Gabing walang liwanag ang buwan.
Saksi sa walang humpay na ulan.
Habang nakatunghay sa walang hanggang kadiliman.Umaasang magmamaliw ang sakit na nararamdaman.
Katulad ng liwanag na labin-dalawang oras lang kung magdaan.
Nais kong kalimutan ang masalimuot na nakaraan.Balat na takot sa sinag ng araw.
Katawang sanay sa sakit at ginaw.
Matang namumungay pagkat silaw.
Nakakakita kahit walang tanglaw.Ang kawawa kong kaluluwa,
Gutom sa pagmamahal at pag-aaruga.
Dilat nga ang aking mga mata,
Ngunit itim lang ang nakikita.Mga matang dati'y may liwanag.
Sa dilim ay hindi na maaninag.
Damdaming hindi maipaliwanag.
Walang balak ipabanaag.Ano ang kulay pagkatapos ng itim?
Dilaw, puti, asul, o pula.
Mga kulay na may itinatagong lihim.
Gustong matuklasan ng aking mga mata.
BINABASA MO ANG
After The Black
PoetryWrite-a-thon Challenge An Ode for you, (ONE-SHOT) #AgosTula #WattpadAThonChallenge #Tagalog #Tula #WattpadAThonChallengeWinner2020