CALHEA'S POV
Unang kita ko pa lang sa kaniya ay nakaramdam ako ng kakaiba, hindi ko alam kung bakit pero hindi ko na masyadong pinansin, siguro dahil isa siyang pulis pero pinaliwanag na naman ni Dave na mabait at kakilala niya pa ito kaya nabawasan ang pag-aalinlangan ko .
Kamukhang - kamukha siya no'ng Jixon, talagang may lahi nga sila dahil sa angking kakisigan ng mga ito hindi gaya nang kay Dave na pinoy na pinoy ang kakisigan.
" You okay?, ' tanong niya habang deretsong nakatingin sa daan. Lumingon ako at tumango sa kaniya na nag-aalinlangan na nakapagpatawa sa kaniya ng mahina. " I understand ... na medyo nag-aalinlangan ka sa 'kin dahil iniisip mong kasabwat nila ako but you have to trust me, Miss Calhea. " Napaiwas ako nang magtama ang paningin naming dalawa. " I will make this case in a short process para na rin sa kaligtasan pa ng iba mong mga kasama na naiwan do'n. " Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa tuwa sa sinabi niya.
'An hour ago '
Tumigil kami sa isang malaking gate na kulay pula na agad itong bumukas para makapasok ang sasakyan. Mahabang pasilyo ang binaybay bago makarating sa mismong bahay. Sa gilid nito ay may fountain na pinaliligiran ng isang garden.
May lumapit na isang matandang babae na nakadamit na pantulong ngunit sinenyasan niya ito para hindi maituloy ang gagawing pag-aasikaso sa amin. Inalalayan ako ni Daxon na makababa sa kotse.
Hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa kaniya. Nahihiya ako. Mas lalo na sa suot ko ngayon.
Inalalayan niya ako hanggang makapasok kami sa loob ng bahay.
"Mabait nga pero huwag pa rin pakampante. "
" Lucita, asikasuhin mo muna si Callhea may tatawagan lang ako. " Lumingon siya sa akin saka tumango at tuluyang lumabas ng kusina.
Habang nagluluto iyong katulong ay naiuli ko ang aking mata sa kusina na talagang malawak. Triple nito ang laki kung pagbabasehan sa aming kusina. Maayos ang pagkakapatas ng mga baso, tasa, plato at iba pang mga gamit. P'wedeng - p'wede ka rin manalamin sa linis at kintab ng mga gamit dito. Maya-maya pa ay bumalik na si Daxon mula sa hindi ko malaman. Nakangiti siyang pumasok na ikinaiwas ko ng tingin dahil nahihiya ako.
" We are going to settle this case, Miss Callhea, " umupo siya sa tabi ko kasabay nang paghahain ng mga katulong ng pagkain sa mesa. " May inihanda lang kami na ilang mga katanungan but now you have to take a rest muna, Miss Callhea. "
" Callhea na lang po, Sir. " Naiilang ko pang aniya na ikinatawa niya ng mahina.
" Okay then. " Nilagyan niya ng pagkain ang aking plato saka muling pinagpatuloy ang sinasabi. " Call me Daxon instead Sir. It seems awkward to me. " Awkward? Parang ako yata ang dapat na ma-awkwardan sa pagtawag niya sa akin ng Miss Calhea, e.
Matapos naming kumain ay inihatid niya ako sa kuwarto na gagamitin ko. Ipinaliwanag niya rin na nasa California ang kaniyang mga magulang at si Jixon ay nasa galaan pa.
Matapos niya akong i-assist ay nagpaalam na siya na babalik na sa kaniyang kuwarto dahil may kakausapin pa siya tungkol sa interview ko bukas, sa ngayon ay magpahinga na muna daw ako.
Kinaumagahan ay agad akong naghanda ng sarili saka hinintay si Sir Daxon sa loob ng kuwarto . Mga ilang oras ay may pumasok na katulong at inihatid ako sa isang kuwarto na puno ng libro na malamang ay library. Naabutan namin na nag-uusap si Sir Daxon at ang dalawang lalaki na nakauniporme na pang-pulis.
BINABASA MO ANG
10,000 HOURS
Romance"The best use of life is love. The best expression of love is time. The best time to love is now."