03: They're Insisting It

21 4 0
                                    

"Yun yung pinaka-bobo at pinaka-tangang palusot na narinig ko sa buong buhay ko! Haha!" Sabi ko pagkatapos ng doktor patawan ng lunas ang manyakis na si Jeylord.

"Alin ang bobo dun? Kung hindi ko sinabi ang mga kabubuhan na yun, malamang ay nasa guidance office ka ngayon. Tsk"- sabi niya habang nakapikit. And it hit me! Oo nga pala!

Nakalapat ang isang braso niya sa mga mata niya, siguro dahil mahapdi pa rin. At nasa tiyan naman niya ang isa pang braso niya.

"So, magpapasalamat na ba ako sa'yo ngayon?" Pabalang na sabi ko.

"Hindi." Maikling sabi niya. "Tabi ka nalang sa akin dito, okey na ako." Nakangising sabi niya.

"Over my dead body!"

"Alam mo, nai-imagine ko."

"Don't even! Hinding-hindi kita papatulan kahit sa imahenasyon mo!" Sabi ko.

Nagmulat siya ng mata. Parang bampira, ang pupula! Haha! Buti nga!!

"Kung nakahiga ka rin dito, alam mo kung nasaan ako?" Tanong niya sa akin pero hindi ako sumagot. Umirap lang ako dahil alam kong kabastusan na naman ang lalabas sa makasalanan niyang bibib. Siguradong sasabihin niyang, over or under you! Ano pa nga bang aasahan kong sagot?!

"Syempre nasa lapag! Sa laki mong yan hindi tayo magkakasya dito haha!!" Saka siya parang demonyong tumawa. Tsk! Natawa ako dun sa sinabi niya ha!

"O, ba't ka tumatawa? Dahil totoo no? Hahaha!"

Gago! Natawa ako sa naisip ko kanina na akala ko yun yung sasabihin niya, hindi pala! Hahaha! Ang gulo na ng utak ko!! Pino-poison ng manyakis na'to! Nagma-malfunction na ang utak ko!

Hindi ako makapaniwalang yun yung naisip ko samantalang hindi naman pala yun yung iniisip niya! Omaygad! That was so embarrassing!

"Nabaliw na tong babaeng to!" Puna niya.

"Ha?" Tanong ko.

"Pangiti-ngiti ka diyan! Kanina pa ako tapos tumawa! Nayari na!"

"Bakit? Ikaw lang ba ang may karapatang ngumiti?" Sabi ko sabay irap sa kaniya.

"Hindi. Pero sana alam ko yung rason kung bakit ka pangiti-ngiti diyan para naman hindi ka mukhang sinapian na diyan!" Sabi niya.

Over my dead my body!! Hinding-hindi mo malalaman yung rason!! Mamamatay muna ako!

"By the way, akala mo nakalimutan ko na yung tungkol sa pangs-spray mo sa akin ng lintik na pepper spray na yun na kamuntikan na akong hindi makakita ulit ng matambuk na pwet, pwes hindi!" Inis na sabi niya.

"Ayaw mo nun magiging anghel ka na rin sa wakas?"

"Anong silbi ng pagiging anghel kung hindi rin naman ako makakakita ng mga anghel?! Ha?" Tanong niya.

"Tsk. Just look at the bright side, at least hindi ka nga talaga nabulag!"

"E paano kung nabulag nga ako? Ikaw maghuhugas ng pwet ko?!"

"Ew!! Kadiri!! At ba't naman napunta sa kadiri mong pwet yung uspan?! Nawalan ka ng paningin hindi naputulan ng kamay!"

"Malamang, konekted yung mata ko sa kamay ko e!"

What? Nasaan ang logic dun?!

"Anyway, you know that nothing comes free. Kung ayaw mong isumbong kita sa guidance office, you should listen to me." Kalmadong sabi nito.

Bago ko makalimutan, may klase pa pala ako!

"Magna-nine thirty na, alis na ako." Sabi ko sa kaniya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nevergone, JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon