To My Infinity-[One Shot]

163 16 17
                                    


Written by: HarshReysh/ReyshVillano

[One-Shot]
***

To my Infinity,

She is Maria Infinity Shane Villamor Ang babaeng crush na crush ko simula pa lang nang makita ko siya.

Simple at walang kaarte arte sa katawan, mabait, masipag, matalino not typical girl na maganda,sexy at pinagkakaguluhan.

Chubby siya at hindi katangkaran,pero para sa akin sya pa rin ang pinakamagandang babae na nakita ko.

Palagi siyang nakangiti kitang kita ang maganda niyang ngipin at ang malalim niyang dimple at ang ganda ng mga mata niya, yung mga tingin niyang nakakatunaw at nakakapanlambot ng puso.

Sa tuwing nakikita ko siya, nagsslowmo ang paligid, para ba'ng sya lang ang nakikita ko, kahit na maraming tao sa paligid, sya lang ang nakikita ng mga mata ko, at yung pintig ng puso ko hindi normal, at parang mauubusan ako ng hangin sa sobrang kaba.

Mula sa malayo kitang kita ko siya, Oo hanggang sa malayo ko lang sya pwedeng titigan, dito lang kase pwede eh, dito lang ako pwedeng tumitig sa kanya ng matagal. Yung walang makakakita at mangaasar.

Sana, balang araw lumingon ka sa kinakatayuan ko. Kahit isang beses lang.

Nakakainis nga eh. Parang di ako lalaki. Powtek na grupo ko kase yan!

"Hoy Mavy! Tara dito, may pinapahirapan si Jill hahaha!" Tawag sa akin ni Kris, nilingon ko naman sya, nakita ko sina Jill at Jack na may binubully na naman, takte talaga ng mga to! Nakaluhod sa harap ni Jill ang isang lalaki na may makapal na salamin habang nagkalat ang makakapal na libro sa paligid, mukhang nabangga niya si Jill, Trouble to'ng nerd na to, di kase nagiingat eh.

"Dalian mo! Ayoko ng pinagaantay naiintindihan mo?!" Tumayo naman agad yung nerd tsaka hinubad yung pants niya, walangya talaga. Napa-tsk na lang ako sa nakita ko, marami ng tao sa paligid at dahil sa ginawa niya nagtawanan yung mga estudyante sa nakikita nila, naka boxer kasi ito ng hello kitty.

Dahil sa biglang tumingin sa lugar namin si Jill, tumawa naman ako bigla, yeah lagi ako'ng ganto, kunwari natutuwa ako sa katarantaduhan nila pero sa totoo lang Hindi.

Bad boys. Kilala ako bilang isa sa mga Bad Boys, Bully sa school at kinatatakutan ng mga estudyante.

Napilitan lang naman ako sumali dito eh, pero sa loob loob ko. Naaawa ako sa mga nabubully namin- nabubully ko.

"Hala sorry!" Bigla ay paumanhin ng isang babae, Napahinto ako. Shete.

Si Infinity.

Natapunan niya ko ng mineral water sa damit nabangga kase sya ng isang estudyante na hindi tumitingin sa daanan. Nakayuko siya mukhang takot na takot sa akin.

Gusto kitang yakapin, yung sobrang higpit para maramdaman mo na importante ka sa akin.

Ngingitian ko sana sya para sabihin ayos lang ng dumating sila Jack. Wrong timing talaga!

"Mavs, bakit basa ka?" Usisa nila, kumunot naman yung noo ko bigla,

"Natapunan ako neto ni Taba eh! Tsk. Di kase nagiingat!" Pagkasabe ko nun gusto gutso kong bawiin lahat ng sinabi ko, gago ka talaga Mavy!

"Hahaha ang taba niya kase, sakop buong daanan! Tara na, hayaan mo na yan si taba!" Hagalpak na tawa nila, punyemas ka talaga Kris, wala naman ako'ng nagawa, tinignan ko na lang ulit si Infinity, powtek umiiyak siya. Kumirot bigla yung puso ko, nakakainis! Ang sama na talaga ng tingin niya sa akin.

To My Infinity [One-Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon