CH2

130 12 0
                                    

ANATASYA POV

FLASHBACK

alas tres ng hapon habang naglalakad ay napansin ko sa di kalayuan ang isang park.

Sa ganda nito ay agad nyang nakuha ang atensyon ko kaya walang ano ano ay nilapitan ko ito.

maraming puno sa paligid at bakante naman ang gitna.napakalinis ng lugar at ramdam na ramdam ko ang napakasariwang simoy ng hangin.

napapikit ako nang muling umihip ang malakas na hangin kasabay nang pagbalik ng isang masakit na alala sakin.

1 buwan na ang lumipas nang iwan ako nya.isang buwan na ang lumipas munit sa tuwing bumabalik sa isip ko ang pangyayari ay para bang sariwang sariwa pa. para bang kahapon lang naganap ang isa sa masakit na alala.

Nandoon pa din ang sakit.sa tuwing aking inaalala ay hindi ko maiwasan ang manghinanakit.

paanong nagawa nya akong bitawan nang ganun ganun lang,3 taon?3 taon ang kanyang sinayang,dahil lang sa hindi malamang dahilan.....

Agad kong pinunasan ang mga luhang hindi ko namalayang kumawala,mula sa matang ilang linggo na ding namamaga.

mula nang nangyari yun ay puros paghikbi na lang ang nagawa ko.sinubukan ko syang hanapin pero sadya atang mapait ang tadhana sa akin,dahil ilang ulit ko mang hilingin at ipanalangin, hinding hindi talaga kami pagtatagpuin.

maybe where not meant to be?maybe he's not the one that i deserve?maybe pinagtagpo lang kami pero hindi tinadhana.

ganun naman yun diba?sabi nga nila may mga tao na dumating lang sa buhay natin para mag bigay lang ng lesson sa atin.

masakit man pero yun ang pilit kong itinatak sa isip ko,para kahit papaano ay mabawasan ang sakit na dulot nito.

dahan dahan kong minulat ang aking mata at hindi ko inaasahan ang aking nakita.

Ang taong nasa isip ko lang kanina ngayon ay nasa harap ko na.

hindi mismong harap dahil may ilang dipa ang layo nito at nakatagilid sya sa gawi ko.

munit kahit sideview nya palang ay kilalang kilala ko na,ang matangos nyang ilong ang mahaba nyang pilikmata lahat ay tanda ko pa.

Muling bumalik ang kakaibang sakit sa aking dibdib,kasabay ng matang nagiinit,dahil nagbabadja itong maglabas ulit ng tubig na puno nang hinanakit.

...its still hurts...

dahan dahan kong hinakbang ang mga paa palapit sa kanya,munit hindi pa nakakalapit ay sumilay na ang kakaibang kislap sa kanyang mga mata.

sumilay ang kakaibang ngiti sa kanyang mga labi,animo'y sa kanyang nakikita ay nabibighani.

Dahan dahan akong tumingin kung saan nakatutok ang kanyang mata,at tuluyang nanghina

sa aking nakita.

******

Nagising ang diwa ko dahil sa kung anong sigawan na umalingawngaw sa tenga.kasabay din nang bangayan na animo'y mayroong pagtatalong nagaganap.

Dahan dahan kong minulat ang aking mata at ganun na lang ang pagtataka ko nang mapansing nasa kwarto na ako ngayon.....kwarto ko.

Sinubukan kong gumalaw munit hindi ko magawa dahil sa mga kung ano anong nakakabit sa akin.

Ramdam ko din ang pananakit ng katawan ko.pakiramdam ko ay sobrang bigat ng bawat parte ng katawan ko na animo'y pagod na pagod ako.

Pinaikot ko ang paningin sa paligid at ganun na lang ang pagtataka ko nang mapansing may kung anong abubot akong nakita na nakatayo sa gilid ng kama at konektado Ito sa kamay ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 03, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon