ANO KAYA ang magandang panoorin mamaya? ani ni Raven habang pinapasadahan ng tingin ang mga hanay ng DVD na maayos na nakasalansan sa mga estante. Nahagip ng paningin niya ang latest movie na pinagbibidahan ng isa niyang Hollywood crush na si Brad Pitt. Ang pelikulang World War Z. Napanood na niya iyon sa big screen pero wala pa siyang kopya niyon. Tamang tama dahil iisa na lang ang nakikita niya. Kukuhanin na niya iyon ng maunahan siya ng isang kamay.
Agad napuno ng pagkainis ang dibdib niya. Obvious na pang-aagaw ang ginawa nito dahil halos hawak na niya ang DVD. "Ako ang nauna. Give that to me," aniya sabay harap rito.
Lihim siyang napasinghap ng makita niya ang isang guwapong lalaki—na walang iba kundi ang lalaking nakabungguan niya noong isang araw. Papaanong malilimutan niya ito gayong naka-ukit na yata ang larawan nito sa isip niya.
Paanong hindi matatanim sa isip mo Raven gayong pinagpapantasyahan mo ang lalaking iyan na may sensuwal na labi at pilyong mga mata? Tukso ng isip niya na aminado naman siyang totoo.
"I'm sorry Miss, pero ako ang unang nakakuha. So technically, it's mine." Sagot nito bago ngumisi na para bang pinagkakatuwaan siya nito.
Nakaramdam siya ng inis. Hinayang na hinayang pa naman siya na hindi niya ito nakilala tapos ngayon ay malalaman niya na hindi naman pala pang-hero ang ugali nito. Tinaasan niya ito ng kilay. Tinaasan rin siya nito ng kilay na animo hinihintay ang sasabihin niya.
Inismiran niya ito bago tinalikuran. Guwapo nga, pangit naman pala ang ugali!
Lumabas na siya ng Astroplus. Ipinasya niyang magtungo nalang sa National Book Store. Imbes na manood ng pelikula ay magbabasa nalang siya ng libro. Pumunta siya sa hanay ng mga bestsellers. Kumuha siya ng isang libro at binasa ang teaser niyon sa likod. Nang walang ano-ano ay may tumabi sa kanya. Iyong tabi na may kasamang puwersa kaya naman bahagya siyang nasagi. She pressed her lips hard. Hindi pa nga siya nakakarecover sa pagkainis at panghihinayang sa lalaking iyon, heto at dadagdagan pa yata ng isang ito.
"Excuse me. Puwede bang magdahan-dah—ikaw? Ikaw na naman?!" bulalas niya ng makilala ang lalaking nang-agaw sa kanya ng DVD.
The guy pouts his lips. Tapos ay bahagyang kumunot ang noo nito na animo nag-iisip. Itinuro pa nito ang sarili. "Ako na naman? Bakit, kilala mo ba ako? Do we know each other?"
Napabuga siya ng hangin. "Nananadya ka ba talaga?"
"I'm sorry? Ano'ng nanadya ang sinasabi mo?" pagmamaang-maangan nito pero hayon at bahagyang tumataas ang sulok ng labi nito. Naroon sa mga mata nito ang hindi maitagong kasiyahan. Walang duda, pinagkakatuwaan siya ng lalaking ito. Bakit mukha ba siyang clown?
"Whatever!" Sa sobrang inis niya ay binitiwan na niya ang hawak na libro at malalaki ang hakbang na umalis roon. Subalit isang kamay ang pumigil sa braso niya.