Part 6

2K 71 1
                                    

KAGAT-KAGAT ni Raven ang dulo ng kuko ng kanang hintuturo niya habang paroo't parito sa paglalakad sa loob ng kanyang silid. Hindi siya mapakali. Hindi siya mapalagay. Iyon ay dahil sa lalaking nakabungguan niya kanina sa mall.

"Ang guwapo niya!" palatak niya bago patihayang ibinagsak ang sarili sa ibabaw ng kanyang kama. Aaminin niya, malakas ang appeal nito. Sex appeal. Hindi ito boyish o boy next door type. Lalaking-lalaki itong tingnan. Naghuhumiyaw ang masculinity dahil sa mga mata nito na animo kayang-kayang basahin ang nilalaman ng isipan niya. Bukod roon ay hindi rin maitatanggi na bukod sa napaka-sensual na labi nito na animo nag-aanyaya ng isang halik, bumagay rin rito ang mga stubbles na nasa gilid ng mga pisngi nito, baba, at upper lip. Will those well groomed-beards tickle her skin when he kisses her? And will she get intoxicated with those kisses? Gaano kaya kaganda ang katawan nito kung wala itong kasuotan?

"Oh my God! Ngayon ay pinagpapantasyahan ko na ang lalaking iyon!" palatak niya pero hindi naman niya mapigilan ang pagngiti niya. All right, aamin na siya. Kinikilig siya sa lalaking iyon. Ito ang klase ng lalaki na gigising sa natutulog na imahinasyon at sensuality ng sino mang babae. Malaking factor kasi siguro ang mga mata nito na may kapilyuhan kung tumingin. It was as if his eyes were displaying a promise of a wicked pleasure. And she was no exception. Because yes, she's physically attracted to him. Hindi naman mahirap aminin ang bagay na iyon sa sarili niya. Para ano pa na halos buong buhay niya ay ginugol niya sa isang liberated na bansa. Sayang at hindi sila nagkakilala. Kasi naman ay bigla siyang nataranta.

She sighed. May mga pagkakataon talaga na bigla nalang siyang natataranta. Ang sabi ng doktor niya ay natural lang daw iyon sa mga taong nakakaranas ng memory loss. Yes, she was suffering amnesia. Isang taon na ang nakararaan ng maaksidente siya. Nasa Washington pa siya noon. Ang sabi ng Tita niya ay masyado daw niyang dinamdam ang pagkawala ng parents niya kaya ginusto niyang lumayo muna. Pauwi daw umano siya noon ng Pilipinas ng maaksidente siya. Ayon sa report ng Police ay sinadya umano ng kriminal na banggain sila. Para bang naghahanap na ng damay. Their car was sandwiched between the criminal's car and the car behind them. Tila umano pinompyang ang sasakyan nila. Yuping-yupi iyon. Unfortunately, binawian ng buhay ang driver niya habang siya ay ilang buwan na nakipaglaban para sa buhay niya. Nang magising siya ay wala na siyang matandaan maliban sa mga general knowledge ng buhay niya. Ang sabi ng doktor ay reflex daw ng utak ng tao ang magtago sa amnesia kapag nakakaranas ng matinding trauma. At sapat na daw na trauma ang aksidente lalo pa at ilang beses siyang nalagay sa kritikal na kondisyon. Babalik din naman daw ang kumpletong alaala niya. Iyon lang, walang tiyak na oras kung kailan iyon babalik.

Nang gumaling siya ay ipinasya niyang umuwi na ng Pilipinas. Hindi naman siya naiinip dahil inuubos niya ang oras niya sa pagsusulat. Yes, she's a writer—romance writer. Napagkatuwaan lang niyang magsubmit ng manuscript niya at sa gulat niya ay naaprubahan naman iyon. Though, back in the Washington, she owned a garments factory. Ngayon ay pinamamahalaan muna iyon ng isa niyang pinsan.

"Hmm..." Napangisi siya ng muli na namang pumasok sa isip niya ang lalaki. "New hero? Puwede! Hindi lamang puwede, puwedeng-puwede!"




PABILING biling si Roel sa kanyang kama. Naroong tumihaya siya, dumapa, tumagilid, o umupo. Hindi siya mapalagay. Hindi siya makatulog. Hindi siya matahimik. At lahat ng iyon ay dahil sa mukhang ayaw lisanin ang isipan niya. Tila iyon ginamitan ng super glue at idinikit sa isip niya kaya ang resulta ay hindi ito mawala-wala sa utak niya. The gorgeous set of her eyes was haunting him. And those luscious lips were lingering on his mind.

Bumaba siya ng kama. Hinubad niya ang suot na loose shirt bago niya tinungo ang bintana sa kaliwang bahagi ng silid niya. Sumampa siya sa pasimano niyon at naupo roon. Ang parte-ng iyon ng silid niya ang isa sa pinakapaborito niya. Kaya nga ipinasadya niya na mas malapad ang pasimano ng bintana para nakakaupo siya roon. Mula kasi roon natatanaw niya ang dalampasigan. Dahil nasa bandang silangan iyon kaya tuwing umaga ay na-e-enjoy rin niya ang panonood ng pagsikat ng araw. Ngayong madaling araw na ay kumikinang naman na tila mga diyamante ang ibabaw ng tubig dahil sa tama ng liwanag ng buwan. It was a breathtaking view, a sight to behold. Subalit hindi niya iyon ma-appreciate ngayon.

Napaungol siya. Bumaba rin siya mula sa pasimano. Tinungo naman niya ang sidetable niya. Binuksan niya ang isang drawer. Mula roon ay inilabas niya ang isang maliit na kahon. Binuksan niya iyon at kinuha ang laman. Pagkuwa'y muli siyang naupo sa pasimano. Doon ay unti-unti niyang binuksan ang palad niya hanggang sa tuluyang tumambad sa paningin niya ang isang kuwintas. Ang bawat Valencia ay mayroon niyon, mapababae man o mapalalaki. It was given to them upon their birth. Hindi niya iyon isinusuot noon pero sa tuwina ay dala niya iyon na para bang isang lucky charm.

Mahalaga iyon sa kanya dahil tila palatandaan na rin iyon ng pagiging Valencia nila. But, at seventeen, he tried to give it away. Hindi niya alam kung nagpadalos-dalos lamang siya noon sa pagdedesisyon pero binalak niyang ibigay iyon sa isang dalagita na naging bahagi ng isang mahalagang turning point ng buhay niya. That turning point he was talking about was when he completely lost his innocence and became a man. It was so special for him because that girl was also innocent.

Subalit hindi kinuha ng dalagita ang kuwintas, sa halip ay ang pendant lang ang kinuha nito. Bilang kapalit ay ibinigay naman nito sa kanya ang kalahati ng hikaw nito. Itinago niya iyon hanggang sa maisipan niya na ipa-convert ang hikaw para maging pendant. And now he was looking at it with sweet little memories that keep flashing on his head.

Ang totoo ay nakadama siya noon ng emotional attachment para sa dalagita. Ilang linggo rin itong naging laman ng isip niya. Hanggang sa lumipas na ang mga araw, buwan, at taon. Sa isang sulok ng puso niya naroon ang dalagita. Hindi niya ito nakalimutan lalo na kapag nakikita niya ang kuwintas. Hindi naman niya masasabi na minamahal niya ito. Iningatan lang niya ang espesyal na sandaling iyon sa buhay niya.

At ngayong nakita niya muli ito ay naguguluhan siya. Sure, she's definitely gorgeous and a certified head turner. Hindi lamang niya maunawaan kung bakit tila pumipiksi ang puso niya ng ganoon, as if it had finally found its long lost part. Nakakaramdam siya ng kakaibang longing para rito. Kaya naman hindi niya napigilan ang sarili niya na palihim na sundan ito kanina. Alam na niya kung saan ito nakatira.

What's her name again? "Raven..." he uttered the name. Raven ang pangalan ng dalagita-ng iyon na ngayon ay isa nang ganap na dalaga. Isang maganda at kaakit akit na dalaga.

Bukod sa naguguluhan niyang damdamin ay may isa pa siyang iniisip. What's with Raven and the Mondragon brothers? Nakita niya ng yakapin ito ni Xander. Sa magkapatid ay mas madaling basahin ang emosyon ng modelo. Pero sa pagkakataong iyon ay nahirapan siya. But sure, there was something strange with them, lalo na ang palitan ng sulyap ng magkapatid.

Ano na nga ba ang gagawin niya? Naroon siya sa hacienda pero nasa Maynila naman ang isip niya.

Kumuha siya ng papel at nagsulat.    

Valencia Brood Series Book 6 : RoelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon