Ma, anong oras na?" aanga-angang sabi dahil kulang pa ako sa tulog. ano ba naman kase tong utak na to, nocturnal. kakalabas ko lang galing sa kwarto nakapikit papunta sa kusina. nakapunta ako ro'n ng nakapikit. amazing talent jp!
"5am palang jayp. halika umupo ka kumain ka muna bago ka pumunta sa school mo. maaga pa naman" sambit ni mama
pumayag na ako kase minsan ko lang nakakasama sa hapag. mahirap pag in-demand ang magulang sa propesyon nila. syempre mahirap rin sa part nila kase sila nagtatrabaho pero ginagawa nila yon para kumita at makatulong sa ibang tao.
6:30am na di pa rin ako nakakasakay ng jeep. well, kasalanan ko naman. kung di ko sana nabunggo yung kotse ko before, edi sana matiwasay akong bumibyahe papunta sa eskwelahan. hindi ko naman kase sinasadya yun mga boi. ganto kase yon, the day after graduatin namin no'ng senior high eh nag inuman kami sa R. Magsaysay. di ako lasing, tipsy lang tapos puta nag dire-diretso ako sa gutter ng sidewalk at nabunggo sa isang wall kaya ayon, di na ako pinapadrive ng kotse.
"bro meron ka bang extra pencil dyan? pahiram naman ako, wala akong dalang sharpener e." tanong ni gabriel.
"ako rin bro pahiram rin." pahabol ni laurenz.
"isa nalang staedtler ko dito. stabilo na ang natira. bahala kayo mag agawan kungg kanino ang staedtler." sambit ko at ibinigay ko sa kanila yung dalawang lapis pero puta nag agawan yung dalawa habang nasa kalagitnaan ng quiz.
"the four of you, get out!" pasigaw na sambit ng prof kaya sinunod na namin. nagtawanan pa kami imbes na mainis sa isa't-isa. kawawa naman si francis, walang kaalam-alam sa mga nangyayari e nakasama siya sa pinalabas. sayang daw score sa quiz HAHAHA
papunta na ako sa kakainan naming walo along a.ave dahil lunch time na, gutom na ako. puta.
papasok na ako ng makita kong papasok rin si alianna sa kainan."alianna! anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"edi kakain. obvious ba?" iritang sambit niya. ba't ba pag nakikita niya ako eh iritang-irita siya? pero pag tumatagal nawawala ang pagka irita niya. crush niya ako? assuming ka jp.
"sino kasama mo dito?" seryosong sambit ko.
"sila shaira, ayun oh!" tinuro ang table ng mga bestfriends ko.
"anak ng tupa!" biglang sabi ko dahil pota kala ko ba kami lang walo, haynako
"minumura mo ko jp?" seryosong tanong niya.
"Puta ang sabi ko, i mean Tupa!" ano ba yan jp.
"oh andito na pala kayo, sabay pa!" sambit ni shaira kaya pagkatapos namin umorder e umupo na kami sa bakanteng upuan.
"pakilala ko pala sa'yo mga bestfriends ko. si Antoinette, si Hannah yung isa pang kasama ko no'ng nag mall tayo, si Vianca na Accountancy student, si Marian, si Kate na photographer at editor namin, at si Kim." sambit ni shaira.
nag beso-beso silang lahat.
"ang kaisa-isang bestfriend pala namin na lalake, si jp" pagpapakilala sakin ni Kim.
"wait may sasabihin ak---" di natuloy dahil sabay naming sinabi iyon ni alianna at nagkatinginan kami.
"sige na ikaw na mauna, ladies first."
"ikaw na, ikaw ang bestfriend" sagot ni alianna.
"oh ba't parang kinikilig kayo?" tanong ko sakanila. abot langit ang mga ngiti akala mo nanonood ng teleserye.
BINABASA MO ANG
Chasing Stars
RomanceSaksi si bathala sa mga pinag daanan ko sa buhay. Oo, maraming bagay ang sumagi sa utak ko pero hindi ko ginawa dahil alam ko na lahat na masamang nangyayari sa buhay ko eh may kapalit na masaya't hindi malilimutan na alaala. I can be the strongest...