PROLOGUE

70 10 2
                                    

"Chavez, Chandria Kylie, daughter of Mr. & Mrs. Chavez, Bachelor of Science in Business Administration, Major in accounting, Cumlaude"

I went up on stage when my name was called, to greet the hands that are waiting and to receive the medals and certificates that I got because of my hardwork, diligence and persevere in studying.

Halos lahat ng kasamahan ko sa course na kinuha ko ay nagsipalakpakan nang marining nila ang pangalan ko.

I was looking and smiling to those people who supported me, which is why here I am, standing in front of them. "KAIBIGAN KO YAN !!!" sigaw ni Szen, one of my truly bestfriend. Wala si Den ngayon eh, busy. Baka next time nalang kaming tatlo magce-celebrate.

Pero habang nililibot ko ang mga mata ko, nakita ko ang taong naging dahilan din ng minsang pagbagsak ko. He's standing behind of many people, clapping his hands while looking and smiling at me.

He's wearing a black v-neck shirt, black pants, black sneakers and holding a white cap. "I'm so proud of you..." he mouthed, and gave me a thumbs up.

Kusang tumulo ang luha mula sa kaliwang mata ko, hanggang sa nagtuloy tuloy na ang pagpatak ng mga ito. Tumingin din ang mga magulang at kaibigan ko sa parehong direksyon na tinititigan ko, pero umalis agad siya, suot suot ang kaninang sumbrero na hawak niya.

Nagmadali akong bumaba ng entablado hindi para sundan siya, kundi para dumeretso sa upuan ko at pakalmahin ang sarili ko.

After 3 years, ngayon ko pa talaga siya ulit makikita ? Nananadya ba talaga ang panahon ? Sa mismong graduation day ko pa talaga ? Sa harap ng maraming tao ? Bakit ngayon pa ?

Akala ko ba okay na ko ? Pero bakit nung nakita ko siya ulit, ansakit sakit ? Pero wala e, nandito na siya.

Jameson Darnell Cortes

Lalaking iniyakan at minahal ko ng sobra, ni hindi ko alam kung bakit nagpakita pa siya sakin pagkatapos lahat ng ginawa niya. Ang kapal lang, tss.

"Nak, ayos ka lang ?" si mama. "bakit ka umiiyak, ano bang meron sa likod kanina ?" "wala yun ma, napuwing lang ako, lakas ng hangin ehh" sinabayan ko pa ng pekeng tawa para maniwala sila.

Natapos na ang graduation ceremony at nagpi-picture taking nalang kami ngayon sa stage.

"Isa pa, Drea !! Kayo naman ni Szennaiah, last na to para may kuha kayo, game, one, two, three !!" saka ni-click ni ate yung camera, maya maya unti-unti nang lumabas yung film ng instax ko. Ilang minuto na ang lumipas at hindi parin lumalabas ang larawan. "BAT KULAY ITIM ?!?!" pagrereklamo ni ate Jana. "Isa nalang talaga, para din naman sa remembrance niyo to HAHAHAHAHA" "Ang engot mo naman kase kumuha e, sayang yung film ko !!!"

Umupo ako sa malapit na benches habang hinihintay namin yung susundo sa amin. Nauna nang umalis sila Szennaiah dahil magche-check in daw sila sa hotel para doon sila magcelebrate kasama yung buong pamilya niya, maliban sa papa niya.

"Oh tubig, baka uhaw na uhaw ka na e"

"KUYA !!!" napatalon ako sa sa sobrang excite ko ng makita ko siya !!! "akala ko hindi ka na makakaabot e, well tapos naman na yung ceremony, pero pwede ka pa makasama sa dinner !!!" "syempre, promise is a promise diba ? Ex mo lang naman yung nangako sa'yong di ka niya sasaktan pero di niya tinupad, HAHAHAHAHA" pang-aasar niya.

Ang alam nilang lahat, e naka move-on na ko, kaya okay lang na pag-usapan namin yung topic na yun. Pero dahil sa pang-aasar niya, naalala ko ulit si Jameson.

'Nandito pa kaya siya ?'

"hoy, tara na, nagreserve na ko ng table sa malapit na restaurant, para mabigay ko na din yung graduation gift ko sa'yo. Congrats ulet haaaa" sabi ni kuya. He kissed me on the side of my head, at saka niya ko inakbayan habang naglalakad kami papunta sa sasakyan niya.

Pagdating sa table, may inabot sakin si kuyang box na color baby pink, na meron pang color white na ribbon.

"wooooow, ano kaya to ?" inalog alog ko pa yung box, pero bigla akong binatukan ng kuya ko "wag mong alugin, abnormal" "apaka brutal mo naman !? Kelangan mamatok, ha ?" Tinawanan niya lang ako. "anong gusto mo dito ?" tanong sakin ni ate, saka niya binigay yung menu. "Uhm, tempura along with onigiri and California maki please. Oh and also add the takoyaki, hehehehe" "ang arte mong magsalita sarap mo sungalngalin" reklamo ni ate, saka ako inirapan

Sarap talaga neto pikunin eh, hahaha.

While waiting for our orders, suddenly a group of familiar boys entered the reastaurant. At sa likod pa talaga namin ang napili nilang puwesto.

Maya-maya, pumasok din sa restaurant sila Axel at Darren. Ano ba naman to ? Sunod sunod talaga ? Nakilala siguro nila tong pagmumukha ko, "uuyyy, Chandria !! Congrats ah, sa susunod na grad gift ko sa'yo hahaha, buti naman okay ka na ngayon. Successful ka na !!!" -Darren, andame niyang sinabi. "congrats, Chandria" -Axel.

Mga barkada sila ni Jameson. Well, sa dami ng tropa niya, silang dalawa lang yung malapit sakanya, madalas niyang kasama at masabihan ng problema.

Naalala ko na naman tuloy si Jameson, alam kaya nila na nakabalik na siya ?

-----

It was only just a dream.



**ALLYSZXC

A Love To Last (Adoring Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon