Prologue

1 0 0
                                    

CHYORT! balita kong dumadami ang nagbabasa dito at nalaos na ang precious hearts romance dahil sa wattpad. sa tagal kong di inopen ang aking account, di ko man lang namalayang dumarami na ang bumibisita rito, lalo na sa Pinas

BAGONG BUKAS

"tol, reopen ko kaya wattpad ko."

baket?

"andami kong gustong ibuga eh. kung maging batugan nalang ehhhh... gusto kong maging constructive."

ano ba mga susulat mo?

"dark comedy. gusto ko patungkol sa parricide o kaya yung mga madugo. masyado nang mainstream mga tao, puro pa-kilig nalang. kakasawa na, kakainis pa."

sa bagay....... mas maganda yon.

napagusapan namin to ni utol noong nakatengga lang kami sa kahabaan ng Aurora. Mainit na araw at ginaya ko pa si Rizal, nakajacket. Ang pag-asal nang ayon sa ganda ay mahirap ngunit wala akong magagawa para maiba ang aking kaanyuhan. Mas weird, mas maganda. Lahat naman ng fashion trends at mga pauso bawat taon sa Pinoy Fashion Week ay malalaos din, parang hipster baga. PERO DI AKO HIPSTER.

Ang alam ko lang kasi ang lahat ay may hangganan. Malalaos balang araw. Kahit mga aral, lahat yan maglalaho pero ang di mabubura sa pag-ikot ng mundo; kung pwede nga lang, sa pag-ikot ng jeep sa UP mula Katipunan hanggang Philcoa.

NONSENSE DIBA? SAGARIN NA NATIN!

........ sa dami-dami ng mga akda eh iisang paksa lang ang pumapasok kadalasan lalo na sa popular na mundo. Kung si Tado(RIP) nga lang gumawa ng pwede niyang ilabas sa kanyang sarili, ako pa kaya. "WAG LANG AKO: ikauna sa labingtalong akda." Wow ang gandang pakinggan, mukhang mababaw pero anlalim ng paksa. Jologs sa karamihan, makata sa iilan. ART~!

ay 412 chars nalang pala. O sige, sakay na ko ng LRTng BUWISET nagtaas ng di makatarungang singil sa pasahe. Napakalaking gago talaga ang mga nasa St. Jude.(take note: yung kapitbahay nila ang sinasabihan kong gago.)

ay nakalimutan ko, thesis ko pala!! di pa ko nakakagawa, ARAYYYYYYYY~!!!!!

end of prologue.

OTUR.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon