HER HAPPINESS

458 18 0
                                    

"Manong may problema ba si Kuya?" Tanong ng Nanay nila na si Mozzy sa panganay niyang si Kiefer

"Ha? Bakit?" Takang tanong naman ni Kiefer sa nanay niya

"Kasi galing ako sa kwarto niya, nakatalukbong ng unan" Sabi ni Mozzy na halatang nag aalala sa anak

"Oh anong problema dun Ma? Natutulog yung tao" Sabi naman ni Kiefer

"Hindi eh. Parang may naririnig akong humi-hikbi eh" Sabi ni Mozzy

"Bakit naman? Baka akala mo lang yun Ma. O kaya baka nagiging emotional lang dahil malapit na siya umalis" Sagot ni Manong

"Hey, Kief remember what I told you last night na parang nag iba yung mood ni Thirds kagabi. Bigla nalang siya naging tahimik tapos pinauwi bigla sina Julia diba dapat overnight sila dito. I think something happen last night kaya ganyan siya ngayon" Singit naman ni Alyssa sa usapan ng mag ina

"Tsaka di ka nagtataka never pa siya lumabas ng kwarto. Di nga tumakbo kanina e" Sunod na sabi naman ni Mozzy

"Wala akong natandaan may nangyaring panget kagabi ah" Sagot naman ni Kiefer

"I think I know why Kuya is like that" Biglang singit ni Dani

"Ano ba Dani nang gugulat ka naman" Sabi ni Mozzy na halatang nagulat kay Dani

"Ano naman?" Tanong ni Kiefer

Pinakita naman ni Dani ang picture na iniscreenshot niya kagabi

Pinakita naman ni Dani ang picture na iniscreenshot niya kagabi

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Ano naman to?" Tanong ulit ni Manong

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Ano naman to?" Tanong ulit ni Manong

"Manong naman eh alam ko si Kuya lang ang slow sa pamilyang to pati din pala ikaw" Iritang sabi ni Dani

"Si Bea at Andrei to. Ano ngayon?" Sabi ni Kiefer

"Seryoso Manong di mo pa rin gets? Ok! nag IG live sila kagabi kasama sina Cel at Jb. We know how private Ate Bei is ang dami na naming nag try invite sya mag IG live even mismong si Kuya pinipilit siya dati pero never pumayag si Ate Bei kaya for sure nagulat si Kuya makita si Ate Bei na nakikipag IG live kay Andrei and Ate Bei looks so happy sa buong live nila and game na game pa nga siya sumagot sa mga tanong ng fans nila and matagal na din may rumor na they're dating nga daw" Sabi ni Dani

Tinignan naman ni Kiefer si Ly. Dahil alam niya kung may something man sila Andrei at Bea sigurado na-kwento na ni Bea kay Ly ito dahil sobrang close nila

"Ly may alam ka ba dito?" Tanong ni Kiefer sa nobya

Tumango lang si Alyssa sa nobyo

"Bakit di mo sinabi sakin?" Inis na sabi nito kay Alyssa

"Bakit kailangan mo pang malaman?" Inis na sagot din ni Alyssa

"Alam mo naman kung bakit diba?" Mabilis na sagot ni Kiefer

"Para ano? Babakuran niyo nanamang magkapatid?" Inis na sagot ulit ni Alyssa

"Kung kailangan oo" Sagot naman ni Kiefer

"Wow Kief. Alam ko kung gano mo kagusto si Bea for Thirdy actually tayong lahat everyone is rooting for them pero pinapaalala ko lang may Julia na si Thirdy. Si Thirdy ang unang bumitaw. Hayaan niyo naman maging masaya si Bea. Bigyan niyo naman siya ng chance na makahanap nang taong magmamahal sakanya yung paninindigan siya. Yung hindi siya bibigyan ng mixed signals. Ang dami ng tinurn down ni Bea dahil lang diyan sa lecheng pambabakod na yan tapos ano di naman paninindigan ni Thirds yung pambabakod niya? Sorry for the word Tita, pero nakaka gago lang. Maawa naman kayo kay Bea. Kung alam niyo lang kung ilang beses na umiyak si Bea dahil kay Thirds. Wag niyo naman ipagdamot kay Bea ang maging masaya please naman. Hayaan niyo na si Bea kay Andrei" Sabi ni Alyssa

Hindi nila alam na nasa may hagdan lang si Thirdy at narinig lahat ng sinabi ni Alyssa

"Nong, tama naman si Ate Ly hayaan na natin si Bea. Masyado nako madaming sakit nadulot sakanya. Wag ka mag alala Ate ly walang mangbabakod ngayon. Wala na. Tara Nong inuman nalang? Yaya ni Thirdy kay Kiefer

Tumango lang si Kiefer dahil alam niya yun ang kailangan ng kapatid ngayon ang makikinig sa mga sasabihin niya

----

"Nong ganun talaga siguro hindi kami para sa isa't isa ni Bea. Nung napanood ko yung IG live nila aaminin ko sobra yung sakit. Isa kaya yun sa gusto kong gawin kay Bea na never na yata mangyayari. Kasalanan ko naman kung bakit naging ganito ang gulo ko kasi. Nung handa na si Bea ako naman yung naduwag. Natakot kasi ako na baka di ako magustuhan ng tao para sakanya, na baka hindi ako maging enough for her"

"Thirds kilala mo si Bea di siya ganun. Ikaw lang sapat na" Pag putol ni Kiefer sa kapatid na ngayon ay umiiyak na

"Pero kasi Nong, si Bea kasi yun Bea de Leon parang suntok sa buwan pagdating sakanya tiklop talaga ko eh" Sabi ni Thirdy habang tumutulo ang mga luha sa kanyang mata

"Kaya nag settle ka nalang sa convenient?" Sabi ni Kiefer sa kapatid

"Masaya naman ako kay Julia" Sagot naman Thirdy

"Pero hindi kasing saya pag si Bea ang kasama mo. Yung mga ngiti mo na abot hanggang sa mata mo. Matagal na din namin hindi nakikita" Seryosong sabi ni Manong

"Huwag mo ipagdamot sa sarili mo ang maging totoong masaya Thirdy"

"Ayaw ko din ipagdamot kay Bea ang pagkakataon na maging masaya siya. Kung napanood mo lang manong grabe ang saya niya. Kagabi ko nalang siya ulit nakita ganon kasaya. Deserve niya maging masaya. Nung pinakawalan ko siya alam ko na pwedeng maka hanap siya ng taong magmamahal ng higit pa sa kaya kong ibigay. Atleast panatag ako na pupunta ng Japan knowing na may magaalaga sakanya. Kaya Nong maging masaya nalang tayo sakanya. Hanggang dito nalang kami ni Bea" Malungkot na sabi ni Thirdy

"Pero Thirds great love mo si Bea" Pangugulit ni Kiefer sa kapatid

"Nong alam ko gustong gusto mo si Bea sakin pero dapat alam din natin kung kelan sumuko. Sabi nga nila sometimes loving someone means letting that person go. Hindi lahat ng greatest love nagkakatuluyan. Magkaibigan pa din naman kami ni Bea okay na yun" Sabi ni Thirdy

"Sana di mo pagsisihan yan. Buhay mo yan matanda kana dapat alam mo na ung mga bagay at tao na dapat kini-keep. Basta ako hanggang dulo ThirBea pa din" Sabi ni Kiefer

---------
Grabe dahil sa ganap kagabi nakagawa ako ng wala sa oras nito. Imagine from 2AM to 5AM ko to ginawa and I really don't know what I am feeling. I  am happy for Bea that's for sure kung si Andrei na talaga nagpapasaya sakanya at the same time nalulungkot ako for my TB ship parang hindi ko yata sila kaya ilet go. Never ko naisip na hindi sila sa dulo pero yung happiness na nakita natin kay Bea kagabi, kagabi lang talaga natin ulit nakita yon. Hindi pa ko handa if ever maging mas open sila parang feeling ko maiiyak ako. Pero deserve din naman ni Bea yung maging malaya with her special someone. I hope in the future mahanap nina Thirdy at Bea ang daan pabalik sa isa't-isa 🙏

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 06, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HER HAPPINESSWhere stories live. Discover now