pout ito at nag salita ulit " Yung tungkol sa nangyari kay Allyson" aniya. Nalinawan ako kaya tumango na ako

" Remember the day na naabutan nyo ako sa hospital kasama sya?" Tumango sya sa tanong ko " He tell me everything about it, ayaw nya lang na ipasabi sa inyo" Paliwanag ko 

Nakikinig lang sa amin yung tatlong member ng aphrodite samantalang wala namang pakielam si Canyx sa pinag uusapan namin. Napailing ako ng dahil doon

" Saan kayo nagpunta kahapon pala? Ibig sabihin hindi sa cafe ang punta nyo non? " Takang tanong din ni Yassy. Umangat ang tingin sa amin ni Canyx at tiningnan ako na parang nag hihintay ng isasagot ko

Why? You interested? 

Umiling ako kay Yassy at uminom ulit ng juice " Dinala ako ni Earl sa bahay nila Liezel. Kinausap namin yung parents niya don" sabi ko. Nakita ko ang pagka amaze sa mukha ng tatlong kaibigan ko

" Ibig sabihin kilala talaga ni Earl si Liezel? " Napayuko ako sa tinanong ni Vei. Naalala ko nanaman ang mukha ni Earl kanina habang kinukuha ng mga doctor si Liezel. I see guiltiness in his eyes pero wala syang magawa

Sa ngayon ay hindi ko alam kung nasaan na ba sila.

" Oo. Earl and Liezel was bestfriend" Iyon lang ang tanging naisagot ko. Hindi ko na rin ibinunyag sa kanila ang one sided na pagka gusto ni Earl kay Liezel. I think that was too private

Ang dami dami pang naging tanong nila sa akin tungkol sa sakit ni Liezel at kung ano daw ang reaksyon ng parents nya sa ginawa namin sa kanila. Takang taka pa rin sila hanggang ngayon sa nangyayari at gulat na gulat. Kilala talaga si Liezel sa school bilang inosente at may maamong mukha. Walang sino man ang nag aakala sa kanya na gagawa sya ng kasalanan, kaya nung pinapa amin namin sya... Inaway pa nila kami

Lumingon ako sa nasa harap ko. Hindi nya ako tinitingnan. Nasa pagkain ang tingin nya, siguro ay nakikinig din sya sa usapan namin pero hindi naman sya lumilingon. Seriously.. What is his problem? Is he mad at me? Sobrang harsh ko ba talaga kahapon sa kanya? 

I just said what I feel. He's just over reacting, ngayon lang ba sya nasabihan ng ganon?

Maybe not... Baka hindi naman siguro dahil sa akin kaya sya nag gaganyan. Baka broken hearted

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 12, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Seems Like We're Connected (On Going) Where stories live. Discover now