"Since this is the first day of this school year, may I request everyone to introduce him and herself in the front, Starting at the back !"
Our class adviser said. At dahil sa likod ang start, mauuna kaming tatlo nila Szen at Den !!! "Miss Collins, please proceed at the front."
"Good morning everyone, my name is Trixia Denniese Collins, I'm 13 years old. I'm an old student here at FIS since I was in grade 5"
"Good morning sir, good morning classmates, I'm Szennaiah Bianche Castillo, 14 years old, an old student in FIS since grade 3"
"Hi ! I'm Chandria Kylie Chavez, 13 years of age, have stayed in FIS for 9 years"
And the introducing goes on. Hanggang sa tawagin na yung transferee. "Mr. Cortes, you may now introduce yourself, please come in"
"I'm Jameson Darnell Cortes, 13 years old." at dahil sa tabi ko walang nakaupo, doon siya dumeretso. Nilapag nya yung bag niya sa sahig, saka siya umupo ng matuwid. Kahit hindi naman siya ganon kalapit sakin, amoy ko parin yung pabango niyang panlalaki na napakabango pero 'di naman matapang.
He's wearing a civilian attire, plain white Tshirt, pair of black pants, and a converse sneakers. Medyo mahaba yung buhok niya sa harap, nasa gilid yung hati ng buhok niya, kulay dark brown yung mata niya, mahaba at makapal ang mga pilik mata, makapal ang kilay, medyo katangusan ang ilong at may mapupulang labi.
"huy, matutunaw yan" bulong sakin ni Szen, nakaupo siya sa gitna namin ni Den. "sira, tiningnan ko lang." "tingin pa pala yun ? Kala ko titig" then I made a face, 'di ko naman talaga tinititigan.
Yes, now I'm on my 9th grade, pero naka-experience na ako ng MU or Mutual Understanding na yan nung first year high school palang ako.
Nakalimutan ko na din kung pano kami naging ganun kaclose, Brent Andre Pangilinan was his name. Maraming babae din ang nagkakagusto doon kahit hindi naman siya kagwapuhan, and siguro kaya maraming nagkakagusto sakanya kasi, mabulaklak siyang magsalita, pafall nga lang.
Tagal naming naging mag chatmates, tas malalaman kong iba pala yung gusto niya ? Amfff.
So totally, hindi pala kami naging mag MU. Pero okay lang yon, pake ko sakanya bata bata ko pa nun e.
"Drea, tara na sa canteen !!" sigaw ni Den mula sa pintuan ng classroom, kala mo naman taga bundok. "susunod ako, ayusin ko lang gamit ko." "dalian mo na, una na kami ni Szen ha ?"
Binilisan ko na yung pagliligpit ng gamit ko, pero dahil sa pagmamadali, nahulog yung libro ko, pero may nauna saking nakapulot. Tiningnan niya muna yung pangalan ko na nakalagay sa harapan ng libro. "Chandria Kylie Chavez ? Wow, pangmayaman" he said, with a small smile and gave my book back.
"Jameson," pagpapakilala niya, nakikipagkamay, "Drea. Chandria, Drea for short, hahaha sorry ang gulo" nahihiyang sabi ko, juskolord, kulang nalang mabulol na ko sa sasabihin ko. "nice to meet you, Drea, Chandria, Drea for short" then a small smile formed on his lips. Nginitian ko din siya, "saya ka ?" "slight, hahahaha" de wow dame niyang alam. "punta ka sa canteen ? Sama ako" sabi niya.
Dahil baguhan naman siya, hinayaan ko nalang. "ang lawak naman pala dito" biglang sabi niya, "ayaw mo non ? Char." di ko alam kung ano ba yung tamang salita na dapat sabihin !!!
"Drea dito !!" pagkaway ni Szen. Dumeretso ako sakanila at sumunod naman sakin si Jameson. "what's the meaning of thizzz ? Ikaw babaita ka nabingwit mo agad" bulong sakin ni Den. Palihim ko siyang kinurot sa tagiliran niya "sira ka talaga, wag kang maingay baka marinig ka."
BINABASA MO ANG
A Love To Last (Adoring Series #1)
Teen FictionChandria Kylie Chavez is a hardworking student, her education is more important than anything else, because this is what her father wants for her. She has two close friends, Szennaiah Castillo and Trixia Denniese. She was also a loving daughter and...