"Hey babe, let's go?" Aya ko agad sakanya pagkalabas nya
ng bahay.
Ngumiti sya sakin saka tumango"tara.."
Hinawakan ko ang kamay nya at sabay kaming naglakad papunta sa kotse ko na nakapark sa tapat ng bahay nila.
.
.
.
.
.
Pagkarating namin sa Nature Park ay magka-hawak kamay kaming pumunta sa dulo ng Park na ito kung saan kita ang pag lubog ng araw.Pagkarating dito sa dulo ng park ay kita agad namin ang araw na halos kalahati na lang ang kita.
Umupo sya sa damuhan at sumandal sa puno, ngumiti sya sakin na sinuklian ko naman agad ng matamis na ngiti. Tinap nya iyong lap nya atsaka nakangiting tumingala sakin.
"Higa ka dito."aniya ng nakangiti.
Sabay na lamang kaming natawa at wala naring nagawa kundi humiga rin sa damuhan at ginawa kong unan ang lap nya.
Nakangiti naming tinanaw ang paglubog ng araw. Naramdaman ko ang mga daliri nyang humaplos sa buhok ko. Napapikit ako sa sarap ng dulot nyon sa pakiramdam ko.
Tiningnan ko sya pero seryoso nyang tinititigan ang mukha ko na para bang minememorize ang bawat features ng mukha ko.
"Bakit?" Tanong ko sakanya
"Wala, ang gwapo mo kasi" tugon nya at tumawa ng bahagya saka hinalikan ang noo ko at muling tumingin sa araw. Nanatili ang daliri nyang humahaplos sa buhok ko.
"Alam mo?" panimula nya ng nakatitig sa papalubog na araw. "Simula nung niligawan mo'ko hanggang sa sinagot kita...nabago yung mga gusto kong mangyari sa buhay ko" pagpapatuloy nya, nanatili naman akong nakikinig "dati ang buong akala ko walang magkakagusto sakin, walang ni isang lalaki ang balak manligaw sakin, kaya ang pangarap ko nun simple lang" at tumawa sya na animo'y naaalala ang dati nyang pangarap, bumaling sya sakin "alam mo ba kung ano?" Tanong nya, umiling lamang ako "maging babysitter" aniya at tumawa nanaman kaya natawa ako.
"Bakit naman babysitter?" Natatawang tanong ko.
"Eh kasi nga diba? Akala ko walang manliligaw sakin" paliwanag nya kaya natawa ako.
"Eh bakit mo naman kasi naisip na walang manliligaw sayo?" Tanong ko, natawa naman sya.
"Kasi simple lang ako 'di tulad ng ibang babae na pormadong pormado talaga ang suot samantalang ako naka leggings at t-shirt lang with flat shoes hahaha" sagot naman nya kaya napa seryoso ako bigla.
"B-bakit?" Tanong nya bigla.
"Dahil sa itsura mo kaya naisip mong walang manliligaw sayo?" Umismid ako sakanya at umupo sa tabi nya, hinawakan ko ang kamay nya at napatingin naman sya doon.
Malapit ng lumubog ang araw.
"Ako kasi hindi ako tumitingin sa itsura, tsaka wag mo'ko itulad sa ibang lalake jan! Tss mataas ang standard ko sa babae" hinawakan ko ang magkabila nyang pisnge at hinalikan ko ang noo nya "kasi kung sa porma lang naman..psh pasado kana sakin" sabi ko at ngumiti sa kanya ng nakakaloko.
Hinampas nya ang braso ko.
"Bitaw nga! Hahaha" at tumingin ulit sa araw na ngayo'y halos wala ng makita. Niyakap ko sya at saka tumingin din doon.
Tumingala ako sakanya at pansin kong naging seryoso ang mukha nya. Bigla ay kumalabog ang puso ko.
Bakit kinabahan ata ako?
"Jupiter..." pagtawag nya sa pangalan ko, tiningnan ko sya "aalis na ako" aniya.
Nabigla ako bumaling sya sakin pero hindi ko nagawang makapag salita ni gumalaw man lang. Parang hindi ata nag proseso sa utak ko ang sinabi nya.