Part 10

6K 168 93
                                    


IPINULUPOT ni Roel ang braso niya sa baywang ni Raven. Habang si Raven naman ay inilagay sa magkabilang balikat niya ang mga palad nito. Nagsayaw sila sa isang mabagal ngunit sweet music na tinutugtog ng pianist.

Something was puzzling him. Sigurado na siya na ito nga ang dalagitang nakatagpo niya noon. Pero bakit tila hindi siya nito nakikilala lalo pa at nasabi na niya rito kung anong university siya nag-aral. Kahit naman siguro papaano ay may ideyang papasok rito na minsan na silang nagtagpo. Pero wala, eh. Raven seems clueless. At hindi niya masabi na umaarte lang ito. Ganoon ba siya kadaling kalimutan?

Ganoon pa man, hindi niya gaanong iniisip kung naaalala man siya ni Raven o hindi. Mas napagtutuunan kasi niya ng pansin ang atraksiyong nadarama niya para sa dalaga. Their brief but passionate encounter was haunting him. And it was evoking some yearning within him. Naaalala niya kung gaano katamis ang labi nito. Naalala niya kung gaano kalambot ang katawan nito. He remembered how good it felt to have her in his arms. At ngayon ay pumupuno sa dibdib niya ang pag-asam na sana ay maulit ang sandaling iyon. Gusto niya itong hagkan, gusto niya itong yakapin, at gusto niyang angkinin ito. That was the truth.

"You're gorgeous," aniya. Ang mga mata niya ay nakatutok sa labi nito. It was the most sensual lips he had ever seen and the thought of kissing her was creating havoc within him. Heat was surging all through out his body. Napalunok siya.

Nagtaas siya ng paningin at sinalubong ang mga mata nito. Her eyes were both alluring. Alam niya na ang atraksiyong nadarama niya para sa dalaga ay nakasungaw sa mga mata niya. Mababasa iyon ni Raven katulad ng kung paanong nababasa niya sa mga mata nito na pareho lang ang nadarama nila.

Mula sa mga balikat niya ay tumaas ang mga palad ni Raven. Pumosisyon iyon sa likod ng batok niya at pinagsalikop roon bago siya nito binigyan ng isang mapang-akit na ngiti.

"Ikaw rin," sabi nito.

Napangiti siya. Raven still knows what she wants. Katulad noon, na kahit bahagya pa itong mahiyain ay hindi naman natakot na sumubok sa kanya.

Hinapit niya ito papalapit sa katawan niya. Nagpatianod naman ito, hindi tumutol. Nang iabante niya ang mukha niya papalapit rito ay sinalubong siya ni Raven. At nang magtagpo ang mga labi nila ay kusa nalang na napapikit siya. Raven's lips were softer, sweeter, and more pliant as he could remember.

Incredible. With Raven's kiss I feel...magical.

Hindi niya napigilan ang pagtakas ng ungol sa lalamunan niya. Tila ba kaytagal niyang hinintay ang sandaling iyon at ngayon ay ayaw na niyang tapusin pa ang sandaling iyon.




RAVEN closed her eyes as soon as Roel's lips met hers. Hindi siya binigo ng expectations niya sa binata. Masarap itong humalik. Matamis at malambot ang labi nito habang ang pinong balbas na kumikiskis sa balat niya ay naghahatid ng kakaibang kiliti. Walang pagmamadali sa kilos nito, banayad ang hagod ng labi na para bang ninanamnam ang sandaling iyon. And she was feeling magical. Pakiramdam niya ay may kakayahan ang halik ni Roel na dalhin ang diwa niya sa isang malaparaisong lugar. Just like what she felt when he first kissed her.

Natigilan siya. Just like what she felt when he first kissed her. Ito ang unang halik na pinagsaluhan nila, 'di ba? Bakit nagkaganoon ang naging daloy ng isip niya na para bang totoo nga ang palagay niya niya na minsan na niyang natikman ang labi nito.

"Raven, bakit ka natigilan?" tanong ni Roel na hindi niya namalayang itinigil na ang paghalik. "Hindi mo ba nagustuhan ang halik k—"

"N-no. No. Hindi ganoon," maagap na tanggi niya. "T-the kiss was...great."

Nakagat niya ang labi niya bago siya nag-iwas ng paningin. Hinawakan naman ni Roel ang baba niya at hinuli ang mga mata niya. "Then tell me what's wrong..."

Mataman niyang tinitigan ang binata. "E-ewan ko pero parang...parang nakilala na kita." Walang kasiguruhan niyang sagot. "H-have we met before, Roel? K-kung oo, puwede mo bang sabihin sa akin kung saan at kailan?"

Saglit siyang tinitigan ni Roel.

"Maupo na tayo, Raven. Pag-usapan natin ang bagay na iyan." Inakay siya ni Roel na maupo. Nang makaupo ay muli na naman niyang tinitigan ng mataman ng binata. Hindi na naman siya mapalagay. Pakiramdam nga niya ay sumasakit pa ang ulo niya.

"Hindi mo talaga ako natatandaan, Raven?"

Nahigit niya ang kanyang hininga. Ibig bang sabihin ay talagang nagkakilala na sila? Confused, she shooked her head.

"Kahit noong magkuwento ako ng isang anecdote tungkol sa summer youth camp na pinuntahan ko noon sa Wyoming?"

Nanuyo ang lalamunan niya. Nahilot niya ang sintido niya. "I...Inaamin ko, parang pamilyar ka nga. K-kaya lang kasi...kung nakilala na kita noon, I'm afraid I'll still won't remember you now."

Si Roel naman ang nagkunot ng noo. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

Hinawakan niya ang peklat na pinuna nito kanina. "Tinanong mo ako kung saan galing ito. Sabi ko sa isang car accident' 'di ba?" Tumango ito. "Well, hindi lang 'yan ang peklat sa ulo ko. Those head injury damaged the Temporal lobes of my brain. I...I am suffering memory loss, Roel."

Napasinghap si Roel. "May amnesia ka?"

Tumango siya. "Noong una palang na magkita tayo, may pakiramdam na ako noon na para ngang pamilyar ka. Kaya lang nataranta ako kaya ako umalis. Ang totoo, kaya ako natigilan kaninang hinahagkan mo ako ay dahil sumingit sa isip ko na hindi iyon ang unang halik na pinagsaluhan natin." Hindi na siya nahiyang sabihin ang bagay na iyon.

"Oh my God..." ani ni Roel na hindi pa makabawi sa pagkabigla.

"So, tell me, Roel. Nagkakilala na ba tayo? Magkakilala na ba tayo?"

Kinuha ni Roel ang palad niya at hinawakan iyon. "Nagsalubong na ang landas natin, Raven. Doon sa Youth camp na iyon sa Wyoming tayo nagkakilala. I mean, nagkaroon ng dalawang youth camp roon. One for the boys and one for the girls. Alam mo naman ang mga teenagers sa US 'di ba? I mean ikaw at ang grupo mo, ako at ang grupo ko...nagkakilala tayo."

"And...?"

"We had a brief encounter and we shared the same turning point of our lives." Marahang pinisil nito ang palad niya.

Tumahip ang dibdib niya sa kumpirmasyong iyon ng binata. "Brief encounter? Turning point?"

"Sigurado ka na gusto mong marinig?"

"Yes. Please."

"Uhm, okay. Raven, we...we..."

"Oh come on, spill it out."

"We shared our first sexual experience together."

"Oh my God!" bulalas niya. She was amazed.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Valencia Brood Series Book 6 : RoelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon