Chapter 2

9 1 0
                                    

"WAIT kuya, let me rest."

Tumigil ako sa pagtakbo at natatawang lumapit kay arostin. Hirap na hirap niyang hinuhubad ang sandong suot kaya tinulungan ko na ito.

"I can't breath. Do you have some water?"

"I don't. But i can buy for you."

"No need." Aniya ng mahinhin na boses galing sa likod ko. Mabilis akong lumingon. Deretso siyang nakatingin sa kapatid.

"Come here, baby."

Napakagat ako sa labi ko.

"Ate, i'm so thirsty na."

"Here." Abot niya sa tumbler.

Humawak ako sa bewang ko habang nagpupunas ng pawis. Yumuko siya para mapantayan ang kapatid. Pinunasan niya ang likod nito. Dahil sa lapit ng pwesto namin sa isa't isa, malaya kong napagmamasdan ang itsura niya. Beautiful black eyebrows, pointed nose, sharp jaw, double eye lids, her brown eyes looks so beautiful because of the sunlight. Even her face is glowing. Mukhang alagang-alaga at walang makikitang pores ni isa.

So pretty.

Paniguradong marami ng lalaki ang nanligaw sa kanya. Sigurado rin akong maraming naghahabol sa kanya ngayon. Ang ganitong mukha, malalaman mo rin na lapitin ng disgrasya. Hindi ko nga mawari kung may lahi siya o ano. Ang englishero kasi ng kapatid niya, tapos siya, pinong-pino ang pananalita ng tagalog. Pero hindi ko na dapat pang-isipin iyon dahil ang gusto kong malaman kung may boyfriend ba siya. Imposibleng wala eh.

"Kuya, let's play again!" Napatigil ako sa pag-iisip nang maramdamang may yumakap sa hita ko. Nagbaba ako ng tingin kay arostin.

"Sure." Sabi ko habang nakangiti.

"That's enough." Bumaling ako kay sinteza. Hinawakan niya ang palapulsuhan ng kapatid. "Let's go home."

"No!"

"Arostin," Nagbabantang aniya. Pati ang pananalita niya ay napakahinhin.

"'Yaw ko. I still want to play with kuya pa."

Sumulyap siya sa'kin. Naconscious naman ako bigla kaya nagbaba ako ng tingin. Putragis.

"H'wag matigas ang ulo. Tara na."

"I still want to play pa nga eh!"

Nakita kong huminga siya ng malalim. Halatang nagtitimpi. Umupo ako para pantayan ang mukha ni arostin na nakasimangot ang mukha sa ate niya.

"You wanted me to teach you how to shoot a ball, right?"

"Yeah."

"I can teach you tomorrow."

"Why tomorrow if we can do it right now?"

Napanganga ako.

"Arostin!" Suway ng ate niya.

"Just kidding hihi. Okay po. Tomorrow na lang."

Psycho kid.

Kumaway siya sa'kin habang karga-karga ng ate niya hanggang sa makapasok sila sa gate ng bahay nila. Umakbay si paul sa akin.

"Mukha atang masungit, tol."

"Ganyan naman lahat ng babae. Siguro ay talagang nature na nila 'yon." Hinubad ko ang sando ko pagkatapos ay pasalampak na umupo sa batong upuan.

ALMOST Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon